Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Glen Castillo Jul 2018
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Pag-ibig sa tatlong salita (IKAW,BAYAN at DIYOS)
Glen Castillo Jul 2018
Umaga na pala,
Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim
Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim
Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula
Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila

Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan
Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan
Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan
Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan

Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw
‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw
Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat
Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat

Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin
Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin
Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin
Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin

Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta
Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta
Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan
Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang

Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala
Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula
Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig
Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig

Tahan na Sta. Teresita,Tahan na,
Bayan kong sakdal iniibig
Matatapos din ang sigwa,
Tutulay muli ang lunday sa sapa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Mahal kong Bayan ng Sta. Teresita sa kasalukuyang panahon
7/31/2018
Pluma Apr 2015
Kling Klang....  Kling.. Klang..

Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.

Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.

Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.

Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.

Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.

Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.

Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?

Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!

Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa *anghel
sa tiyan nito.

Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.

Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.

Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.

Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.


*
Kling Klang... Kling.. Klang..
Bells and their ironies.
103115

Heto, bibilangin ko na naman ang araw,
Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat.
Hindi batid ang tamang oras
O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo,
Bagkus, iyon ang eksaktong araw.

Panahon na siguro para maisalta ang salita
Sa puso **** tila nakakahon pa't hindi pa malaya,
Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin,
Sa paglisan sa ipinaubaya **** pangakong
Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan.

Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan;
Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan.
Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang,
At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw.
O baka mapudpod gaya ng posporo,
Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon,
Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig,
Kaya nanatiling walang pahiwatig.
At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin,
Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga.

Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya,
Wag **** lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag.
Kung napapagal na'y, wag kang hihinto,
Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako.

Narito ako't hindi tatalikod sayo,
Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay.
Panalangin ko'y tapusin mo ang laban,
At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw,
Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw.
Tingnan mo ang pawang mga kamay,
At wag matakot sa pagsuntok sa hangin,
Pagkat iilag ang sitwasyon,
Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon.
Mas ialay ang puso sa Kanya,
Higit pa para sa pag-ibig na inantala.

Hayaan **** makinig ang puso mo,
Pagkat nanalangin ang puso ko.
Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa.
At sa paghihintay natin sa tamang panahon,
Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso.
Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata,
Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa.

Pag muling nagtagpo,
Ako mismo ang haharap sayo,
Pero tandaan **** baka wala akong masambit.
Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob,
Bagkus, hindi ako makapapaniwala
Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita.

Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya,
Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y
Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras.
Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal,
Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw.

Pag-ibig Niya ang dahilan
Kung bakit patuloy na naghihintay,
At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban,
Patuloy na ibinabatak sa Maykapal.

Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin,
Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili.
Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't
Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo.

Ganoon ang pag-ibig ko,
Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa.
Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya.
Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha.
At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot,
Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban.

At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya,
Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya.
At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan.
At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay.

Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga.
Mahal kita, sana makarating sayo,
Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga.
Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya,
Maniniwala akong makararating sa patutunguhan
Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.
derek May 2016
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko.
Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho
Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo
Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo
Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo
Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao
Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho.

Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak
ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak
Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak
Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak.

Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato
Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo
Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino
Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako.

Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo
kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo
Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho
Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo?

Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako
Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo
Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko
na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala
Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala
Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa
Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa.
Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa
Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga
Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa
Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya
Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa
Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko.
Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko
pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo
Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano.

Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo.
Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo.
Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto
Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
030417

Kabiyak --
Yan sana ang pinag-iipunan ko
Dyan ko sana ihahanay ang "Ikaw"
Sa larawang hinayaan kong mabuo.

Buo --
Hindi ako buo
Alam kong Siya ang bubuo sa ating dalawa
Bubuo sa magkalayong Ikaw at Ako
Sa pinaglayong Tayo.

Kapareha --
Par ba ang labanan sa baraha nating dalawa?
Parehas nga ba ang lihim na pagsinta?
O sadyang --
Pares lamang tayo
Para punan ang pagkukulang ng bawat isa.

