Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kinilig" poems
Maraming tanong sa isip ko At isa na doon kung meron bang tayo Ngunit hindi mo ako pinapansin Katulad ng iyong emosyon, mahirap basahin Ngayon ay umaasa parin ako Sa sinabi nila na gusto mo daw ako? Ako'y kinilig at napatalon sa sobrang saya Pero hindi ko maiwasan na mag isip kung meron nga ba? Hindi ko alam kung nalaman mo na Na ako'y may lihim na pagkagusto, hindi ba halata? Siguro sa sobrang pagka-manhid mo Hindi mo alam na may umaasang tao sayo Hindi ko alam kung anong iyong pahiwatig Lalo na ang mga nakakalusaw **** titig At sa tuwing ika'y napa-padaan Hindi ko mapigilang humanga at ika'y pagmasdan
0
Mar 9, 2017
Mar 9, 2017 at 2:09 AM UTC
Meron nga ba?
Bakit nga ba sa lahat ng tao, ikaw? Bakit nga ba ikaw ang nangibabaw? Bakit ba sa bawat pagsulyap ko sayo, ako'y muntik nang matunaw? At sa bawat pagtitig mo, nasilaw sa liwanag 'tong mga balintataw. Boses na tila harana, Tawang tila musika, Buntung hiningang hele sa mga tenga, Pagtatapat na tila bomba. Pagpapalit-usap na tila kay kaswal, Puno ng tawa at mga pang-aasar, Biglang hinaluan ng istilo't mga diskarte, Upang mapaligaya ang napupusuang babae. Kaligayahang tila walang katapusan, Kailan ba darating ang hangganan? Saan nga ba umabot ang mga tawanan? Kinilig ba ang pusong nililigawan?
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 7:03 AM UTC
Kilig
Aking minamahal, Alam kong 'di mo kayang mahalin Kahit anong dasal Hindi kita kayang angkinin Ikwekwento ko Ang malubha kong storiya Pusong nagdugo Sa maling tao umaasa Malayo ka man Ika'y palaging hinihintay Ika'y inaabangan Sa tagal, ako na ay sinasaway Nang magkatinginan tayo Sa isang programang mahaba Sige, kinilig ako, oo Ayon ba ay masama? Tahimik na tao Ito ang aking nagustuhan Kahit 'di romantiko Hindi ko na yan inaasahan Ang problemang maliit Ang lutas ay paglayuin tayo Sa edad ipinilit Dahil lang mas bata ako sayo Pero tinanggap ko Na mas matanda ka sa akin Kolehiyo naman siguro, no? Konting hakbang lang mula sa'min Ginaganahan pumasok Lalo na kapag institusyonal Pinipiggil ko ang antok Para lang makita ka, mahal At habang umaasa Nanonood lang sa malayo "Sana tumingin siya Sa direksyon kong malabo" Palaging tumititig Dahil ikaw ng inspirasyon ko Ngunit puso ko'y namitig Nang malaman ika'y ****
0
Jan 21, 2018
Jan 21, 2018 at 1:04 PM UTC
Para Kay TanTan
Mga sulat kong tula Mga sukat at tugma Hindi ba tumatak sayo sinta Mga gawa kong tula? Na sa iyo lamang ilalathala Mga maririkit na salita Mga nagtutugmang salita Hindi ka ba kinilig aking sinta? Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga? Mga nakaka kilig na banat Bakit parang walang tama Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma Nakukulangan ka ba Kailangan bang deretsuhin ko na? Okaya isigaw ko pa? Na mahal kita sinta? Walang halong biro Dahil nahulog na sayo Kaya nung iniwasan mo na ako Parang nasa burol, napakatahimik ko Para bang nagluluksa ang sarili ko Nawalan ng ngiti ang labi ko Umaasa parin na tumatak sayo Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito Dahil nakakaiba ka sa ibang mga dalaga mahal ko Kaya lahat ng itong sukat at tugma Mga obrang pinagisipan ng mahaba Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 4:39 AM UTC
Tumatak
Di na maitatanggi, Bakit pa ba ikukubli? Ano pa ba ang dahilan? Bakit pa ba magmamaang-maangan? Alam natin ang totoo, Ngunit pinilit nating isantabi ito, Nag-uusap bilang magkaibigan, Pinag-uusapan ang mga hinahangaan. Alam kong alam mo, Alam **** ikaw ang gusto ko, Ngunit di ka nagpadaig, Kahit na sa tingin ko'y minsan kang kinilig. Sa bawat pag-uusap, nagpaparinigan, Mga bagay tungkol sa taong hinahangaan, Subalit kilala naman natin sila, Sa katunayan, kilalang kilala. Ngayong gabi, ako'y naglahad, Ng mga damdaming sasabihin **** nasagad, Mga sitwasyon kung saan di mapalad, Mga sitwasyong sa iba ang isa't-isa napadpad. Mga landas nga kaya nati'y magiging isa? O magtatagpo lamang at humayo na sa isa't-isa, Walang may alam sa atin kung ano ang tiyak, Sa mga sa landas na kasalukuyang tinatahak. Mananaig kaya ang tadhana? O ang damdaming nagwawala? Ano kaya ang magtatagumpay, Sa pag-ikot ng gulong ng 'ting buhay.
