"mabuti" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.
Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.
Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.
Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.
Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.
Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.
Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita?
Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa,
Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan
Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan
Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan
Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan
Unang pagbabago ng aking nararamdaman
Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan"
Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita
Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha
Ngunit ikaw ay aking naintindihan,
Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng nakaraang hindi malimutan
Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya
Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan
Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana
Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga
Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala
Batid kong madaming nagmamahal sayo,
Kaya naman aking pagtingin ay lumayo
At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo
Gusto ko lang lagi **** tatandaan,
Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo,
Handang tumulong sa abot ng aking makakaya
Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema
Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday
Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan
Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan
Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan
Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan
Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang
Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang
Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot
Sana wag kang magbabago't wag makakalimot
Di nako aasang liliit ulit ang espasyo
Magbubukas ulit ang entablado
At makaka tapak sa inyong teritoryo
Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
May 26, 2018
May 26, 2018 at 9:20 AM UTC
*Kaibigan, naalala mo pa ba?
Ang araw na lagi tayong magkasama?
Ikaw at ako, tayong dalawa,
ay masayang naghahabulan sa may kalsada.
Kaibigan, natatandaan mo pa ba?
Nagkasakit ka't sa iyo'y walang nag-alaga?
Mabuti na lang naroon ako.
Walang araw at gabing inalagaan kita.
Kaibigan, hindi mo ba nakalimutan?
Ang pagtangi kong mahal pala kita?
Nagulat ka, at napaurong ang dila.
Natigilan, natahimik, at mulagat ang mata.
Kaibigan, sa tingin mo ba?
Naiwaksi ko sa aking isipan na,
Mahal mo ako noon pa,
At hindi mo iyong sa'kin ipinagkaila.
Kaibigan, sampung taon na pala?
Ikaw at ako ay buhay pa.
Kahit uugod-ugod at matanda na,
Pagmamahalan natin ay tunay na dakila.
Kaibigan, mahal na mahal kita...*
Dec 26, 2015
Dec 26, 2015 at 2:56 PM UTC
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip.
Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili **** gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.
Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman.
Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan **** punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan **** sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita.
Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 12:58 AM UTC
#112415
At kaya nga ayokong mag-lotto,
Kasi naaalala kong walang pag-asang manalo,
Mabuti pa si Chito,
Hindi nauubusan ng liriko.
At ayokong umasa sa roleta,
Kasi ako yung tipong sigurista,
Hindi naman ako dumaraan sa peryahan,
Moderno nga pala sa'ming bayan.
Hayaan mo, hindi ako mag-aaksaya ng barya,
Papel lang kasi siyang humahagkan sa bulsa.
Sandali, pagkat hindi ako mayaman,
Hindi ka kasi mabibili ng ginto't dyamante sa tindahan.
Paumanhin, wala naman kasi akong pera
Hindi ako magtataya sayo,
Lotto ka nga eh, walang kasiguraduhan.
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 6:45 AM UTC
Minsan gagamit ng payak na salita
Ngunit ito'y uusigin ng iilan;
Minsa'y sisisid at muling hihinga
Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita.
Kung ang pagsusulat ay pagmulat
Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala?
Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma?
Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado.
Minsa'y wala namang nais ipahiwatig
Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig
Wala nga bang dahilan?
O ayaw mo na lamang lumaban?
Sa mundong ginagalawan
Hindi lahat makaiintindi
Hindi lahat makikiayon
Pagkat hindi iisa ang bida
May iilang ekstra sa eksena
Kaya marapat na handa ka.
Ang pagsulat ay malaya
Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga
Ganyan ang nadudulot ng demokrasya
Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra.
Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga
Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya?
Ang pagsulat nga'y musika rin
Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig
Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa.
Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad
Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan
Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko.
Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang
Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?"
Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba
Ang pluma ng ila'y wala palang tinta
Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa
Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago.
Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita
Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama
Mayroong layong nakapag-iisa
Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan
Mayroong uusbong na himagsikan --
Mabuti man o masama.
Abstract/ abstrak
Mabuti pang ganyan ang pagsulat
Nang hiwatig ay pansarili lamang
Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak
Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon.
Bale wala ang salita
Kung ang mga ito'y walang aksyon;
Bale wala ang salita..
Kung ang puso'y wala namang direksyon.