Kalahati --
Kalahati ng buhay ko'y siyang pinagbuksan ko para sayo
Ni hindi ako umibig ng iba
Wala kang kahati sa puso ko
Siya ang nasa tuktok
Pero ikaw ang panalangin ko.

Mabubuo ba ang Tayo
Kung tanging Ako na lang?
Kung ang sanang kahati'y nakalimot na parte pala sya --
Parte pala sya ng kabuuan
Oo, parte ka ng buhay ko.

Kapiranggot na pagtingin,
Kalahati ang Ikaw
Kalahati ang Ako
Siya ang Kabuuan ng parteng Ikaw at Ako --
Paano? Paano ang Tayo?
Kung ngayo'y **nagkanya-kanya na ang sanang Tayo.
JOJO C PINCA Nov 2017
Paalam bayan kong sinilangan,
sintang katagalugan, lupain na sinakop
ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos
ng higit sa tatlong-daan na taon.

Kung hindi sana ako nakagapos
ay nasa larangan ako ngayon,
nakikipaglaban para sa iyong kalayaan;
subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi,
kayumanggi ang kulay ng kanilang balat
subalit ugaling Kastila sila.

Alam ko na ito na ang aking wakas
dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam;
tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin.
Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi?

Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas
kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi.
Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib.

Paalam mahal kong Oryang,
Lakambini ng Katipunan,
ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib.
Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta.

Kung magtagumpay ang himagsikan
at makamtan na ang layang inaasam
wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma.

Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan,
lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway,
tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit.

Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma.

Payapa ang aking kalooban, walang pangamba.
Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang.
Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
Xian Obrero Mar 2020
Ano nga ba ang “IKAW” sa ako?
Ikaw ba ‘yung taong pag-aalayan ko?
—pag-aalayan ko ng saya, tuwa, oras,
puso at buhay ko?
O ikaw ba ‘yung taong magpapaluha,
maninira o guguho sa aking mundo?

Sino nga ba ang “IKAW” sa akin?
siguro ikaw na ‘yung matagal ko nang-
pinapanalangin,
siguro ikaw na ‘yung may mukha at
may mga matang mahinhin,
ikaw na siguro ang nakatakda kong
mahalin.

Teka lang, eh, “AKO”?
Ano nga ba ang “AKO” para sa’yo?
Siguro naman mayroong “AKO” diyan -
sa puso mo?
Siguro naman may “AKO” na siya ring
ipinagpanalangin mo?
Siguro naman may “AKO” rin diyan
sa buhay mo ?

May “IKAW” at “AKO”, ibig sabihin
– mayroong “TAYO”.
Ang mahalaga may “TAYO” kahit hindi ito klaro. Hindi man itinadhana, minsan pa ring
namuhay sa iisang mundo.
Hindi man pinagtagpo, magkarugtong
pa rin naman ang mga puso.
051416

Nauuhaw ako
Bitak-bitak ang lalamunan
Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init.

Humiling ako
Sa bulsang gula-gulanit
Sa retasong sando
Sabay hanap sa munting kaluping
Singit sa maingay na sapatos.
Siyang nakikipagtagisan ng laway
Sa putik na binubuhusan ng langit.

Muli, nauuhaw ako
Pero sana'y mapawi ito
Ng mahika't eksperimento
Ng itim na likidong kumukulo sa lamig.
Taglamig, taglamig na takipsilim;
Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran.

May karatula sa kanto,
Kaya't napasugod ako sa pagkasabik.
Tangan ko pagbalik ang litro.
Magaspang ang mga kamay
Kaya't makapit ang bote sa mga daliri.

May karatula sa ikalawang kanto,
Tatlong kulay, pero hindi matukoy
Gabi'y makasarili, walang nais na kahati.
Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin.

Isang bloke ng yelo,
Yelong pinira-piraso
Binasag sa sementong kwadrado
Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din.
Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag.

