Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inaalala" poems
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso lagi kitang inaalala malayo ka man sakin Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap Mga pangako at sumpaan paano na matutupad Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni Sinagot ma’y marami paring Katanungan Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan Tunay nga na ang pagibig may isang diwa Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita Andito lang ako, Malayo parin ang distansya, Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya Kahit wala ka..... Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik *Para sa mahal kong si Reina Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 9:13 PM UTC
“LDR”
Yung akala mo kayo na Eh, part time kalang pala Ginawa ka lang palang pamaparaos Kahit katawan mo nay pinuno nya ng galos Ikaw naman tong si tanga Sabi mo sa sarili kaya mo pa Kahit damang dama **** ang sakit na Nagbabakasakali na kayo ay pwede pa Ano bang meron sa kanya? Na ang iwan siyay di mo kaya Samantalang para sa kanya Part time ka lang pala Tinatawagan ka lang kung may kailangan Binibisita lang pag walang mapaglilibangan Hahalikan ka, mayat maya ay uutangan Ganyan ba talaga ang iyong ideya nang pagmamahalan? Gayun may gusto ko sa iyoy ipa alala Na sa iyo may nagmamahal pa Hindi ka ginagawang part time, at tunay kang inaalala Sa iyong mga magulang na sa kanilay higit kapa sa ginto Sa mga kaibigan **** bukas lagi ang kanilang mga pinto Kaya kailan ka pa ba hihinto Tigilan ang pagpapakatanga at magpakatino
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 6:27 AM UTC
Part-time Gilfriend/ full-time TANGA
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan

Continue reading...
50
Kasabay ng patak ng ulan Ang luha kong umaagos nang marahan Damdamin ay nasasaktan Panibugho kong di tumahan Bakit ako'y pinagpalit Palagi naman sa iyo ay mabait Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman Pagmamahal na iyong pinabayaan Ikaw ang aking pinipintuho Kahit sasalungatin ng bagyo Di ako mapapadaig Delubyo man ang maging dulot nito Ang putik sa mga paa kong dumidikit Ay parang pumipigil sa paghakbang Kahit mabubuwal sa daan Patuloy pa rin sa paglakad Sa tuwing iniisip ka Nalulungkot ako't humihikbi Ang pait ng dagat At ang alon ay sampal sa pisngi sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit Habang sa silong nag-iisa Nalulumbay ako nang inaalala ka Ipikit ko man ang mga mata Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan Sapagkat maaliwalas gaya ng batis Ang kagandahan mo na nagniningas Kaya pagkatapos ng ulan Sa silong ako'y pabayaan Iniwan mo sa akin ang awitin ng damdamin kong umiibig
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:46 PM UTC
Kasabay ng Patak ng Ulan
Para akong nag babasa ng libro Na hindi ko binasa at inintindi ang pamagat, Nakaka engganyo, nakaka aliw, at nakaka gaan. Napaka raming pahina, Napapa bilis ang pag basa, napapabilis ang panahon At isang pala isipan. Ginugugol ang oras para sa isang libro Pilit inaalala at iniintindi bawat salita Ngunit napaka rami. Napaka raming pala isipan sa bawat letra, Letrang magsisilbing gabay, Gabay para maniwala sa araw araw na pag basa. Pag basa na hindi mo alam, Hindi mo alam kung matatapos, Matatapos ang pag basa hanggang dulo. Na sa dulo, ay baka, Baka sa dulo, doon mo maintindihan Maintindihan, kung ano ang sinasabi ng libro. Librong pinaka iingatan, Pinaka iingatan bawat pahina, Pahina na binubuhay ng araw araw na pag hinga. Hihinga o hihinga? Di ka pwede mamili, Maaaring ituloy ang pag basa para mas makahinga ng malalim. Malalim na malalim, Kasing lalim ng nararamdaman, Nararamdaman kada pag bigkas sa letra. Letrang I, Sa letrang Ikaw, Ikaw ang libro at pahina na bumubuo sa araw ko. Ang I na sa ingles na nag sasabing Mahal kita Ang I na nag sasabing "Iniibig kita!" Itong mga letrang to ang gabay, Gabay sa librong napaka raming pahina Ngunit hindi pa rin maintindihan. Hindi ko pa rin maintindihan Hindi maintindihan kung sa dulo ba ng pahina na ang I, Ay "IWAN" Hindi ko alam sa bawat pag lipat, Pag lipat na hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin, Napaka raming pahina, na sana Pahina, na sana Sana dalhin ako pabalik at papunta sa isang letra, At iyon ay ang papunta Sa' iyo, ang Ikaw na aking libro.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 3:02 PM UTC
Libro

46
Hanggat maari ayaw ko pa sanang Iligpit ang mga pinggan at ilang kubyertos Na ginamit natin, ang damit **** Nakasampay sa ulunan ng higaan natin, Ang mga basyo ng lotion, shampoo, at Pabango na naiwan mo, lahat sila itinabi Ko, kasama ang damdamin kong binuo Mo sa maikling panahon na naglagi ka, Dito kung saan iniwan mo ako. Dumating na naman ang summer, at Heto ako, inaalala ang plinano nating Forever. Ang alon sa dalampisagan, Ang mga piraso ng batong inipon mo't Sinilid sa sisidlan ng tarheta, hanggang Ngayon binibilang-bilang ko pa, tila mga Patak Ng luha na hindi na titila. Ang dalawang Pirasong damit mo, ayun, nakasabit pa, Sa dingding na naging saksi sa mga Sandaling hiniram natin sa tag-araw. Dumating na naman ang summer, at Heto, ang dalampasigan, pinagmamasdan Ko, nagsasabing may forever...
