Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lumakad" poems
Sa bawat hakbang ng paa, saan ka nga ba pupunta? Kadiliman, takot at aba, yan ang siyang nadarama. Anong mali? Anong masama sa lahat ginawa ko? Bakit sa huli, iniwan pa din ako. Tiwala sa sarili ay nawala. Landas na tatahakin, tila naglahong bula Sino pa kaya ang pagkakatiwalaan sa mundong ito? Bakit kailangan na pagdaanan ang mga ito? Mula sa malayo, ako'y iyong tanaw. Luha, wala man, batid **** bibitaw. Nadama mo ang aking damdaming tila manhid na Manhid na nga ngunit sakit ay siya noong nadadama. Luha ko'y pinawi, pinalitan mo ng ngiti. Puso kong nasaktan, iningatan **** muli. kamay kong kupkop, iyong hinawakan. Niyakap akong sinasabi na hindi mo ko iiwan. Araw, oras, panahon man ang lumipas na Takot ay nawala maging sakit pati na luha tiwala sa sarili muli kong naibalik At ang makita ka ay siyang tangi kong pananabik. Sandaling panahon, marahil, tama sila Ngunit ang sandali'y sapat na para ang sugat ay maghilom na Bakas ng nakaraan, kaya ko ng tawanan Sapagka't pasalamat ako dahil ikaw ay nariyan. Muli akong tumayo at lumakad at naglakbay Batid kong di mag-isa, ikaw ay aking kaagapay yakap mo't mga dasal sa akin ay nagpatatag ikaw ang handog ng Diyos bilang kalasag Salamat Mahal, ngayon ako'y maayos na. Kaya pala dumilim para lang makita ka. Kaya pala kailangan na ako'y masaktan Upang malaman na ang tulad mo'y nandiyan
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:19 AM UTC
Kaya Pala
sa pagtanda ko, nais kong ikaw ang kasama sa pagtanda mo, nais na ika'y alagaan ko sa pagtanda ko, nais kang pagmasdan sa pagtanda mo, kamay ko'y iyong tangan kung maari lamang bumalik, sa panahon na ika'y nilisan kung maari lang sumilip, sa panahong ika'y iniwan ngunit panahon ay lumipas na, na sadyang kay bilis at sa buhay ng isa't isa, tayo'y nga nakaalis subukan ko kayang tumalikod mula sa hinaharap? subukan ko kayang mukha mo ay mahanap subukan ko kayang lumakad pabalik sa huling pagkakataon na siniil ng halik palad mo ba'y bubuksan pa upang hawakan aking kamay? dibdib mo ba'y bakante at maaari pa bang sumanday? maaari pa kayang mangarap ng muli? Kahit nawala at lumisan ng sandali?
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:00 AM UTC
Maari Pa Ba
Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 6:05 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #40
"Maaari ka nang maging malaya" Eto ang mga salita Na pilit ko mang ulit ulitin pa Sa aking sarili, ay hindi narin naman Magkakaroon ng bisa, sa ngayon *"Maaari ka nang maging malaya O aking sarili, pakinggan sana Huwag nang bumalik sa naparam Lumakad na palayo at magpaalam"*
0
Oct 12, 2015
Oct 12, 2015 at 8:29 AM UTC
Maaari ka nang maging malaya
*Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang Maging bagyo man ito o gutom at uhaw Wala sa ating ang maiiwan Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw*
0
Feb 1, 2016
Feb 1, 2016 at 8:09 AM UTC
Pagsikat ng araw
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan Habang sumasayaw ang ulap sa bintana Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo. Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon Preparado ang lahat, nakisama ang panahon Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba Asan na pala sila? Anong oras na ba? Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan Liwanag. Oo sya ang aking liwanag. Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon Anong oras na? Alam kong alam mo na Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa Written: 08/01/2014
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Anong oras na?

Continue reading...
