Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Isinulat mo sa hangin ang mga salitang mapagkunwari,
pilit **** pinunasan ang dugo gamit tinta ng dalangin.
Ngunit bawat pahina'y saksi, bawat letra'y sumisigaw—
hindi kayang takpan ng papel ang apoy na umaalab sa ilaw.

Sa sulok ng liham, may lintik na hindi mo naikubli,
gumuguhit ang galit sa pagitan ng mga titik na itinatangi.
Akala mo'y tahimik ang silid na puno ng dasal,
pero sa bawat pagkumpas ng hangin, may apoy na pumapagalaw.

Sinulatan mo ng kapayapaan ang digmaang ikaw ang may pakana,
itinupi mo ang katotohanan sa sobre ng iyong drama.
Pero ang papel ay marupok, at ang apoy ay matapat—
kapag umabot ang init, lahat ng kasinungalingan ay matatapat.

Ang tinta'y hindi lang panulat—iyan ay pulso ng sugatang kamay,
at ang bawat tuldok ay bala sa dibdib **** salat sa dangal.
Itago mo man sa lihim ang punit na panaghoy,
lulusot at lulusob ang apoy sa bawat gupit ng buhay.

Kahit balot ng bulaan, kahit pilit **** ikubli,
sumisigaw ang sigwa sa gitna ng mga labi.
Dahil hindi mo maitatago—kahit pa ipilit **** ngumiti—
ang apoy ay umahon na. At ikaw ang unang masisigì.

— The End —