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 9:05 AM UTC
WALANG FOREVER
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba. Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya. Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita. Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang nangingilid sa iyong mga mata. Hindi ko na kaya! Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot. Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot. Tama na! Tama na! Tama na! Tahan na aking sinta. Ako sana’y unawain. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka. At iyong nasungkit ang matamis kong oo. Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis. Heto ako ngayo’t litong-lito. Sana’y hindi nagmadali. Sana’y natutong maghintay. Sana’y walang taong nadamay. Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama, Ngayon ko lang napagsama-sama. Ang mga himutok ng aking saloobin. Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok. Sana’y walang inaalala. Sana’y hindi kinokonsensya. Sa tingin ko ay ito ang tama, Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay. Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan. Aking irog, ako man di’y nahihirapan. Ang higpit ng iyong pagkakahawak, Siyang sumasakal sa akin tuwina. Iiwanan kita dahil ayoko na. Oo! Ayoko na! Tatapatin kita aking sinta, Hindi ko na kaya! Hindi na ako masaya. Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala. Nawawala sa sarili. Nawawala sa landas na aking dapat tahakin. Sadyang kay mura pa ng aking edad Upang sumuong sa ganitong realidad. Nadala lang marahil ng matinding emosyon. Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto, Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan. Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon. Hindi para sa iyo ngunit para sa akin. Aking kaibigan ako sana’y patawarin. Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin. Ang hirap! Napakahirap! Sa dalawang taong ating pinagsamahan, Hindi kita malilimutan. Aking pagsusumamo na sana’y Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan. At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan. Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na. Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay. At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya. Sinta alam kong ito’y sadyang masakit. At sa pagtatapos nitong aking talata. Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan. Sinta, ako sana’y palayain mo na. Iniwan kita hindi dahil ayoko na. Iniwan kita dahil mahal kita. Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong matatamasa sa piling ng iba.
0
Jul 25, 2017
Jul 25, 2017 at 10:26 PM UTC
Paalam

67
Ulan I Kasabay ng pagkulimlim ng langit Ay ang damdaming punong puno ng sakit Walang ibang gagawin kundi ang pumikit Huminga ng malalim at ngumiti ng pilit. II Bawat paghikbing aking nagagawa Malakas pa sa ulan ang pagbuhos ng mga luha Tinatanong sa sarili kung may pakialam pa ba? O sadyang hindi mo na ako inaalala. III. Sa bawat pagbuhos ng malakas na ulan Kasabay ng luhang di alam kung paano punasan O paano ayusin ang damdaming nasaktan, Hindi alam kung paano, hindi ko talaga alam. IV Alam kong katulad ng ulan, sakit na ito'y maiibsan Ngunit may mga namamagang mata itong iiwanan Dahil kahit na ang ulan na tuluyan nang lumisan Makikita ang bakas, bahang naiwan ng ulan.