Isang basong walang laman,
Walang bahid ng pagsabon
Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao,
Iba't iba ang pwesto,
May kanya-kanyang tambayan.
Tuluyan silang naging tambay na lamang.

Nauuhaw ako pero hindi ito napawi,
Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid,
Senyas pala ng paglisan.
Musikang hele patungong langit,
Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing.

Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako
Pero pauwi na ako sa Tahanan,
Doon na makaiinom, magpapahinga na ako.
Paalam.
(Madalas, pag gabi, naghahanap talaga ako ng Coke kasi iba pag gumuguhit sa lalamunan. Trial tong tula na to, dapat kasi about sa pagkauhaw lang sa coke but while writing this, I just saw a story of a beggar na gustong makatikim ng softdrinks. Yes, medyo tragic kasi he ended up dead but death was a new beginning for him. Also, I salute those people who tries their best to pursue in life, but let's all be reminded na minsan, we seek too much, Sometimes, we crave for something coz we wanna try it. Yung kaya nating ibigay ang lahat for that certain thing but at the end, we may found something else and sometimes, it's worse or worst. Be careful lang. Saka, sa mga katulad ko, hinay-hinay sa softdrinks, Wag na hintaying magka-UTI ka. God bless at alagaan ang sarili!)
112615

Sa kwadradong hawla
Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit
Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina,
Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila.

Minsan sila'y naging malaya,
Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya
Tila martir ang minsang naging paslit,
Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa.

Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila,
Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan.
At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli,
Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali.

Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin,
Oras niya ngayong kabiyak sa salamin.
Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon,
Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
(Sabi ng Engineer namin, lahat ng sisiw, iiwan din ang nanay nila. Sa una, sunud-sunuran, pero tama nga siya. At matira matibay pa ang labanan.)

7:36 AM
012116 #Genesis

"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."

"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."

"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."

"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."

"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."

"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
Glen Castillo Feb 2019
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved
Pag-ibig sa tatlong salita.DIYOS,BAYAN at IKAW
Mauubos na naman ang mga pahina ng kalendaryo,
Sabay-sabay nating pupunitin
Kalakip ang bawat pangakong
Akala nating matutupad sa kasalukuyan.


Gayunpaman, ang lahat ng ating tinatamasa’y
Tunay ngang may iisang Tagapagbigay ng Biyaya..
Mag-iba man ang anyo ng Kanyang pag-ibig,
Mag-iba man ang ihip ng hangin,
Maging mitsa man ang mga delubyo
Ng saklolo sa pawang dalampasigan at kabundukan,
Ay Hindi pa rin titigil ang ating pagsamba.

Naubos na ang mga taong nagsasabit ng parol
Sa kani-kanilang tahana’y
Patuloy pa rin ang ating pananampalatayang
Matatamasa natin ang mga pangako Niyang
Gaya ng mga bituing
Pahiwatig Nya Kay Abraham.

Ang bahaghari na naging simbolo ng iba’y
May iisa pa ring pangakong ibinabandera
Sa mga totoong may pananampalataya.
Tayo'y nagpapalit-anyo
Sa bawat pagsipat ng mga pagsubok,
Sa bawat pagsirit ng mga tanikalang
Akala ng dilim ay tutupok sa ating mga lampara
Habang tayo’y naghihintay —
Naghihintay sa pagbabalik ng ating Hari
Na Siya ring kabiyak ng ating kabuuan.

