Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kataksilan" poems
Ang pag-ibig ko sa iyoy walang hangganan. Magkalayo man tayong magkasintahan. Buong buhay nating pahahalagahan, Ang sumpaan natin magpakailanman. Ngunit aking mahal ikaw ay lumisan. Iniwan mo ang aking pusong sugatan. Nasaan ka na at ako ay iyong balikan. Upang malunasan, damdaming nagdaramdam. Ikaw nga ay bumalik, ngunit may kasamang iba. Ngayon tuloy, damdamin ko'y lumuluha. Pinapasan ang sakit na naramdaman. Dulot ito ng iyong kataksilan. Ang iyong pagmamahal ay nawala na, Sigaw ng puso ko ay bahala na. Hanggang sa huli ito ang iyong tandaan. Minahal kita higit pa sa iyong nararamdaman.
0
May 24, 2016
May 24, 2016 at 10:59 AM UTC
Pag-ibig nga naman
taksil ang mga labing naghahangad ng higit sa dampi katulad ng buwan sa duyog, na kung sa madalas ay hinahayaan ang pagsisiping ng araw at mga bundok sa umaga may mga minsang hindi mapigilan ang alibuyboy at pilit isisingit ang sarili sa pagitan ng dapat at hindi, kapalit ng panandaliang saya; balutin man ng dilim. ngunit isa pa nga bang kataksilan ang humiling, kahit na pakiwari ko’y isa kang hiningang hindi mauulit, na sana kinabukasang paggising ay hindi ka na umalis, na hayaan mo namang masilayan ko kung paano ka ipipinta ng araw para naman din makita mo sa liwanag kung paano ka aaralin. bigyan mo lang ako ng isang sandali dahil katulad ng buwan, miminsan ding makasarili baka sa susunod na kinabukasan kahit ikaw ang tinatangi, sa iba na maghahain.
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 8:32 PM UTC
Sana'y manatili
Sa ulan naligo nang nagagalak Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik Paggugunita sa mga araw ng paggiliw Noong kami pa ay parang langit Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip Walang gabi na tahimik Sapagkat parating may malamyos na awit Ang pakiramdam ko sa panganorin Walang hanggan-kataasaan ay di malirip Ngunit unti-unting nawawari Kalangitan ay isa lamang bahagi Kung ituturing ay isangpanig-ibig Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir Tinakasan na nakalupasay sa pananabik Ang sinta ko sa iba kumapit Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik Yakap niya sa akin ay napakahigpit Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit Binigyan man ng malapad na bagwis Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil Tinuring na reyna sa kahariang panaginip Kahit na inaalila niya' t inaalipin Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim Kung maparool man ay hindi itatanggi Na minamahal siya' t itinatangi Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin Namumukod tangi siya, walang kahulilip Huli na nang malaman ang ibig Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais At upang sa isang tao' y mapalapit Ginawa niya akong tulay - pantawid Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig Tiyak na maluluray, at dadaing Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis Duro sa puso' t wasak na damdamin Nararamdaman ang masidhing lunggati Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing Nasang na sana ay laging magkapiling Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim Larawan niya' y kinikimkim Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari Hubog nito' y lumbay hindi aliw Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig Kung may pagkakataon ay aking hihilingin Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Danyos ng Pag-ibig

Continue reading...
52
051922 Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y Nagsilbi pala itong aking pahingahan. At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel Ay unti-unti rin palang gumuho Ang mga pader na naging proteksyon ko Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin. Sabi ng iilan, Gusto nila ng kalayaan — Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan. Pagkat mas ninanais ko pang Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran. Siguro nga, tama sila Na takot akong buksan ang aking pintuan. Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang Ang daraan sa aking paningin. At baka sila mismo ang magtirik ng kandila Para sa paghimlay ng aking mga pangarap Na nais ko pang makamit at maibahagi. Naisip ko biglang — Wala naman palang masama Sa pagtakip natin sa ating mga sarili. Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay Sa ating mga pintuang pinangangalagaan. Ang bawat nilalang Ay may sari-sariling paraan Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap. At ang bawat katauhan di’y May iba’t ibang paksang ipinaglalaban At patuloy na pinaninindigan. Kung ang mga pader nati’y Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili. Pagkat ito’y hayagang kataksilan Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang Na pangarap na mga bituin. At kung minsang mapadpad na tayo Sa pampang ng ating paglisan, Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya At patuloy na lumaban at manindigan. Para rin ito sa atin, Para sa sariling kaligtasan Laban sa walang pasintabing pagkukutya Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw. Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan Kung saan natin naiwan at naisantabi Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain. At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas Para sa muli nating pagkabuhay, Ay patuloy rin tayong makikiindak Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao. At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay Upang hindi na muling makapagpahinga Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
0
May 19, 2022
May 19, 2022 at 10:59 AM UTC
Pluma’t Papel

62