0
Jan 5, 2018
Jan 5, 2018 at 10:58 PM UTC
Ulan
111422 Namumuo ang pawis sa kanyang kamao Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo. At dali-dali nyang sinarhan ang silid Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan, “Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,” Aniya sa kabilang linya. Kinuha niya ang lapis Buhat sa luma nyang aparador — Puno ng alikabok Na kahit ilang pagpag na’y Hindi naririndi sa pagbuga Ng umaalingasaw nitong karumihan. Naupo sya’t napapikit na lamang Inaalala ang bawat detalye Ang bawat katagang kanyang narinig Ang bawat imaheng nais nyang takasan. Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod, At nangangalay ang kanyang mga kamay. Habang tumatagas ang pawis nyang Kulay itim sa malagim na gabi. Naghihintay ng sagot Sa mga katanungang saksakan ng ingay Sabayan pa ng sunod-sunod na putok Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon. At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw Sa bintanang walang kurtina’y Nabaling ang kanyang tingin Sa buwang napakaliwanag Tila ba may taglay itong kung anong elemento — “Mahiwaga,” wika nya. Ang mga larawan sa kanyang balintataw Ay unti-unting gumuho At napalitan ng imahe ng buwan . Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito, Akala nya’y ito na ang huling kathang Kanyang maililimbag sa kanyang kwento. Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y Hindi nya maipaliwanag Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang Bigkasin ang mga pangungusap Na hindi nya ninais na sambitin. Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay Sa lapis na guguhit at tutuldok sana Sa kanyang masalimuot na nakaraan. At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan Hindi na buhat sa sarili nyang bintana Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin. Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan — “Sayang, ngayon lang Kita nasilayan… Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
0
Nov 15, 2022
Nov 15, 2022 at 11:11 AM UTC
Buwan ng Lagim

53
Unang pagtingin ay hindi lang paghanga Sa nag-uumpisang ganda ni Dessa Nangingimi pa na ngumiti Kapag maglalakad ay kailangan akayin Diwata sa katauhan ng dalagang-bukid Karaagan na nais iguhit Ipagdasal sa mga patron at santo nang hapit Sana'y makarating ang dinadaing Tanglaw ng bituin sa umaga Nakasisilaw na silab Nang nag-aalinlangan na sa nadarama bakit inaalala pa ang larawan niya Pakawalan ang salarin nang nadakip ng tinatakasang damdamin Aniban sana ng Reyna- Abogado na magdedepensa Kung mangyari na masiil at wala na makapagtataguan ipagtatapat sa hukuman- sa pusong hukom na nagkasala sa pag-iibigan
0
Feb 19, 2019
Feb 19, 2019 at 8:39 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #61
Sa panaginip anaki'y nagliwaliw nakahanap ng pansamantalang aliw Lumikmo sa tumba-tumba Pikit ang mga mata, nag-iisip na kung ano ang mangyayari kapag ang lahat ay umayon Sa madilim na sulok ay inaalala mukha na walang bahid ng hapis ang hagap malaya't may kumpiyansa Wala sa huli ang susuyuin pagkatapos niya Kapag lumagpas na sa kabataang edad ang mga buhok ay mangamuti ang labi'y lumitak buti pa ang pagka-ulyanin ang unang gumanap sapagkat sa hilahil ay hirap Di-pangkaraniwan ang diwa Labas sa katotohanan huminggil ang wika ng isip Tulad ng hari sa luklukan pumapatnugot sa mga kabanata Ito'y kalutasan ng pagpapanibugho Tumataghoy sa loob, luha'y bumabalong Sa init ng dugo sa ugat ng puso, ang buhay nadudugtong Ang imahinasyon na tila sapala - walang limitasyon
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 11:33 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #65
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala, kasabay ng paulit-ulit kong pagluha, mata ko’y pasulyap-sulyap, ikaw ang palaging hinahanap-hanap. tuluyan na akong nalunod, at tuluyan na akong inanod, sa aking bawat pagtingin, bumubugso ang aking damdamin. sa oras ng iyong paglingon, tila naguluhan ako sa sitwasyon, ang lahat ba ng akala ko ay umaayon? mahal mo na ba ako ngayon? sa iyong paglakad, ako’y napatagilid, sa aking mata’y may luhang nangingilid, sapagkat sa iba ka lumapit, at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
0
Oct 1, 2017
Oct 1, 2017 at 2:34 PM UTC
Mata
Inaalala ang araw na tila yata dapat kalimutan at ibaon sa lupa. Inaalala ang araw na akala'y umpisa ng kasiyahan ngunit naging simula at  sanhi ng pag pagkabigo ng pusong hanggang ngayon ka'y hirap buuin. kakalimutan hindi dahil puno ng pait ang araw na iyon, kungdi dahil ikaw mismo ang nag bigay walang silbi sa isang araw na tumibok ulit ang pusong takot magmahal. Kakalimutan ang bawat alaalang magpapaalala sa isamg araw na nagsimula at natapos ang paniniwala ng isang tulad ko sa pagibig.