33
Kumpas ng hangin ay utos na supremo Sundan ang panuto Tumingala sa nag-aansikot na mga kerubin sindami ng nagsisilipiran na  gamu-gamo Hindi alam ang inaapakan nang naligaw sa sariling lugar Paese-ese kung lumakad ang sawi Galaw na parang binitawang hibla umiindak nang nagpatihulog Itulak sa bangin nang mahulog ang walang esensiyang kordero Nadadamay ang nagsisilapit Nagiging mababa ang atmospera, pumapailalim ang usok Ang nanlilibak sa pulubi sa kalsada Siya ay magiging sinuman sa kapanahunan Ituring paghaharap sa kawangis na katauhan Siya rin ang dukha Saan aabot ang bulyaw? Hipo ng sinag sa aplaya sa kalumbayan Pangangatal ng panga Namaos na awiting pambata
0
Dec 20, 2018
Dec 20, 2018 at 3:17 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #19
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

67
032217 Iniwasan kong tumingin sayo At ginawa ang mga bagay sa paraan na alam ko. Akala ko kakayanin ko, Dahil tingin ko sa sarili ko: malakas ako. Sa una'y naging maayos ang lahat Na para bang ang taas ko kung lumipad. Dahil ramdam ko sa aking mga palad Ang ihip ng hangin at ang mga ulap. Sinabayan ko ang ikot ng mundo Sinubukan lahat anuman ang naisin ko: Mga bagay na labag sa kalooban mo Na di mo ninais na gagawin ko. Ang taas na nga ng aking nalipad, Malayo-layo na rin ang aking napad-pad. Ngunit sa puso ko'y meron pa ring hanap-hanap Siyang bagay na di pa rin natutupad. Tingin ko'y kaya ko nga ang lahat -- Na kahit mag-isa'y lahat matutupad. Ngunit sa taas ng aking narating, ako'y bumagsak At nagtamo ng malaking sugat. Nalunod ako sa dagat ng pagkatalo Na akala ko kaya kong manalo. Na kahit magisa lang ako, Lahat ay kakayanin ko. Kinain ako ng sarili kong mundo, Ng paniniwala kong malakas ako. Na kahit hindi ako tumingin sayo, Lahat ng bagay ay makakamtan ko. Ngunit sa kabila ng lahat ay nandyan ka pa rin, Tinulungan akong tumayo mula sa pagkakadapa. Ginamot ang sugat ng pagkabalisa, Kahit na pinili kong lumakad mag-isa. Hindi ko pala kaya nang wala ka, Sa paniniwala sa sarili'y, ako'y naging tanga. Na ang hinahanap ng puso ko'y nasayo lang pala, Maraming salamat sa pagmamahal aking Ama.
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:06 AM UTC
Huling Sabay
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
Maraming chismosa kahit saan ka magpunta. Ito ay intriga ng mga ingitera. Buhay nila ay hindi masaya. Kaya buhay ng iba ay sinisita. Totoo man o hindi ang mga istorya, wala na sila kung ano pa. Ano paba ang mapapala sa chismis ng iba? Edi wala! Kaya lumakad ng tuwid, itahimik ang bibig, at takpan ang mga tenga. At isipin nalang ang solusyon ng sarili nyong problema. -MPS12
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 7:19 PM UTC
Chismosa
BY; ELVIN ADO SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA, PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA, KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA, TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA. DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA, TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA, MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA, PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA. TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA, HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA, NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA, NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA, KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA, MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA, PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA, PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA, SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA, KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA. NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA, BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA , AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA? SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA. MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA, ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA, TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA, MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA. SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA, PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA, NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA, AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:16 AM UTC