Sa bawat araw na lumipas at lilipas pa’y
Wag nating kalimutang
Ito ang taong tayo’y nagpatuloy
Sa ating pakikibaka sa kadiliman.
At tayo’y patuloy na bumangon
Sa kabila ng mga nakatatalisod
Na paghuhukom ng mundo.
LAtotheZ Aug 2017
Ama
Papaano nga ba maging isang mabuting ama?
Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa
Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata
Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama
Maginoong lalake at may takot sa Diyos
Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos
Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan
Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan
Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan
Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan
Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan
Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan

Written: 01/27/2010
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo
Ito ay paalala sa sarili ko
Kung anong meron tayo
Na hanggang dito lamang ako

Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga
Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana
Hanggang sa pagtanda ay makakasama
Kabiyak sa Hirap at ginhawa

Ngunit sa kabilang banda
Realidad ay sa aki'y bumabangga
Ako ay kaibigan lang pala
At hindi maaaring lumagpas sa linya

Hindi ko alam kung bakit ikaw
Ang sa atensiyon ko ay pumukaw
Sa puso ko ay umagaw
At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw

Sinusubukan kong sayo ay lumayo
Ngunit Ako'y pinapangiti mo
Mabigat na araw ko ay humahayo
Araw ko'y muli **** kinumpleto

At heto nanaman ako
Gusto ko tayo pero mukhang malayo
Imposibleng maging Ikaw at ako
Iyong mga mata'y nasa kabilang dako

Hanggang dito lamang at aking lilimitahan
Upang Hindi masaktan
Sa sampal ng katotohanan
At magising na lamang kinabukasan

Makita kang masaya at masigla
At sa akin ay ibinabalita
Ang natagpuang pagibig sa iba
At makita kung gaano kayo kaligaya

Wala na akong ibang hiling pa
Na tunay na pagibig ay iyong makamit na
Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina
Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
EU EU May 2019
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana
Nalulunod sa mga baka sakali
Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una
At pangmatagalang pait at sakit sa huli

Unang yakap at halik mula sa kabiyak
Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak
Handa akong masaktan at bitawan ka
Mamahalin kita habang may oras pa
This is a poem I made when we decided to end our relationship in 5 months but now we are forever. ITS A CUTE AND LONG STORY HEHEHE
Nexus Aug 2019
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa  hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.

Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda

Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan

Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?

Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.

Kaya………..

Umpisahan  natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo  nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.

Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at  karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan

Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa

Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?

Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?

O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong  mimasdan.

Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.


San kita makikita?

Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo

Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan

Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita  na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.

Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang  hilingin at kailanganin

Kayat sa wakas eto na.

Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon

Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
Pag-ibig ang s'yang bumubuo sa aking pagkatao.
Pag-ibig na s'yang nadarama mula sa iyo.
Sayo natagpuan ang napakagandang mundo.
Ang mundo ko ay ang buo **** pagkatao.

Sa bawat pagpuno ng mga daliri mo sa pagitan ng daliri ko.
Ramdam na ramdam ko, ang pag-ibig mo.
Sa bawat pagbati na naririnig tuwing umaga.
Sa mga labi'y bumabakas ang ngiting napakasaya.

Saya na walang ibang makakapagdulot kundi ikaw.
Ikaw na s'yang nais maging kabiyak ng pusong nangangarap ng walang katapusan.
Katapusang kinatatakutan ng marami sa pagpasok sa ganitong uri relasyon.
Sa ating relasyon, dalangin ko'y huwag sanang humantong.

Ramdam mo din ba? Na tila tadhana na ang humusga. Na ikaw at ako ay pagtagpuin. Upang may magpatunay na ang pag-ibig na tunay ang tanging susi sa pangarap na walang hanggan.

Sana nga'y huwag magwakas. At lalo pa tayong bigyan ng lakas. Upang mapagtagumpayan ang lahat ng pabsubok. Sapagkat sayo, hindi ko alam ang salitang pagsuko.

