Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kasunduan" poems
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

Continue reading...
36
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog Sa tigang na kaanyuan Puso'y parang pipi Patulak ang mga lumalabas na salita Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin Datapwa't bulagin ang mga mata Si Dessa ay di na makita Ibinuhat ang korona Sa hari kung saan nakatungtong At ang hiling habang buhay na magkapiling Di palalampasin ang sandaling magkasama Kahangalan ang sabi ng pari Halikan ang paa di ang labi Laging nabibiyak ang kasunduan Pinermahang papel isampal at ihati Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta Ngunit hindi maalis ang ligalig
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 7:53 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #8
Masarap na Pangakong atin ay napagkasunduan tuparin hangang dulo. Pangakong sa atin ay nag nagbibigay saya, Pangakong sa atin ay nagpakilig talaga, Pangakong pinanghahawakan na akala hangang dulo na, Pangakong sa una ay pilit tinutupad, Pangakong sa Una lang pala, Kasi ngayon yung mga Pangakong atin ay napag kasunduan sakit lang pala ang dala. Pangakong sa tuwing maaalala ay nag bibigay na lang nang lungkot sa puso ng bawat isa, Pangakong  nagbibigay sakit sa Damdaming nating dalawa, Pangakong sa alaala na lang pala. Pangakong Ngayon ay Binitawan mo na, Pangakong hindi naging sapat para manatili ka sa tabi ko at mahalin ako hangang dulo, at ang  pinakamasakit na Pangako, Pangako sa isat isa na ngayon ay Tinutupad mo na sa Iba.
0
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 12:15 AM UTC
Pangako
Hulyo, 2005. Nag simula bilang taga masid, Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid. Pero puso ay di sumuko, Lagi ang isipan sayo'y patungo. Salamat sa iyong ngiti Ni minsan ay di mo kinubli, Kaya nga ika'y agad napansin Naka bihag ng puso na di akalain. Mukhang laging nakasimangot, Nababalot ng lungkot. Ngunit sa ngiting iniwan, Naging isang magandang larawan. Humarap sa salamin, Handa na ba aminin? Biglang natakot ang sarili Alam na ika'y mapili. Naging magulo ang isipan, Na para bang masisiraan, Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan Na mananatiling magkaibigan. Labing limang taong pag-ibig na tinago, Kailan nga ba mabibiktima ni kupido? Kinaya na mamuhay mag-isa, Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Patuloy na mangangarap at mananaginip, Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:58 AM UTC
Labing Limang Taon