Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lulubog" poems
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat— ang tipak sa dingding ng panahon Na nabuo mula sa iisang hibla Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan— Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya Ayaw magpalimot, Ayaw magpaawat, Ayaw magpatawad Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 Ng kahit kanino sa ating dalawa Ngunit, heto na, nangyari na At nagkasakitan na Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso At ngayon, gusto ko lang malaman: Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw— Paparoon at paparito, hindi makadiretso Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 Masaya naman tayo minsan Masaya naman tayo minsan At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Masyado nang matagal Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi At ng puso **** ayaw magsisi At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan, Nag-aasam ng kaayusan Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
0
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?

Continue reading...
39
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw. Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon. Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya" Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya. Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 9:54 PM UTC
Ang Paglubog ng Araw
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana Mula sa silangan ng iyong bintana Ang yungib at sulok ay aking pinapana Pagmasdan ako'y walang nakagagawa Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa Huwag nang subukan pakiusap ko nawa Sa payo ko ay makinig at matuwa Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa Sa paghihirap mo ako ang nananawa Sanggol na nagugutom na nagngangawa Hala gawa, nasa Diyos ang awa! Pakanluran ang aking binabagtas Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas Paumanhin sa kapangyarihan kong batas Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas Lulubog kung marating ang hangganan Magbabadya na ang kadiliman Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 4:06 AM UTC
Araw
Lulubog ang araw Maaalala kang muli Alaala natin'y babalik Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari. Habang nakatitig sa langit, Sa buwan at bituin Ika'y andito sa puso't isipan hindi na maalis Sa bawat oras na lumilipas Lungkot saya ang nararamdaman Ngingiti, Luluha Dahil sa alaala nang nakaraan At sa paglitaw ng Araw Panandalian kang makakalimutan Ngunit sa muling paglubog nito Andito ka ulit, sa puso't isipan.
0
Mar 31, 2016
Mar 31, 2016 at 5:53 AM UTC
Luna estrella
Mayroon akong kwento, Sana ay mabasa ninyo. Tungkol sa isang bobo, Na minahal ang matalino. Makurba ang katawan ni Matalino. Mapungay naman ang mata ni Bobo. Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo. Kamalditahan naman ang kay Matalino. Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa. Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino. Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao. Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya. Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo. Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw. Gusto niyang mahalin siya ni Matalino. Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw. Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon, Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit. Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon, Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit. Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan. Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan. Abot na niya ang langit sa kanyang harapan, Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Si Bobo at Matalino
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig Ang mga balitang may madalamhating panimula. At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma Sa kahon at sa lilim ng Malacanang, Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya. Ginuguhit ko sa aking isipan Ang paulit-ulit na malalaking tuldok At ang kani-kanilang dugtugngan Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan. Natatandaan ko pa noong elementarya, At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito At sabay-sabay na susugod at lulusob Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito. At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili Ang mga imahe sa realidad Ay wala naman akong kakayahan Para pigilan ang tadhana sa pagkitil Ng kanilang mga pinaglumaang orasan. Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan Ay magsisilbi namang pamana Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban. Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat. At marahil bukas o sa makalawa'y Sabay-sabay din tayong magbunyi Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
0
Jun 26, 2021
Jun 26, 2021 at 12:53 AM UTC
Equinox

34
lulubog lilitaw haharap sa'yo tila kahapon hindi nagkasakitan mangangamusta ngayon bukas wala na naman ang gulo mo ano ba talaga ang sadya mo? andito ka na naman babalik na tila parang wala lang maawa ka naman utak ko naguguluhan mga mensahe kong iyong binabalewala kahit seen hindi mo magawa parang tanga nag-aantay may pag-asa pa ba o wala? kaya ako'y titigil na sa kahibangang kay tagal kong inalagaan tatakbo palayo sa anino **** nagmistulang naging multo na ng nakaraan ko
0
Jul 28, 2019
Jul 28, 2019 at 8:55 AM UTC
Aparisyon
091916 Aakyat at bababa Ganyan ang alon. Sisikat at lulubog Ganyan ang araw. Ihihip at bubulong Ganyan ang hangin. Maaksyon, parang damdamin Nagbabago, ganyan ang pag-ibig Pag-ibig ng likha pero di ng May Likha.