Balang araw, tayo'y haharap sa altar. Isusuko ko ang buo kong pagkatao para sayo. Sapagkat ang tanging pangarap ko. Mahalin ka at alagaan habang may buhay ako.
kingjay Oct 2019
Dinggin ninyo
Ang pag-ibig ay mapanibughuin
Ayaw may kahati
Ni ayaw magpasaling

Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan
Kapag may ibang humawak
Ay mangyayari ang tunggalian

Ito'y maramot - di mapagbigay
Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay
At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal

Nararamdaman ng bulag
Nauunawaan ng pipi
Umaalingawngaw sa tenga ng bingi
Walang kapansanan
Walang dahilan sa hindi pagganap

Ngunit nang minsan natanaw
Na may ibang kalaguyo
Nagunaw ang mundo
Dahil lubos ang tampo
solEmn oaSis Dec 2022
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap ...
Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig
Tatahan ang hinagap sa paghagilap !
Patingala ka man na masdan ako
O kahit pa tanawin mo ako ng payuko

Magmumula lagi sa kaliwa
Aking simula patungo sa kabila ,
ikotin mo man ang iyong tingin pakanan
Manunumbalik ako tulad ng isang orasan
At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan,
at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan...

sa umagang may lamig kapagdaka ' y init
At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit
Ang kaitaasan ay napapasailalim
Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim
Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin
Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan

Nang walang ibang ibig sabihin...
Hanggang pawang totoo lamang ating anihin !
Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan
Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan
Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining..
Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!!

Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko
Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo !
Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig ,
Tatahan ang hinagap sa paghagilap !
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap !!!
a prequel from the poem entitled
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap
yndnmncnll Aug 2023
Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang tatawagin mo
Ang unang bibigkasin mo
Ang maaalala mo

Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang papasok sa isip mo
Ang unang maiisip mo
Sa tuwing naririnig mo ito

Alam kong hindi rin ang pangalan ko
Ang lagi **** bukambibig sa mga kaibigan mo
Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo
Ang una **** matakbuhan sa tuwing may problema ka

Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo
Ang kinabbabaliwan mo
Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon
Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa iyo noon

Ang una **** tatawagan sa tuwing nag-iisa ka
Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una **** sasagutin
Hindi rin ito ang laging inaabangan mo
Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba

Iba kung paano mo siya tingnan
Iba kung paano mo siya mahalin
Kung paano mo siya alagaan
Alam kong hindi ako ang mundo mo

Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw
Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw
Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin
Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin

Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo
Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo
At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo
Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo

Alam kong hindi ako ang unang liligawan mo
Alam kong hindi ako, Oo
Noong una pa lang alam ko na
Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo

Ang iyong unang sinisinta
Alam ko noong una pa lang
Tinatak ko na sa isipan ko
Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo

Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin
Ay iba sa kung paano mo siya tingnan
Kung paano mo siya kausapin
Kung paano ka magmalasakit sa kanya

Kung paano mo siya tratuhin
Ni minsan hindi ko inisip o hiniling
Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa'yo
Ni minsan hindi ako nagdalawang isip na katukin yang puso mo

Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako
Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon
Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit
Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka

Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa
Dasal lang ang kakampi ko
Na sana huwag kang magmahal ng iba
Na sana walang ibang naghihintay sa’yo

Na sana ako na lang ang mamahalin mo
Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko
Alam ko na hindi ako ang gusto mo
Noong una pa lang alam ko na

Kahit hindi mo sabihin
Ramdam ko naman
Ang mga panlalamig na trato mo sa akin
Ang pagbabalewala mo sa akin

Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya
Kahit kailan hindi kita magawang pilitin
Ayaw kong ipilit sa iyo na ako ang piliin
Dahil alam kong siya ang gusto mo

Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo
Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo
Alam kong hindi ako ang gusto **** makasama
Ang gusto **** makita kang tumawa.

Kahit kailan hindi ako magiging siya
Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya
Diyan sa puso mo
Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo

Na ako ang mahalin mo
Na ako ang pipiliin mo
Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo
Sa tuwing magkasama tayo

Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo
Na sana siya na lang ang nakausap mo
At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo
Kailanman magkaiba kami

At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo
Kahit ikumpara mo man ako
Hindi siya magiging ako
At hindi rin ako magiging siya.

— The End —