Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mabubuong" poems
Hay, ulap. Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa atin ay mahilig sa ulap. Tititigan. Kukuhanan ng larawan. Tititigang muli. Ngunit saan nga ba tayo humuhugot ng lakas? Lakas na pagmasdan ang bawat sandali. Ang bawat sandaling nagsasabi na hindi mo ‘to kayang abutin. Abot tanaw ngunit kahit kailan hindi mo siya magagawang hawakan. Abot tanaw ngunit kahit kailan hindi mo siya magagawang lapitan. Abot tanaw ngunit wala kang ibang magagawa kundi ito’y tititgan. Abot tanaw ngunit kahit kailan sa pagitan ninyong dalawa, walang mabubuong pagmamahalan. Masyado mo siyang minahal, kaya ngayon ika’y nasasaktan. Inuna mo kasi ‘yung puso mo kaysa sa iyong isipan. Ano? Wala kang magawa ngayon dahil taga-tanaw lang ang tanging papel mo sa buhay niya. Walang kang magawa ngayon dahil kahit anong pagmamahal ang ibigay mo, hindi niya mapapansin dahil napakalayo ng agwat niyong dalawa. Natutuwa ka lang sa tuwing lumiligaya siya at wala kang ibang magawa kundi ang malungkot sa tuwing lumuluha siya. Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa atin ay mahilig sa ulap. Hindi ko maintindihan kung bakit kung ano o sino pa yung bagay na hindi natin kayang abutin, ayun pa yung ginugusto natin. Hay, ulap.
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 6:59 AM UTC
Ulap
"Ikaw at Ako -Walang Tayo" Gusto kita, Gusto mo sya Hahaha nakakatawa Sa loob ng ilang taon, nagawa Kong mangarap ng gising At wala akong ibang ginawa kundi Ang humiling Pero kapag sinusuwerte ka nga naman --- Teka swerte nga bang mababansagan? Tng**! Ano 'to lokohan? Ni minsan di ko ginustong maging "Siya" Kasi ako 'to Pero ikaw? Pinangarap mo? Hindi ko kailanman hinangad na magustuhan mo dahil sa awa! Oo! Sabihin na nating nagustuhan mo 'ko -- Pero iba naman ang iyong nakikita! Hindi ko kailangan ng atensyon mo Kung gagawin mo lang panakip butas Ang puso ko! Kung magmamahal ka din lang naman , Siguraduhin mo nang totohanan! Tng**! Tao ako at may damdamin Oo! Hindi ko magawang maamin Na hanggang ngayon gusto kita! At hanggang ngayon,ikaw lang at walang iba Pero tng**! Matuto kang makaramdam! Di porke't nakangiti, di na nasasaktan! Pinipilit ko lang maging masaya sa t'wing kausap ka Ngunit sa totoo lang? Bumibigay din ako. Alam ko namang napaglaruan lang ako ng pagkakataon Kaya sana naman, matuto kang makiramdam sa sitwasyon, "Sana nga ikaw na lang" Oo ! Sana nga ako nalang! Masakit pakinggan. Dahil patuloy nitong pinapaalala na kahit kailan, Di mo ako magugustuhan. Kase "Siya" at "Siya" pa din ang laman ng puso mo "Siya" parin Ang nag-iisang tao sa buhay mo "Siya" pa rin Ang tanging nagpapasaya sayo At sa kanya pa din umiikot Ang mundo mo! Nakakainggit "siya" pero kahit kailan, Di ko nanaisin na magpalit kami ng katauhan. Mahal ko Ang sarili ko! Ako kaya 'to! At ito lang ang tanging mayroon ako Dahil sa mundong ginagalawan natin pareho, Mayroong ikaw, mayroong ako Pero kailanman, walang mabubuong Tayo!
0
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:37 AM UTC
"Ikaw at Ako -Walang Tayo"

Continue reading...
43
Sabi nga nila walang permanente sa mundo Para saakin nman ito rin ay totoo Ngunit hindi porket nagpaalam na sa iyo ang isang tao Mawawala na siya ng buong buo Dahil maiiwan naman ang mga ala alang inyong nabuo Ang tulang ito ay para sayo Oo para sa taong nagbabasa nito Dahil sayo nabuo ko ang tulang ito Gusto ko lang na malaman mo Na bitawan ko man ang katagang “paalam saiyo” Hindi ibig sabihin nun na binibitawan ko na rin ang aking mga pangako Pangako na tulad ng “kahit ako ay malayo, kaibigan mo pa rin ako” Kahit ang sabihin ng iba promises are meant to be broken Kahit na ako mismo ayaw sa pangako Hindi natin maiiwasan mag iwan ng mga pangakong ganito Dahil minsan dito na lang kumukuha ang isang tao Ng lakas para lumaban sa hirap ng buhay dito sa mundo Alam kong pansamantala lamang ito Dahil sa hinaharap alam kong magkikita pa tayo Gagawa ako ng paraan Para tayo ay muling mabuo Sa ngayon kailangan muna natin magsakripisyo Para sa mabubuong tayo Kaya ikaw, laban lang wag kang susuko Dahil andito lang ako handang makinig sa mga problema mo Kahit na ako ay malayo
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 10:23 AM UTC
Paalam