0
Jan 3, 2018
Jan 3, 2018 at 12:28 AM UTC
Nagpaparinig
May ka chat ka nag hi at nag wave pa Ikaw naman 'tong si desperada mag ka jowa Napapikit bigla at sabay sabing Lord eto na ba? At dali-daling dampot ng phone Ma-replayan lang siya ng bongga Hindi pa man nagiging kayo'y may call sign nanaman Tulad lang yan sa una mong nakatawagan Pero sa huli, di rin naman kayo nagtagal. Kaya eto ka nanaman aasa Aasa na baka eto na Aasa na sana siya na Aasa na baka sa huling pagkakataong ito ibigay na sa akin ng mahal na bathala ang aking mga dasal na sana dumating na siya Pero tulad ng karamihan,sa una lang talaga masaya Sa una lang siya magaling Sa una kalang niya pakikiligin Pero pag dating sa huli Di ka rin naman niya iibigin. Sabagay kasalanan mo rin nsman Nag "hi" lang iniisip mo,may gusto na siya sayo Binati kalang halos maihi ka na sa kilig Binanatan kalang ng mga linyang "babe kain kana" iniisip mo mahalaga kana sa kanya Hinawakan lang niya mga kamay mo At sinabihan ng mga katagang "ikaw lang,walang iba" iniisip mo mahal kana Di ko rin naman nilalahat Pero mas madalas,mas tama pa yung kutob sa mga bagay na posibleng mangyari. Kaya wag **** isisi lahat sa kanya, Sa kanila Kung nasaktan ka at nahulog ka sa kanya Kasalanan mo rin naman,dahil nagpadala ka sa mga messages niyang puro pambobola na magpapaasa sayo ng sobra Mga messages niyang magpapakilig sayo dahil alam niya na dun ka niya makukuha Mga messages niyang walang kwenta Pero aminin mo,kinilig ka Mga messages niyang patuloy ka paring umaasa na baka? siguro? Totoo na At sa mga messages niya na dahilan ng pagkalugmok mo sa kalungkutan na walang ibang nakaka alam kung gaano kasakit ang pagsabaying dibdibin sa iisang araw lang ang dalawang bagay ng iyong nararamdaman ngayon Ang maiwan ng walang dahilan at Masaktan ng wala kang anumang karapatan. Ang maiwan ng walang dahilan dahil hindi mo naman siya naging pag-aari kailan man At masaktan ng wala kang anumang karapat Dahil kahit kailan hindi ka naman niya talaga minahal Dahil pinaasa at pinasakay kalang Dahil alam niyang dun ka bibigay At dahil nagtagumpay siya,gagamitin niya itong armas para paglaruan ka Kaya mag ingat ka sa mga mabulaklak na mga salita ng mga taong gagamitin ang iyong nadarama, sumaya lang sila.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:52 AM UTC
Sa Daming Marupok Ba't Naki-isa Ka Pa

Continue reading...
44
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan. Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan! Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan. Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan. Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko. Ang saya lang ng minsang mapansin Mo, Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko. Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako, Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita. Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo. Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga! Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na. Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na. Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko. Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan. Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo. Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam. Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw. Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw. Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw. O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan. Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko. Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 8:50 AM UTC
Ikaw at Ako

23
Ang kwento ng isang Pag-Ibig Minsan masaya at minsan malupit Minsan masaya pag kasama mo siya Minsan malupit kasi mayron siyang iba, Ang sinabi niya sa iyo, mahal ka niya Yung kabila naman, mahal rin daw niya Ikaw naman itong si super tanga, Nalaman mo na nga, nagbubulag-bulagan pa... "Mahal kita" ibinulong niya sayo, Kinilig ka naman, bati na agad kayo Niloko ka niya, sabay iiyak iyak ka, Sino itong bobong nagpapaniwala sa kanya... Nakipagkita siya sayo, Nagsorry, nagmakaawa at muling nangangako, Pagtalikod mo tumawa bigla etong si demonyo, Napaikot ka muli, yun pala walang nagbago... Nabalitaan mo ang buong katotohanan, Heto ka, umiiyak at muling nangangatwiran, Kesyo mahal mo siya kaya di mo maiwan, Kahit yung mga tao sa paligid mo nagtatawanan. Kaya para sayo ito aking matalik na kaibigan, Sana matauhan kana sa iyong kamartiran... Yang sabi **** mahal mo, di siya kawalan, May mas hihigit pa jan, yan ang dapat **** tandaan! ©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 6:26 AM UTC
Di na Natuto
"Ayoko na. Pagod na ako." Oo, parang tumigil ang mundo ko. Sa isang iglap, nawala lahat. Pagmamakaawa hindi naging sapat. Siguro nga mali na kinilig ako Noong unang beses kitang kinausap. Kinabahan ako ng todo, Kasi lahat ng naramdaman ko totoo. Nikka, hindi mo naman ako masisisi. Sino bang hindi mahahalina sayo? Kahit siya na may galit at nasaktan, Sinabi na sayo ako'y mapapamahal. Masaya ako na nakilala kita. Mabuti na siguro na malaya ka na. Pero alam mo ba, sa loob ko may nagsasabi na sana sumugal ka sakin. Hayaan mo, sakin nalang yun. Isa akong sinungaling. Napakarami kong kasalanan sayo. Pero isa lang ang masisigurado ko, Sobrang mahal na mahal kita. Pangako na ako'y narito pa rin, Kung kailan mo ako kakailanganin. Kahit na sobrang alanganin, Lahat ng pait at sakit ay kakayanin. Alam mo? Tama siguro sila Juan. Na dapat mag-move on na ako. Pero hindi, sigurado ako sayo eh. Baka sa kabilang buhay maging tayo.
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 1:01 PM UTC
Itong Liham, Aking Laham.