0
Feb 1, 2018
Feb 1, 2018 at 9:11 AM UTC
Alaala
bawat segundong lumilipas ay iuukit serye ng alaalang nakakaakit lahat ng ito'y iguguhit kahit ang luha na'y napupunit lumalalim ang huwad na panaginip mapaglaro't malilikot na kathang isip eksena't larawang nabuo sa isang idlip pilit inaalala't sinusundan ang ihip binabagtas ang hirayang aguhon walang depinisyon, walang direksyon waring nakatali sa matamis na kahapon pilit kumakawala sa paraang kay hinahon hinahanap ang liwanag sa dilim dilim na kumukubli sa isang lihim sa iyong paglisan, ikalabing-anim nawa'y makita ka sa takipsilim
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 5:12 AM UTC
Untitled
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan, Umaga na naman. Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip. Ang hangin ay umihip-- Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga. Pumipihit na naman ang oras. Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan, Bagay na 'yong kinaiinggitan. Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa. Tapos maliligo ka, Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam. Sana kumukulo rin yung tubig. Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha. Paano pa nila nagagawang ngumiti? Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong, Sa pagkaubos ng oras. Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad. Pagkakataon na naman ng buwan. Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay, At dahan-dahan mo itong tinulak. Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan, Isinara mo ang pintuan. Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili. Bumuhos ang iyong mga luha. Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan-- Ng 'yong pagkatao. Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses, Tumatawag si Mikoy. Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot. Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
0
Aug 2, 2017
Aug 2, 2017 at 5:04 AM UTC
Shirley

30
Nakahiga, tulala na naman sa kisame Tuloy ang daloy ng panahon Ngunit ang mundo ko'y nakatigil Kamay sa mukha, luha'y pinipigil Inaalala ang mga sandaling puno ng kulay Paligid ko'y umaapaw sa tawa't saya, dahil nariyan ka pa Ngayo'y nagpaalam na tayo, ngunit puso ko'y nakakapit pa Libutin man ang sansinukob, ikaw pa rin ang nais makita Kahit anong pagsusumikap na limutin ka Lalong lumalalim ang sugat sa bawat alaala Sa bawat pintig ng puso, hapdi ang nararamdaman Umaasang ang ating landas muli'y magtatagpo
0
May 14, 2024
May 14, 2024 at 10:25 AM UTC
Alas Diyes
Walong letrang nagsisimula Sa isang pahina ng libro Kung saan lahat ng nagawa ay nakasulat Walong letrang sumisimbolo Sa masasakit at masasayang alaalang Iyong ibinigay, Binitawan na parang isang kinusot na papel Sa malawak na dagat na itim Pilit na sumusuko Pilit na umiiwas Ngunit wala nang nagawa Kundi hayaan na lang Pasensya? Pang-ilang beses na bang nabanggit Pang-ilang beses na bang sinambit Katagang ayaw marinig Ng dalawang pandinig, Na pilit inaalala, ang mga katagang Nalalayo sa salitang pasensya Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses na bang kailangang marinig Pasensyang hindi totoo Pasensyang hindi galing sa puso Pasensyang pinilit lang Pwede bang ako naman? Pwede bang ako naman ang hindi makinig? Pwede bang ako naman ang humingi ng pasensya At hingiin na sana'y tapusin na
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:35 PM UTC
Pasensya
Verse 1: Wala sa yong mga mata Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan. Bakit? Yan ang sinasabi ng mga tala, buwan, maging kalangitan na tuwing gabi’y ito ang nakikita sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik sa yakap at halik. Bridge 1: Aking inaasahan na sanay di sabihing mawawaglit ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Verse 2: Kahit may ibang magparamdam Sayo ako, pangako yun magpakailan man. Bakit? Dinig ko sa paligid ko Sayo lang nabuo wasak kong mundo Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama. Sa yakap at halik, sayo ko nabatid na mahal kita. Bridge 2: Aking inaalala Sa panahong ika’y nabubuhay pa ang oras, natirang sandali. Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan. Sa walang hanggan Naniniwala sa walang hanggan Ang oras, at natirang sandali. Naniniwala
0
Jan 20, 2017
Jan 20, 2017 at 11:04 PM UTC
Guhit ( Sa Pagpanaw ) - By Russell Amansec
sulat dito, sulat doon, inaalala ang pait ng kahapon. mga gusot na papel sa ibabaw ng mesa, iniiyak ang bigat ng dibdib sa mga letra. nagpupuno ang mga salitang nagkakagulo, kahit isang mensahe lamang ang nais iparating nito. dudukutin sa isip lahat ng natitirang alaala, hanggang ang lahat ng pag-ibig ko’y mawala na. hindi pansin ang nangangalay na kamay, pinapagod ang damdaming taglay. sulat nang sulat gamit ang tintang paubos, hanggang sa ang hinagpis ng puso'y matapos. sa aking pagsulat ng huling salita, at sa huling pagpatak ng aking tinta, iiwan sa papel lahat ng poot at sakit, kakalas sa plumang mahigpit ang pagkapit.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:43 PM UTC
tintang paubos
Ang bilis lumipas ng oras at panahon Parang kahapon lang kung iisipin Nakaraang buwan iyong kinalimutan Kasalukuyang buwan, muli'y nakalimutan. Nakatutok pa rin ako sa aking telepono Nagbabakasakaling sana maalala mo Espesyal na araw sa ating dalawa Na patuloy **** hindi inaalala.
