"kunin" poems
Simula noong ako'y bata pa,
Iba ang iyong pagpapahalaga,
Paulit-ulit kong itong nadarama,
Isang pag-aaruga,
Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga,
Sa panahon na ako'y nagkakasakit,
Ako'y iyong pinipilit,
Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit?
Manalangin sa Maykapal ng mahigpit,
Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait.
Di mo man sa akin sabihin,
Ito'y aking napapansin,
Di mo man banggitin,
Alam kong ika'y nasasaktan din,
Nahihirapan,
Puso mo'y lumuluha,
Kaya't ang tangi kong dalangin,
"Panginoon ako'y inyo na lamang kunin."
Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin,
Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin,
at kanyang babalikatin.
Papa ika'y mahalaga sa akin,
Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin,
Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin,
Ang halik mo sa akin,
Kaysarap damhin!
Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin!
Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin,
Habang buhay kong gugunitain,
Himig ng pagmamahalan natin!
O kaysarap dinggin!
Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin,
Bagkus ko itong pagyayamanin,
Hinding-hindi ko ito sasayangin,
Habang buhay ko itong pupurihin,
Hanggang sa ito ay magniningning!
100 na tula alay ko sayo!
Ika'y isa sa magiging pahina nito,
Laman ka ng aking nobela,
Na hindi maipagkakailang-----
Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
Ako'y kinakabahan
Saan ko kaya ito u-umpisahan?
Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan
Kaya ako ngayon ay naguguluhan
Pano mo nagawang mang-iwan?
Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam
Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam
Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw
Hanap-hanap palagi ay ikaw
Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin
Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating
Nakatingin sa mga bituin
Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating
Ang nagiisang bituin para sa akin
Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin
Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating
Agad kitang yayakapin
At sasabihin
Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin
Ang tanga mo
Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan
Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan
Siguro nga hindi lang yan panandalian
Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita
Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita
At sa iyong pagbalik
Umaasa na hindi mo na ako ulit
Ipagpapalit.
Ngunit bakit ka'y pait?
Umaasa na makita ka na kahit saglit
Sapagkat
Hindi ko na kaya ang sakit . .
Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Palagi kitang pinag-mamasdan sa bawat araw dna dumaraan,
lahat ng kaya kong gawin upang iyo'ng bigyang pansin aking ginawa
ngunit kahit anong pagsisikap ang aking gawin, nasa iba pa rin ang iyong mga mata
bakit ba ang hirap kunin ng iyong pansin, di ko naman hinihinging maging tayo
gusto ko lang sana'y magi kitang kaibigan
kase alam ko'ng wala kang maibibigay sa aking pagkakataong maging tayo
ika'y prinsesa at ako'y dukha
sabi pa nga nila'y nangangamo'y akong sukha
ikaw nama'y amoy rosas kahit na ika'y pagpawisan
nung una kitang nakita, sa isang tingin mo lang, nabihag mo na ang aking puso
sana'y bigyan mo akong pagkakataon na maipakita sayo na di ako isang halimaw
alam ko naman ikaw ay isang prinsesa na nakatira sa isang kastilyo na tad tad ng diamante,
at pinag kakaguluhan ng mga prinsipeng maskulado at handang ibigay ang mga luho at kayamanang gugustuhin ng kahit sinong babae,
ang maibibigay ko lang sayo ay ang aking buong pusong pagmamahal at katapatan na mamahalin kita hanggang sa katapusan ng ating mga araw.
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 11:10 AM UTC
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel
Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.
Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.
Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.
Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.
Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.
At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.
Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.
Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 1:25 AM UTC
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas,
mga taong gumagawa ng batas,
ngunit ang hustisya'y hindi patas,
'pagkat sa kanila ang batas ay may butas.
"TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan,
mga taong inaasaahang maging huwaran,
sa panahon na sila'y ating kinakailangan,
ang tanging naitatanong ay "saan?"
"TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula,
mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika,
pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula
ang mga sagot ay tanging paghuhula.
"TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo,
mga takot sa hinaing at nagrereklamo,
mga tutang kinain ng koloniyalismo,
sa ibang bayan sila ay tila maamo.
ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik,
patuloy kang umimik,
sa hustiya at paglaban ay maging sabik,
sa mga mapanakot huwag magpapitik.
ipagpatuloy ang pagiingay,
sa masa ika'y sumabay,
magising ka sa iyong malay,
pagkamakabayan huwag sanang mawalay.
huwag **** hayaang kunin ang boses natin,
'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin,
mag-salita ka pa rin,
hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin.
ialay ang mo ang salita mo sa mamayan,
ikaw ang maging tunay na huwaran,
susunod na henerasyon iyong ipasan,
mag-ingay sa kahit anong paraan.
"TAHIMIK!" ani ng taong bayan,
sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian.
"TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan,
tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
031717
Kanina, binibigyan kita
Kaso ayaw mo kunin
"Ang mahal naman," bulong mo
"Manghihingi na lang ako mamaya"
Nagtataka Ako sayo
Kasi mahilig ka sa mamaya
Pero alam ko, dyan sa "mamaya" mo
Kakailangan mo rin ako.
Umalis ka na
At nanatili Akong nakatiwangwang
Ahy oo nga pala,
Dinaanan Ako ng kaibigan mo
"Ang mahal, pero kailangan ko eh" sambit niya
At inakap niya Ako
At nagbigay siya.
Nahuli ka sa klase
Kasi sumama ka sa iba
Nakalimutan mo ba? Exam ngayon diba?
Magkatabi kayo ng kaibigan mo,
At nakita Mo Ako kasama siya
"Uyy, pahingi," bulong mo sabay turo sa Akin
"O, sa susunod bawal na manghingi ah"
Wika niyang hindi nagdaramot.
Tinitigan mo Ako
Doon mo pinakilala ang yong sarili
Narinig mo ang mga tanong
At sa Akin mo ibinahagi ang lahat
Sana ganito na lang tayo palagi.
"Hindi ko to alam," nabasa Ko sa isip mo
Napuno ka ng kaba kasi baka bumagsak ka
Pero di ka nag-atubileng isuko sa Akin ang lahat.
Bago pa man malaman ng iba'y
Ako na ang unang nakaalam
Ng mga sagot mo sa kanilang
Nagpuno ng tanong sayong isipan.
Kinabukasan ang araw ng muli nating pagkikita
Alam kong kabado ka
Pero naghanda ka pa rin.
**Dahan-dahan **** inihatid ang iyong sarili**
Sa harapan kung saan naging saksi ang lahat
Hindi mo pa ako magawang tingnan
Pumikit ka at nanalangin
At sayong pagdilat
Sayong pagtitig, ramdam ko ang iyong galak
"Yes!" sigaw mo at doon ang unang yakap.
Mar 16, 2017
Mar 16, 2017 at 11:06 PM UTC
Ang awit ay sa mahal na **** inialay
Ang pagbubuwis ng buhay
Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala
Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman
Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban
Tinabas ng kahihiyan
Wala ng kaibigan
Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan
Habang nakadipa nagsalita,
tanggapin ang kabiguan
Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo
Maraming aglahi humabi ng lampin
Higaan ng peto angkin
ang samut saring pintas
Ang huni ay haluyhoy
ng ibon na nagsusumamo sa sanga
Yumuko dahil sa nahinuha
tungkol sa kaligiran na ginagalawan
Ipinarinig ang kanta
Palawigin ang pag-inog
Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon
Tila balahibong dinuyan ng hangin
na umiilanglang hanggang sa magsawa
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 1:49 AM UTC
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa
Pakinggan ang himutok
sa kwadradong kahoy nakapatong
ng bangkay na nangangapa pa
Buuin ang palaisipan
Kung may itsura ay hugutin
ang kasagutan sa bugtong
Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito
Nababalisa ang gabi at di makatulog
Munting daliri ay igalaw
Ngunit nanatiling tamad ang mga braso
Sa pagkabog ng dibdib
Ang halinghing ay maririnig
Sa kalaunan ay parang di na humihinga
Kinakalawang sa silid
Nakahandusay sa silyang rektanggulo
Tiisin ang katahimikan
Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga
Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa
Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala
Magbuntong-hininga ito makipag-usap
Isinalaysay ang pagdaralita
Nakatikom ang bibig
Maghihilom din bagkus di makatawa
Magmumukmok sa loob
ang walang saysay na uwak
Idagit ang kabuluhan
Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Gustuhin ko mang makipagsapalaran
Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid
Ay binabalot ako ng pagtatantya
Kung ito na ba ang tamang oras
Para kunin ang aking panulat
At iguhit ang silakbo ng aking damdamin.
Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig
At tinitimbang ko pa rin
Ang mga barkong pumapagitna sa akin.
Nais kong kumawala at lumisan na lamang
Ngunit ang aking pagpapaalam
Ay mas magdudulot lamang ng dilim.
Gusto kong maniwala na ang solusyon
Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya
Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy
Na maaaring makasunog sa mga barkong ito.
Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban
At ang boses na mas lalo pang lumalakas
Kasabay ng pagtambol ng aking hininga.
Gusto Nitong tupukin ang lahat
At sakupin ang bawat naglalayag
Sa kani-kanilang mga direksyon.
Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon –
Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro.
Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso
Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y
Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya
Na mas sumisid pa sa mas malalim.
Napahinto ako sa aking pagpupumiglas
Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing,
"Manatili ka lamang,"
At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon
At unti-unti kong nasilayan na naglaho na
Ang mga agiw sa aking mga mata
At kusa ko nang nararamdamang
Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa.
Ito ang aking hantungan,
Ito ang sinasabi kong liwanag.
Ito ang aking kapanatagan,
At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:58 PM UTC
Sa aking pag-iisa
ikaw lagi ang kasama
sa himig mo’y nadarama
pagkawala ng problema,
inawitan mo ako upang sumaya,
sa malungkot na mundo
ako ay di na nagdusa,
panahon ay lumipas
gabay mo’y di nawala
sinasalo mo maging
ang aking mga luha.
Kung ako ay tatanungin
Gaano ka ba kahalaga?
Kunin ka man sakin
Hahanap hanapin parin…
Talagang nag-iisa
Galing mo sa pakikisama,
Salamat sa iyo,
Mahal kong gitara.
©2008 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 12:10 PM UTC
"Sino ang bayani ng buhay mo?"
Minsan itong naging paksa ng aming aralin sa filipino
Madalas din itong itanong sa akin ng madla
Ngunit wala akong ibang sambit kundi ang iyong ngalan ina.
Bagama't wala siyang hari na katuwang,
Para sa akin siya ay reyna magmula pa noong ako'y walang muwang.
Magkaiba man ang daang ating nilalakaran,
Alam kong pareho tayo ng langit na tinitingnan.
Dito ay umaga, diyan ay gabi
Sa pagtulog mo ina nais kitang katabi
Iniibig kita kahit sa personal man ay 'di ko ito masabi
At kung maayos na ang mundo, dadampian ko ng pagmamahal ang iyong pisngi't labi.
Hindi sapat na ika'y pasalamatan
Pangakong pagod mo'y aking papalitan
Ng pag-ibig na walang hanggan
At ibabahagi ko lahat ng kabutihan mo hanggang sa aking kaapo-apohan
Kung tuluyan ka nang manghina
At kunin ka na sa akin ng May Likha,
Ako ang makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga
Kukumutan kita ng pag-ibig, mahal kong ina.
May 21, 2021
May 21, 2021 at 3:17 PM UTC
Sa aking pag-iisa
ikaw lagi ang kasama
sa himig mo’y nadarama
pagkawala ng problema,
inawitan mo ako upang sumaya,
sa malungkot na mundo
ako ay di na nagdusa,
panahon ay lumipas
gabay mo’y di nawala
sinasalo mo maging
ang aking mga luha.
Kung ako ay tatanungin
Gaano ka ba kahalaga?
Kunin ka man sakin
Hahanap hanapin parin…
Talagang nag-iisa
Galing mo sa pakikisama,
Salamat sa iyo,
Mahal kong gitara.
May 2, 2019
May 2, 2019 at 11:04 AM UTC
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos.