(6/28/14 @xirlleelang)
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
sumulat ako ng elehiya
ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya
tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!
nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.
hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,
binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya
at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban
sa huli, wala akong armas na nilundayan
sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Sep 2, 2018
Sep 2, 2018 at 1:07 AM UTC
Pinuro ang lupang buhangin ang kulay
Mga yapak, pawang sadsad sa konsensya
Nagpapawis ang sarili
Pati mata’y may butil na di sadya.
Gamit ang sariling lakas,
*Babaunin ko sana *
ang bughaw na nakaraan
Bagkus kumikinang ang dibuhong
Sampal sa pagkatao.
Hindi ko sya matitigan
May kurot sa puso
Kahit minsa’y walang emosyon.
Mabuti pa sya
Yakap na ng Ama
Habang ako’y makikibaka pa
Pagkat paglisan ko rito’y
Buhay ko naman
Angpagtitibayin –
Susulong ako na parang leon
Ngunit walang pangil
Pagkat sa kahirapan pa rin
Dadapa at magpapaagos
Matalim ang kamndak nito.
May 2, 2015
May 2, 2015 at 10:25 AM UTC
Sa madilim na sulok ay inaalala
ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela
at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga
Lipos ng rosas ang kapaligiran
Kapag siya'y nakikita sa paaralan
Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan
Hinati na ng imahinasyon
ang daigdig ko na may limitasyon
Itinago muna ang katotohanan
Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan
Sa alon ay nagpapaanod
Sa hangin ay naninikluhod
Ibinulong ang tanging hangarin
na sana sa isang araw kami'y magkapiling
Anong saya sa tuwing pasukan
Singko kong baon ay iniipon
Upang sa pagdating ng tamang panahon
Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan
Bakit ko pa ikinakahiya
ang maging isang dukha
Hindi na nga makakain
Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba
Marupok ang aking katatagan
Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin
Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin
Duwag kapag ako'y salingin
Nanginginig ang himig
Sa gabi'y pinapangarap
si Dessa na nagluningning
Siya'y prinsesa na nakahilig
Sa luklukan
Haring handang pagsisilbihan
Walang mali sa kanyang kagustuhan
Kapag lumalayo na ang araw
na tila pumapa-kanluran
Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan
Sana'y noong nagkakatitigan
Lumapit kapagdaka'y nagpakilala
Kung sakaling ngumiti
Hindi na siya pakakawalan
Sana'y sa simula pa lang
niligawan na ang Paraluman
Kahit tumanggi sa pagmamahal
Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo
Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo
Mahirap man - tumanda nang
nagagalak kahit sa isipan
Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan
Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan
Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga
Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka,
Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo
Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao
Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao,
Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo
Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo
Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo
kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado,
Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya
hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay
at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito.
Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo
Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo
handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo,
makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo
Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at
Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki
Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga
hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti
baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod
hindi ka puro pag aaaklas.
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Marami ang natutuwa,
Ang iba nama'y naluluha.
Mayroon namang naiinis pa,
At nagbibitaw ng maaanghang na salita.
Masisisi mo ba sila?
Amoy na amoy ang bulok na sistema.
Yaman ng bayan, saan napunta?
Aling daan ba ang susundin nila?
Nasaan ang pangakong maka-masa?
Gagalawin pa ang pera ng iba.
Pangulong hindi makasarili,
Ilaw ng bansang hindi mapupundi,
Layuning hindi naisasantabi,
Iniintindi bawat hinaing ng nakararami.
Presidenteng may katuturan ang sinasabi,
Ipinagtatanggol ang mga naapi,
Nagsusumikap na bansa'y maging mabuti,
Obligasyon sa mamamayan ang laging pinipili.
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:35 PM UTC
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay
Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay,
Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay,
Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay.
Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit,
Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit
Mistulang preso nang kahirapan humagupit,
Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit
Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok?
Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok
Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok?
Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok.
Kung minsan ay talagang napapaisip ako
Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno?
Para ba mangurakot at magbalatkayo?
At hayaang maghirap ang sariling bansa ko?
Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata,
Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda
Hirap na mamamayan ang iyong makikita,
At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura
Nasaan na ang pondo ng ating bayan?
Bakit naghihirap ang mamamayan?
Katwira'y marami daw pinaggagastusan
Ang mga departamento ng pamahalaan
Isa daw dito ang 4p's kung tawagin
Na tumutulong daw sa mga kababayan natin,
Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din,
Sa halip na yung pamilyang walang makain.