" ANGHEL"
21,600 apat na taon akong nanahimik dinampot ang pira-pirasong sarili nagbabakasakaling sa pangalawang pagkakataon ay mabuo muli di man kagaya ng noon na walang bahid ng basag umaasang mabuo at makatayo sa kabila ng mga lamat at nang dumating ang araw na naisip kong kaya ko nang muling tumayo sinubukan ko namang lumakad dahan dahan at papalayo kanang paa..kaliwang paa.. at nakaurong ng kaunti kanang paa..kaliwang paa.. at natututo na muli sa marahang paglakad ko hindi ko inaasahan na mapapadaan ako sayo di mo ako kilala at ganun din ako sayo pero pinili kong manatili dahil ano nga bang mali? pinili mo din manatili dahil ano nga bang mali? lumagpas ng minuto, oras, araw, linggo nandito padin tayo pero bakit parang gusto ko nang tumakbo hawak ang kamay mo at tumakbong papalayo tumakbo at sabay na kikilalanin ang hinaharap tumakbo at sabay na abutin ang mga pangarap tumakbo magkahawak ang kamay, sa hirap man o sa sarap gusto kong tumakbo sa aking pananabik ay nabanggit ko to sa iyo at humakbang ka ng isa palayo.. sinabi ko muli sayo kanang paa..kaliwang paa..palayo sinabi mo sa akin na di mo kayang sumabay na ang nais ko ay di maibibigay at doon naalala ko oo nga pala napadaan lang ako.
0
Oct 30, 2021
Oct 30, 2021 at 10:12 AM UTC
21,600
ala-singko ng umaga. nakakabingi ang katahimikan ng pagsikat ng araw. walang tigil ang pagtakbo ng oras at tulad ng araw, nagsimula nanaman ang pangkaraniwang siklo ng buhay. patungo sa sintang paaralan na ang bawat yapak ay parang timbang ng daigdig na nakalubog sa aking mga balikat. hindi kayang buhatin kahit pa ng buong mundo sapagkat ako'y nag-iisa sa paglalakbay patungong españa. sa bawat sulok ng maynila at mga kwento sa mga kalsadang ito, may mga paalala ng mga biyaheng hindi pa nararating at mga pangarap na patuloy hinahanap. sa kanto ng españa't lacson, sa kabila ng paghahanap at pag-asa, hindi natagpuan ang isa't isa. sa magkabilang sulok ng noval at dapitan, ang iyong mga imahe ay tila mga alaala na nakaukit sa pinakaloob ng aking isipan, kumakatok nang palaging handang buksan ang pintuan. bawat hakbang ko ay may kabigha-bighani **** presensya, subalit ang hinahanap kong pagtatagpo ay patuloy na umiwas sa akin, nag-iwan ng hinagpis at naglakbay nang walang direksyon. "manong para po" ang aking bulong sa jeepney drayber na parang tinik na dumadaloy sa aking lalamunan, humihila at humihila sa mga alaala na tila mga bagyong dumaraan sa aking isipan. bawat sinag ng araw, bawat hagupit ng hampas ng hangin, ay parang himagsik ng damdamin na hindi ko maitago. sa bawat kanto paikot ng españa, naroon ang mga multo ng ating nakaraan. mga anino ng mga alaala na hindi ko matakasan at sa bawat pagtatanong mo kung may pag-asa pa ba, ang bawat sagot ko ay tila mga punyal na tumatagos sa aking kalooban, nagsasabing wala nang dahilan para muling mangarap.ayaw ko nang lumakad sa landas ng nakaraan, na puno ng  mga bakas na minsan tayo'y nagtahup na patuloy na bumabalik at sumisira sa isipan. at sa wakas, narito na ako sa dulo ng aking paglalakbay, ngunit ang landas na tinahak ay tila isang malawak na dagat, hindi alintana kung gaano karaming bagyo at baha ang dinaanan. at kung tatanungin mo ako kung pu-puwede pa ba, ang hihilingin ko sa iyo ay mga barya papalayo sa'yo. ayaw ko nang malunod sa unang daan na puno ng kahapon at mga alaalang tila multong ayaw umahon. at sa bawat paghakbang ko patungo sa hinaharap, ang iyong alaala ay parang banta na nagbubulag-bulagan sa akin tuwing naglalakbay ako. nakakapangilabot. mahal pa rin kita. mahal pa rin pala kita. hindi na kasingpait ng dati. pero mahal, masakit pa.
