Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Rison Feb 12
(Gawa ni: Rison)

Gabi-gabing tulala kakaisip sayo sinta
Hindi nag dalawang isip kumuha ng pluma at tinta
Kaya idaan ko nalang sa tula
Na baka dito na ko mag sisimula


Sa totoo lang, sa tuwing ika’y sinisilayan ko
Hindi ako papayag na walang papuri ko para sayo
Kung malaman mo lang yung totoo?
Hay nako paano mo ba mapapansin ‘to


Pero eto lang yung daan na naiisip ko
Masabi lang yung totoo na kaya ko
Kaya kong sabihin sa harap mo
Lahat ng gustong sabihin ng puso ko sayo


Kaya isang araw, wag ka sana mabigla
Na lahat pala ng tula na aking ginawa
Ay para sayo lang wala ng iba, nawa’y maniwala
Eto nanaman ako nag papaka-makata


Makatang halatang-halata sa mga tula
Sa mga kilos at mga sinasabing salita
Hanggang dito nalang muna
At bumalik sa pagkatulala

— The End —