Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
El Aug 2017
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan
limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin
upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan,
kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin.

apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata
kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim
ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo –
mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo
sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin
ay apatnapung pulgada pa ang layo.

(tatlumpu, dalawampu, sampu)
bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat.
(siyam, walo, pito)
natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala.
(anim, lima, apat)
para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pagsigaw.
(tatlo, dalawa, isa)
nasa tabi na ki–

bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata;
pumalakpak ang lahat.

Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
John AD Feb 2019
Mari , Maaari ko bang sabihin ang aking nadarama?
Mariposa sa himpapawid na dumapo sa aking mga pluma,
Ako'y nagdurusa , Labis na kalungkutan ang nadarama
Masyado tayong nagpadalus-dalos,At di alam kung saan papunta

Nagdurugo ang aking puso,Pinapaslang ang aking utak
Kakaisip sa mga bagay na hindi matuka ng Uwak , Dahil
Pagod pa din ako kahit nakatulog na , Di nga kita makausap
Ako'y Takot pa

Na Malaman **** , kelangan ko munang magpahinga,
Hindi naman lilisan,Nais lamang ipaalam na
Pagod na pagod na ang isip ko tuwing kausap ka
Hindi parin kasi kita maipinta

Ako'y hindi sanay sa mga bagay na ika'y napapakalma
Marahil di mo ko maintindihan , Yun talaga ang totoong kulay ng aking pluma
Hindi rin kasi ako masaya tuwing nakasimangot ka
Malungkot din ako kapag malungkot ka

Pero wala naman akong magagawa ,
Tikom lang ang aking mga bibig
Limampung Beses iniisip
Ang mga bagay na makakapagpabago ng iyong mga himig

Wala akong kakayahang makipagtalakayan
Magkaiba kasi tayo ng kapaligiran
Sana'y mauwanan mo naman ang aking nararamdaman
Masakit man ang mga nasasabi ko ,Mas masakit ang magbulag-bulagan

Dahil ayaw ko ng magsinungaling sa aking mga nararamdaman
Baka humantong lamang ito sa isang malaking kasinungalingan
Hangga't maaga , nais kong ihatid ang mensaheng ito
Upang iparamdam sayo lahat ng aking nadarama

Mari,Mariin ang sakit ng bawat letra ng aking inilathala
Bagkus ito'y magiiwan ng marka at sa pag kislap ng mga tala
Nais kong dalin mo ito at magsilbing payo ko sa iyong pagkatao
Ngunit huwag mo kong kalimutan dahil naging parte ako ng buhay mo

Mari,Marilag na binibini sana ako ay mapatawad mo
Sa hakbang na ginawa ko , Sa bagay na magiging sanhi ng kalungkutan mo,
Hindi pa naman ako mawawala bilang kaibigan mo
Basta't Huwag mo rin kakalimutan kung sino ako .

(Ang nais ko'y manatili ang ating pagkakaibigan,
Ngunit kelangan ko ngayon ng oras para sa sarili ko)

(Mari,Pagod pa ang aking isip
At Patuloy paring nananaginip
Regalo sa akin ang ating pagkakakilanlan
Itinago ko nga lahat ng iyong payo dito sa aking Isipan)
Ang pag-iyak ng mga dahon  sa bukang-liwayway  ay pinapawi ng init ng pagsikat ng Araw,At maglalaho sa Dapithapon , At Maaring magiwan ng marka padating ng Takipsilim...
Ang apat na yugto ng oras ng panahon ay nagsisilbing instrumento ng aking pagkatao... at pagkatao mo..
Sundan mo ang pagsikat ng araw ! at huwag na huwag **** papakiramdaman ang presensya ng kadiliman...
faranight Mar 2020
hindi ako magpapaalam sa limampung tula o higit pa na aking sinulat at inalay para sayo..
dahil minsan rin namang nagtugma ang ating damdamin na nagusbong ng mga matatamis na salita na naglalarawan ng ating pagibig.
subalit sa habang nadadagdagan ang saknong sa tula, ay unti unti na ring di nagtutugma ang damdamin nating dalawa.
mahiwaga, salamat at naging bahagi ka ng kabanata ng aklat ng aking mga tula.

— The End —