Bakit katarungan ay hindi makita
Sa gobyerno ng bayan kong kawawa?
Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay,
Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay?
Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi,
Mga kurap ay laganap at plastic ang marami
Tapat na tao'y kanilang hinuhuli
At pamamalakad nila ang nais mamalagi
Kaya sana sa halalang papalapit,
Yung matitino naman ang ating ipalit
Mga tapat at di manggagamit
At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school.
Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan.
Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos.
Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya!
Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late.
Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko.
Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa!
Punta nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko.
Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin.
Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi.
Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:43 AM UTC
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.
May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.
Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.
Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.
Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.
Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.
Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.
Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.
Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.
Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.
Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!
(6/28/14 @xirlleelang)
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Daig ko pa yata ang mga supporting roles sa mga pelikula. Kayo ang bida, at ang ako itong sumusuporta sa inyo na walang katapusan. Walang katapusang pagbulagbulagan. Walang katapusang sakit ang nararamdaman ko. Palaging pinipilit ang sarili na hindi mahulog para sayo. Palaging pinipilit sa isipan na ikaw ay para sa kaniya at siya ay para sayo.
Ngunit kahit anong pilit kahit anong pigil sa damdaming ito, bakit nahulog parin? Bakit di ko mapasokpasok sa loob ko na hindi tayo. Na ako ay ang supporting role lamang. At kayo ang binda. Siya ang leading lady at ikaw ang leading man.
Mabuti pa nga sa mga pelikula, at least merong ka partner ang female supporting role. Pero ako? Ikaw lang ang nasa paningin. Ikaw lang ang gustong yakapin. Ikaw. Ang kaisaisang bagay na di ko kayang makuha. Isang bagay na di para sa akin.
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 4:38 AM UTC
Gusto kong sabihin na masaya akong isinulat ang liham na ito, at ang nais ko lamang ipairating ay ang mensaheng maaring makakapagpabago ng iyong pananaw sa buhay.
Pero bago ang lahat may tanong akong dapat **** pag-isipan ng mabuti bago ka magpatuloy. Una nais ko lang tanungin kung handa ka nabang makinig sa mga katotohanan? Pangalawa handa ka nabang tanggapin ang mga ito?
Kaibigan, alam kung naguguluhan ka parin dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa mundo. Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa paningin natin. At hindi sapat ang mga naririnig natin sa iba, dahil hindi rin natin alam kung alin ang tama sa mga pinagsasabi nila.
Ang dahilan kung bakit naisulat ko ito ay dahil sa mga nasaksihan ko. Maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung saan umiikot ang mundo natin ngayon, kung tama pa bang mabuhay ako sa panahong puro na lamang pasikatan at pagpapabango ng pangalan ang tanging ginagawa ng karamihan. Sa tingin ko marami nang mali sa panahon ngayon ngunit hindi lang natin pansin.
Hindi nga ba pansin? O sadyang alam natin pero di natin pinapansin, tayoy bulag sa katotohanan kahit dilat na dilat na.
Ito na ba ang naging kalabasan ng mga sakripisyo ng ating mga bayani? Kung ako ang sasagot diyan, ang kinalabasan ng mga sakripisyo nila ngayon para sa bansa, ay wala.
Dahil hanggang ngayon marami paring namumuhay na hindi alam kung ano ang pinaglalaban nila. Maraming pang iba jan ang hindi alam kung nasaan na ba sila, iisang bansa tayo ngunit watak watak tayo.
Masaya ako kung sasabihin mo saakin kung ano ang naging bunga ng paghihirap ng ating mga bayani. Dahil yun din ang gusto kong malaman dito sa aking sulat.
Ang ating mga bayani ay hindi lang basta mga bayani dahil lumaban sila para sa bayan. Naturingan silang mga bayani dahil isa silang sundalong handang mamatay sa ngalan ng pag-ibig.
Pag ibig sa Diyos at sa Bayan,
naipangak sila hindi dahil magiging parte sila ng mundo, kundi naipanganak sila para sa isang pangarap na gustong matupad ng lupang sinilangan.
Ito ay ang tahanan ng ating lahi kung saan kinukupkup tayo at tinutulungan.
Kayat kapatid gusto kong malaman mo na hindi pa huli na muli kang mag umpisa, dahil ang lahat ay wala pa sa huli.