Hindi mawaring isipin kung kumusta ka.
Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog?
Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali.
Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin.
Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang.
Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi.
Isang malaking palaisipan ang pag-ibig.
Hindi ito para sa mga mahihina ang puso.
Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan.
Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa?
Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan?
Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga.
Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya.
Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap?
Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan.
Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili.
Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli.
Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan.
Ang malas ko naman.
Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin?
Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin?
Diyos ko, ano bang magagawa ko?
Anong ginawa ko upang maranasan ito?
Hindi naman sa pagdadrama.
Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa.
Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin
Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin.
Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso
Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo
Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko
Anoman ang pagsubok na aming matamo
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:23 AM UTC
"hello, kamusta?"
kataga na kay tagal kong hinintay
kung hula mo'y ilang buwan
sablay
dahil taon ang hinintay ko
upang makita sa loob ng kompyuter ko
ang mga katagang "hello, kamusta?"
at kung sa mas eksaktong sukat
ay walong taon
halos ka-edad ng batang marunong ng sumagot sa magulang
may sariling aksyon at pagiisip
at kung iisipin
hindi sana tayo ganito
kung sumagot tayo sa magulang natin dati
o kung may karapatan na tayo dati
kung mas inuna natin ang aksyon na gusto
kaysa sa aksyon na mas nararapat
sabagay
hindi rin naman dapat sila sisihin
dahil bata pa tayo noon
mas bata tayo noon ng pitong taon
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
ay natigilan ako
kaya ka ba nagpaparamdam
ay dahil kaya mo ng tumayo
salungat sa gusto ng iba
patungo sa mas gugustuhin mo
o isa ulit itong pagsawsaw
ng iyong paa sa rumaragasang damdamin ko
kagaya ng ginawa mo
pitong taon nang nakalipas
nilubog ng kaunti ang iyong damdamin
para lamang malaman
na hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo nang kunin
at agad agad **** hinugot ang iyong pagtingin
na para bang hindi din ako sumawsaw
nagpaanod
nalunod
sa sakit ng rumaragasang tadhana
na noo'y inakalang
kayang suungin
para lamang malaman ko na hindi ka pa pala handa
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
isa ba itong tanda
na handa ka na
na kaya mo na
panindigan
ipaglaban
magpaanod
malunod
sumuong
ano
mas masakit di 'ba
na malamang mayroon na akong iba
"hello, kamusta?"
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 4:01 AM UTC
Ipapangako ko na balang araw ako ay magiging sa paligid mo,
At ikaw ay papanatilihing ligtas alam ko na may
mga bagay na kailangan nating-pag-usapan
pero hindi ako pweding manatili kaya't
hayaan **** hawakan ko ang kamay mo kahit
sa maikling panahon at kunin mo itong
peraso ng aking puso at gawing Iyo.
kaya kahit na magkalayo tayo hindi ka nag-iisa.
Mar 16, 2019
Mar 16, 2019 at 1:30 AM UTC
langit 'man ay dumilim,
kunin kahit bituin,
walang makabubura ng gunita,
sa umagang minulat mo aking mata.
Dec 8, 2017
Dec 8, 2017 at 10:43 AM UTC
habang naglalakad ako pauwi ng bahay
bitbit ang napakabigat na bag
laman ang mga gamit na kinakailangan
may nakita akong kumikintab na bilog sa dinadaanan
huminto ako, napatigil at tinignan
at nakita ko itong piso
pero imbis na kunin ko ito at ipangbayad sa jeep
tinago ko ito at tinabi sa isa pang piso
dahil alam ko ang pakiramdam na nag-iisa
sa dilim, gulo at ingay
sa sarili **** paang naglalakad sa kalyeng madalas ikaw lang magisa, na minsan iniisip mo na sana may isang taong sumasabay sa agos ng galaw nang iyong mga paa
sa sarili **** kamay na tumatama sa lamig ng simoy ng hangin, iniisip na sana may isang kamay na handang hawakan ito sa lamig at init
sana isang araw, hindi na anino ang kasabay mo pauwi
kundi isang tahanan
Dec 9, 2019
Dec 9, 2019 at 8:40 AM UTC