0
Feb 9, 2024
Feb 9, 2024 at 12:31 PM UTC
mga sulok ng maynila

8
Punasan ang luha sa iyong mukha, ika'y umapak sa lupa. Anak ng dukha, sa iyo ang bukas, ang kalayaan at pag-asa, sa kamay mo'y umaalab ang pag-ibig ng masa. Buksan ang bibig, uminom ng tubig, butas man ang pag-ibig, paghihilom ay darating, sa iyo ang kapayapaan, hawak mo ang sandata ng tapang. sa iyo ang kapangyarihan, hatak mo ang tanikalang di kailanman mangangalawang. Pagkahupa ng baha ay nasa iyong kamay at paa, ika'y lumakad, lumusong, lumikha. Anak ng hinirang na lupa, sa iyo ang kapatagan, karagatan, walang hanggang kalayaan, sa iyo ang kabundukan, kapuluan, wala nang hadlang sa iyong kaginhawaan at kinabukasan.
0
Sep 20, 2025
Sep 20, 2025 at 8:06 PM UTC
Trust The Protests
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig Magawi sana sa pintuan muli Sa dampang giba-giba Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas Kung pagod na't nagbubuntong hininga Magpahinga sa puno ng mangga Ang lilim nito'y aking kalinga Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato Baka matisod ka sinta ko Lumakad ka nang mabini Di ako mainipin para ika'y magmadali Dahan-dahan na dumaplas sa kawayan na matinik baka sumalubsob Sa balat **** manipis na parang sanggol Sapagkat sinadya na ginawang bakod Kapag natatanaw na ang aking tirahan Tawagin mo sana ang unang pangalan Para agad kong malaman Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan Malalaman na ikaw na yan giliw di na bibitawan
0
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 6:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #76
Pumapatak na naman ang ulan Hindi ko alam kung hanggang kailan Titigil ang malakas na pagbuhos nito Dahil nais ko ng umalis, nais ko ng lumakad papalayo Kaya sana huminto na ang ulan Para ako na'y malayang lumisan Ayoko ng manatili pa rito sa aking kinaroroonan Dahil sa mga matang mapanghusga Kaya sana nama'y huminto kana at makisama Maglalakad lang ako palayo Palayo kung saan malayo sa mga tao Pangako pag ako na'y nakalayo Hinding hindi ko na hihilingin pang ika'y huminto
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:57 PM UTC
Ulan
Alam ko tong daan na to, Daang patungo sa'yo. Daang paulit ulit na lalakarin, Makita ka lang, ang laging hangarin. Paa'y di mapapagod sa paglakad, Hindi mapipigilan na kahit na sino man. Ako sana'y iyong mapatawad Sa mga pagkukulang ko noon paman. Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko. Gustong-gustong marinig yung boses mo. Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko. Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal Hindi mapapagod ang pusong magmahal. Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan, Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan. Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo. Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:28 AM UTC
Patungo sa'yo
Sa dinami daming posibleng dahilan kung bakit kelangan nyong mag iwanan, pagmamahal sa isat isa ang nagtulak sa inyo sa kawalan iniwan kita dahil mahal kita iniwan mo ako dahil mahal mo ako malabo mang isipin na ang pusong di nagpapapigil magmahal ang dahilan kung bakit naging malinaw ang lahat anong tama sa maling nagawa? anong mali sa tamang nagawa? tumalikod, lumakad, tumigil, lumingon, tumingin at hindi napigil. lumapit, yumakap ng mahigpit, bumitaw, lumayo sa isat isa nagpupunas ng luha habang lumalakad palapit sa kawalan palayo sa pinakamamahal
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 8:30 AM UTC
Huling yakap