Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
joshwrotelife
33/M/laguna I'm talking to you. / / Write your life.
Pinilit **** bumangon sa umagang mapanghamon mula sa isang gabing hindi mo nakuhang managinip pinilit **** kumilos sa mundong hindi umayon sayo ngayon ang iyong tadhana ay tila nagtatampo pinilit **** lumipad papunta sa malayong malayo ngunit pinipigilan ka ng iyong puso pinilit **** pumikit nung sandaling ika' y masasaktan pinilit mo lahat yun, pinilit mo lahat yun pinilit **** tanggapin ang lahat ng nangyari sa paglipas ng panahon hindi mo namamalayan na hindi mo na pinipilit ang mga bagay handa ka na, tanggap mo na, malakas ka na.
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 8:35 AM UTC
Pinilit
Sa dinami daming posibleng dahilan kung bakit kelangan nyong mag iwanan, pagmamahal sa isat isa ang nagtulak sa inyo sa kawalan iniwan kita dahil mahal kita iniwan mo ako dahil mahal mo ako malabo mang isipin na ang pusong di nagpapapigil magmahal ang dahilan kung bakit naging malinaw ang lahat anong tama sa maling nagawa? anong mali sa tamang nagawa? tumalikod, lumakad, tumigil, lumingon, tumingin at hindi napigil. lumapit, yumakap ng mahigpit, bumitaw, lumayo sa isat isa nagpupunas ng luha habang lumalakad palapit sa kawalan palayo sa pinakamamahal
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 8:30 AM UTC
Huling yakap