Maraming salamat dahil binasa mo ito ng may puso at pag-intindi. Umaasa ako na magiging mabuti kang tao hanggang sa huli.
-PC
Apr 27, 2020
Apr 27, 2020 at 2:08 PM UTC
Naaalala mo pa ba nung huli kang naging masaya?
Yung totoong masaya
Maayos yung buhay mo
Maayos lahat
Masaya ka
Aminin mo, naging masaya ka talaga
Alam mo yun?
Yung pagod ka pero masaya
Pero ngayon?
Pagod ka na lang
Pagod kahit walang ginagawa
Pagod kakaisip
Ano kayang nangyari kung nag-isip ka nang mabuti?
Nag-isip ka nga ba talaga?
E wala, puso na naman
Katangahan
Tatlong beses mo sinunod puso mo
Bakit?
Kasi doon ka masaya?
Tatlong beses mo sinunod puso mo
Oo naging masaya ka
Pero ano nangyari sa huli
Diba’t nasaktan ka lang?
Tatlong beses mo sinunod puso mo
Sinundan ka ba ng kasiyahang hinahanap mo?
Hindi
Ano nangyari?
Hinabol ka ng mga kagaguhan mo
Ngayon, mag-isa ka na lang
Mag-isa ka na ulit
Mag-isa ka na naman
Takot ka na naman
Kaninong kasalanan?
Diba sa'yo?
Pero diba 'yan naman ang gusto mo?
Ang mapag-isa?
Ang maging duwag sa putanginang pag-ibig?
Ang sarilihin lahat ng problema mo dahil ayaw **** may ibang madamay?
Pero hanggang kailan ka magpapalamon sa takot mo?
Hanggang kailan mo sasaktan ang sarili mo?
Kailan ka ulit magiging masaya dahil sa tamang dahilan?
Kailan?
Apr 27, 2017
Apr 27, 2017 at 10:00 AM UTC
Kung ikaw ay isang senador, ano ang hakbang mo
Paano mo aalamin para malaman ang totoo
At kung alam mo na, isisiwalat mo ba ito
Kung ang madidiin ay isang kaibigan mo
Kung ikaw ay isang mambabatas, ano kaya ang gagawin
Kapag nalaman ang totoo, paano ito sasabihin
Kung ang kaibigan o pamilya ang siya namang madidiin
O patutunayan **** ang batas ay nababaluktot mandin
Kung ikaw ay isang mamahayag, paano ka magsasalita
Doon ka ba sa totoo o kung saan ka may mahihita
Lalo na kung nais mo ring sumikat sa pagbabalita
Basta ba may narinig ka'y isisiwalat mo sa madla
Kung ikaw ay isang pari o kaya'y pastor ng simbahan
Ang puso mo ba ay malapit sa taong naghandog sa 'yong kawan
Utang na loob mo ba ang iyong isasaalang-alang
Dahil ang kawan na hawak mo ay kaniyang natulungan
Paano mo ihahayag kung ikaw ay isang ****
Sa mga kabataang sa harap mo'y nakaupo
Naghihintay ng liwanag, ng dunong na isusubo
Kung ano ba ang nais mo sa kanila'y ituturo
Kung ikaw ang presidente, makakaya mo bang lahat
Ang sugpuin ang problemang sa nuno pa natin nag-ugat
Ibababa mo na lang ba ang ngalan ng Pilipinas
Upang laging mayrong tulong sa ibang bansang ngayo'y sikat
Kung ikaw na karaniwang mamamayan na tulad ko
Nag-iisip, nangangarap ng mabuti sa bayan mo
Ang makita sa 'sang sulyap, paniniwalaan ba ito
O pag-aaralang mabuti kung totoo ang narinig mo
Tayong lahat ay malaya, malaya kang magpahayag
Malaya kang maniwala kung kanino ka mahahabag
Kung kanino magagalit, kung sino ang nililiyag
Ngunit isipin mo sana ang bukas ng ating mga anak.
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 5:59 PM UTC
#walang FOREVER
At kung ano-ano pang pag-eemote mo jan
#forevermore
At kung ano-ano pang ka cheezyhan niyo jan
Basta ako,
Hindi ko kailangan ng forever para maging masaya
Ang kailangan ko ay isang moment
Ang “moment”
Ang kasalukuyan.
