Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa ulan naligo nang nagagalak Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik Paggugunita sa mga araw ng paggiliw Noong kami pa ay parang langit Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip Walang gabi na tahimik Sapagkat parating may malamyos na awit Ang pakiramdam ko sa panganorin Walang hanggan-kataasaan ay di malirip Ngunit unti-unting nawawari Kalangitan ay isa lamang bahagi Kung ituturing ay isangpanig-ibig Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir Tinakasan na nakalupasay sa pananabik Ang sinta ko sa iba kumapit Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik Yakap niya sa akin ay napakahigpit Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit Binigyan man ng malapad na bagwis Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil Tinuring na reyna sa kahariang panaginip Kahit na inaalila niya' t inaalipin Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim Kung maparool man ay hindi itatanggi Na minamahal siya' t itinatangi Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin Namumukod tangi siya, walang kahulilip Huli na nang malaman ang ibig Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais At upang sa isang tao' y mapalapit Ginawa niya akong tulay - pantawid Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig Tiyak na maluluray, at dadaing Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis Duro sa puso' t wasak na damdamin Nararamdaman ang masidhing lunggati Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing Nasang na sana ay laging magkapiling Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim Larawan niya' y kinikimkim Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari Hubog nito' y lumbay hindi aliw Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig Kung may pagkakataon ay aking hihilingin Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Danyos ng Pag-ibig

Written by
23/M/Antique
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Request permission to use this poem