0
Sep 21, 2016
Sep 21, 2016 at 6:36 AM UTC
Sinta, Iba Ka
Dalawang barkong Magkasalubong Lulubog? Lalayag? O di kaya'y lulutang Mananatili kung nasaan Walang ibang rason kundi Nandito
0
Jul 30, 2022
Jul 30, 2022 at 4:10 AM UTC
Paglalapit
Buwan ang nakatitig saakin Yakap ang lamig ng hangin Kandong ng puting buhangin Tangay ng alon ang damdamin Ramdam ang pag iisa Gabing walang kasama Dala ang mga alaala At tanging mga alaala Naghangad at nag asam Umasang aakayin ng lumbay Papawiin ng daluyong Ang pusong napagod maghintay Naglakbay ang mga mata Naghanap ng makakasama Ngunit isang pagkakamali pala Ang libutin ang dilim na nag iisa Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi Sabay sa pagpatak ng ulan Ang pagpatak ng luha Sumigaw ng walang pag aalinlangan Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan Tumayo't inihampas ang galit na kamao Sabay sa pagbato Ng mga tanong, kung ano at paano Paanong lahat ay nagbago Binuhay ng lamig ng ulan Alaalang matagal nang humimlay Alaalang akala'y patay Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay Sumariwa ang mga alaala Magmula ng unang magkita Hanggang sa patapos na Hanggang matapos na Isang halik mula sa kinatatayuan mismo Isang halik na nakapagpabago Ng ayoko muna sa salitang oo Isang halik kung paanong naging tayo Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo Dahil ibang tao na ang pumawi Sa tuyo nyang mga labi Tumangis. Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon Lulubog at di na muling aahon. En el mar me encontrarás Sa dagat mo ako matatagpuan.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:48 PM UTC
En el mar me encontrarás (in the sea yo will find me)
Sa panibagong yugto may giyera ng dugo Mga sigaw sa kaparangan ikinubli sa kalasag ng karahasan Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan sigalot sa diwa'y hinahabing marahan Titiisin ng talampakan ang init ng apoy babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana? pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
0
Sep 11, 2023
Sep 11, 2023 at 7:46 AM UTC
Panaghoy Sa Kaparangan
Lulubog ang araw upang magpahinga. Anuman ang nangyari’y may aral na bunga Bukas sa pagsikat babantayan ko s’ya Magpapasalamat na kasama kita.
0
May 22, 2019
May 22, 2019 at 9:44 AM UTC
Bawat araw ay biyaya
Matagal ko nang napagtanto na hindi tayo itinadhana At batid na sisikat at lulubog ang araw nang hindi tayo magkasama Hindi kasabay ng bawat pagbilog ng buwan ang ating pagtanda Pagkat ikaw at ako ay nagmahal at bigla, Saka ka kumawala
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:57 PM UTC
Bitaw
Sa sulok ng isipang dinadaluyong ng mga sanlibong sala-salabat na tanong may paanyaya kang pagdamay ang layon mula unang lagok, mainit ang pagsalubong. Maraming katanungang pumapatak sa diwa Tila ulang tikatik, ulang walang sawa Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’ Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan Tagumpay at sigla noong kapanahunan Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan Kaya’t hindi dapat malasing, malango Sa naabot na rurok o kayamanang lumago Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
0
Nov 19, 2018
Nov 19, 2018 at 3:48 AM UTC
Kapeng Barako VIII
lumulubog , lumilitaw. ang mga nararamdaman. di maipaliwanag, tila'y unti-unti nang nawawala. sisikat ang araw. aasahang babalik balang araw. lulubog na ito, at mag papahinga na ako. pasyensya ngunit hindi na kaya, ang mundo'y hindi na na awa. ako'y mag papaalam na. at ako'y magiging malaya na.
0
Feb 23, 2019
Feb 23, 2019 at 11:05 AM UTC
Ako'y magpapahinga na