Ika nga living in the moment.
Wala na akong **** sa future at sa forever.
Ang mahalaga e ang ngayon.
Today that is a gift, which we call a present.
The present
Ang present na present ang “ikaw at ako”.
Ang moment na masaya ako sa piling mo.
Ang forever wala yan,
Talo yan ng moment
Kasi ang forever,
nakadepende lang yan sa kung paano mo pahalagahan ang ngayon
Kung papaano mo trinetreasure ang binigay sa’yo na present
Aanhin mo ang forever kung wala na ang moment?
Kasi masyado kang nagplano at nagplano para sa future
Masyado **** inenvest ang time mo para sa future
Nagplano at nagplano ka nga para sa forever nyo
Naka invest kanga para sa forever nyo
Pero
Nakalimutan **** gawin at ipatupad ang plano
Hindi ka na nakapaginvest sa ngayon, sa present, sa moment
Hayan tuloy may forever ka nga, pero forever na wala na siya
Kasi napabayaan mo na siya, kaya pumunta siya sa iba
Kasi ang kailangan din niya ay hindi ang forever
Kundi ang moment na hindi mo naibigay dahil sa forever
Kaya ako, solve na ako sa moment
Ang time ko dito naka invest
Ang pag-ibig kasi wala yan sa future
My love is here, in the present
Naginvest na ako sa moment natin
At kung aalagaan lang natin ng mabuti ang moment
Balang araw ang moment ay magiging forever
Jun 21, 2015
Jun 21, 2015 at 11:43 AM UTC
Anak ng poocha naman o oh
Sa lahat naman ng ayaw ko...
Anigma pasubali...fliptopan ba'to
Pooja' una pa lang pinagsabihan na kita,
Pero ngayon... malamang magtanda ka na!!!
Unang banat.. wala akong ganang mag ingles
Nakakawalang galang ka! Hinde naman sa naiines
Hinde na lang talaga kasi ako makatiis
Sa pigura **** pagkakinis-kinis
Kahit tuwalya wala ka man lang tapis
Daig mo pa nakatihayang ipis
Pasalamat ka walang pambura dala kong lapis
Kundi aabutin ka sa 'kin ng walang humpay na daplis
Sa patuwad **** nakalilis
Landas ko'y nalilihis.
Pangalawa..hinde pa ito ang huli...
ayoko sanang maging arogante
Sa lubot **** mala elepante...
Ambot sa imo wag kang makampante
Sa postura **** naka bra lang at panti
Naturalmente 'pupusta pa ako ng mil bente
Magsusumbong ka...magagalit ang mga higante
mapapagbigkas ka sa iyong linguwahe
'lintek lang ang walang ganti
Hinde ako intelehente...
dati lang akong ahenteng galante.
anong gusto mo diamante o brilyante
hahaha!! nganga!,, parehas lang yun impertenente!!!
Pangatlong banat,
.... ito ang tutuo
Pinoy Ako!!!
Purong tagalog den ako...
Pero kung iinglisen mo ako..
Then go ahead..english-san na 'to...ehheemmh,,,
=Do you understand the word that coming out of my mouth
You're some kindda liberated there in the south
Don't sample me (huwag mo akong subukan)
...perhalps change me'''' (ibahin mo ako)
YOU CAN NOT EYES ME ANYMORE!!! (hindi mo na ako kayang mata-matahin)
i will "the rich zoo" you! ("diretso"-hin na kita)=
Hey What's up Pooja Sweety?
Nose bleed??? I don't care if i look scary
To you i'm not being pity'
Real talk''' ...i'm not heavy
But you won't be able to carry
This trash talk of my tongue full of messy
Even your closest bessy
In your ass..shall be freaky
Mabuti pang nag selfie ka ng wacky !!!!!
I'm sure .....you gonna be pretty!!!!
Garantisado.....Madlang b-side...tuwa pa nila so plenty
......TIME ;)
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 6:25 AM UTC
Naging masaya tayo.
dahil sa'yo,
biyak na biyak na puso ko,
nawala ang
pagmamalasakit,
dahil sa'yong
lokohan, naniniwala pa rin ako na
maayos ang lahat, naniniwala akong walang
aalis sa mahigpit na yakap
wala akong halaga, hindi
hindi na ako maniniwalang
magiging totoo ang mga pangako natin sa isa't isa,
nasira tayo,
inakala natin na totoong
pagmamahal ang inilaan natin sa isa't isa,
buti nalang,
inisip kong mabuti na,
wala kang parte sa buhay ko,
nagkakamali ka kung iniisip ****
mahal kita.
Mar 26, 2018
Mar 26, 2018 at 3:54 PM UTC
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?
Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,
Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,
Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt.
Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,
Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog
At pag-ibig na nalimot
Ay muling umahon sa ilalim ng ilog
At ako'y ginising sa aking pagtulog
Ang iyong kwento'y tila nauulit
Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit
At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis
Dahil kay Linares na di maalis
Ikaw ang Modernong Maria Clara
Masiyahin, mabuti at mganda
At ako si Crisostomong Ibarra
Walang pinagkaiba
Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha
Ikinasal sa bayan at mga pangarap
Patawad ngayo'y di kita maharap
Ika'y isang malayong pangarap
Na sa mga kurso'y di ko mahagilap
Anupa't ika'y nakangiti ngayon
Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon
Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong ****
Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon
Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan
Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman
Musikang ngayo'y kakampi
Dusa sa di makuhang pulang mga labi
Kung darating man ang panahong "Ikaw"
Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw
Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw
Sa di pagtingin sa king mata
Wari ko'y alam mo na
Ang aking tunay na nadarama
Mahal kita Maria Clara,
Paalam na
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 2:22 AM UTC
Ang love story natin
Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine
Di ka fan, di mo siguro maaappreciate
Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid
Ang daming tanong nung umpisa
Ang daming pagdududa
Game na ba? Ano na? Sure na ba?
Ang hiling ko, sige na
*Para ngang isang pagsusulit
Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan,
Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan,
Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan*
*Para ngang isang pagsusulit
Pinag-isipang mabuti*
Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes!
Oh, *wala ng bawian, mamatay man, period no erase*!
Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok
Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon
*Pero dahil naniwalang sayo'y may forever
Pareho tayong hindi sumu-render*
*Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sakin mo naramdaman and di mo akalain
Ipaglalaban ko
Ipaglalaban mo*
*Wala na tayong **** basta bahala na
Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa
At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana
Na na na na na na na na na na na bahala na*
Pero katulad din ng ibang relasyon
Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon
Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon
Tila di na alam kung san tayo paroroon
*Piniling lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Di matatago kahit magpanggap
Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap*
*Ikaw ang hanap-hanap
Dahil ang puso'y nangangarap
Na magsasamang muli
Na may happy ending bandang huli*
Pero di pa tapos
Ang kwento natin hindi pa tapos
Sana'y hindi pa tapos
At sana'y di na matapos
Tatlong kanta pa lang naman
No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap
Sana ay kumanta pa sila
Sana ay marami pa
At sana, kahit gaano man karami
Masayang kanta ang maiwan sa huli
Yung may forever, may happy ending
Kaya sige, mag-duet pa kayo JaDine
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:56 AM UTC
Huwag **** kalimutang huminga,
Bago magsalita,
Bago tumula,
Pagkagising mo sa umaga,
Huminga ka.
Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga
Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na
Huminga ka,
Sa bawat halakhak,
Sa bawat pag-iyak,
Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod.
Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa.
Huwag **** kalimutang pumikit minsan,
Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita,
Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim,
Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata,
Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya
Magpahinga ka muna kasi
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga
Huwag **** kalimutang makinig,
Sa hampas ng alon sa mga bato,
Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa,
Sa mga huni ng ibon,
Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim,
Sa tunog ng paborito niyong kanta,
Sa mga kwento niya,
Sa tibok ng puso mo,
Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap
Pakinggan mo silang mabuti,
Kasi
Kaya mo pang makinig
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga
Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig
Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo
Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo.
Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad
na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa
at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag
tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo.
Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo
At sa huling pagkakataon,
Huwag mo sana akong kalimutan,
Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo
Na patuloy pa rin kitang papakinggan
at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon.
Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel
at kung ipagtatagpi-tagpi,
sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra.
Sana alalahanin mo na
May baga ka para huminga
May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa
May mga tenga kang handang makinig
May mga paa ka para tumayo at maglakad
At may puso kang basag ngayon
Pero kaya pa ring umibig at maniwala
na kaya mo pa.
Kaya mo pa.
May 15, 2016
May 15, 2016 at 12:13 AM UTC