0
Dec 20, 2020
Dec 20, 2020 at 3:05 AM UTC
PAGLIMOT (FORGETTING)
Tumingin ako sa kalangitan hawak ang aking sigarilyo nakita ang ganda at kinang ng mga bituin habang inaalala ang lahat ng ala-ala na ating pinagsaluhan Ngiti sa aking mukha ay kasing kinang ng bawat bituin sa langit ngunit biglang itong napalitan ng kalungkutan na tila ba natabunan ng ulap ang bawat tala sa kalawakan nang maalala ko na nasa piling ka na nya ngayon ang pangako **** makakasama kita hanggang sa aking huling hininga para bang bula na bigla nalang naglaho at naging isang malaking imahinasyon. Sabi nga nila ang mahalin ka ay magbibigay sa akin ng sobrang pighati ngunit mas nanaisin ko nalang ibigay ang huli kong hininga para sabihing mahal kita. Mahal kita, Subalit paano ko nga ipapadama sayo ang aking pagmamahal kung sinuko mo nalang ako ng basta ang mga yakap nya ang bumabalot sayo ngayon. kaya ito ako ngayon nagiisa sa gabing malamig at madilim tanging unan lamang ang kayakap at kasama unan na puno ng mga luha na dulot ng iyong pagalis sa aking piling pipilitin ko nalang maging masaya habang ikaw ay masaya kapiling sya Salamat sa magagandang ala-ala na iyong naipadama kahit paano Salamat sa lahat at paalam aking iniibig.
0
Oct 19, 2018
Oct 19, 2018 at 8:30 AM UTC
UNAN
magiging malaya tayong muli tulad ng ibon malalampasan ang bawat pagsubok at hamon na ibinato sa atin ng tadhana't panahon magsama-sama tayong kumilos at lumaban buksan ang ating mga puso't isipan upang harapin lahat ng unos na daraan ipaglaban ang nararapat at ang ating karapatan magsagawa ng rebolusyon para sa susunod na henerasyon hindi na nila mararamdaman at mararanasan ang paghihirap dulot ng mga naghahari-hariang inaalala lang ang kanilang kapangyarihan at reputasyon.
0
Aug 18, 2019
Aug 18, 2019 at 9:52 AM UTC
Isulong ang Laban
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos, sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos. ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!” sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil. naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito, ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo. paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw, nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw. nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan, naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang. ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao, dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo. bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko, paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso. umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin— na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
paghahanap sa gitna ng lahat
sabi ko sa sarili ko ayoko na talaga sa bisyo ngunit heto nanaman ako nagsusunog ng baga ko eh ano naman magagawa ko wala ka na sa piling ko inaalala ang mga pangako ko na napako umabot na sa huling buga ko ng usok mula sa sigarilyo itinapon ko na ang hawak ko at nagsindi muli ng bago sana ganon nalang kadali ang makalimot at pagpalit ng taong mahal mo dudukot sa kaha at sisindi ng isa ang hirap din kasi ng ganito laging mapagisa pero hindi hindi ko kayang limutin ka kahit ilang yosi ang ubusin kahit ilang kaha ang bilhin ganun pa din sayo parin ako dadalhin ng mga usok na ibubuga ko sa hangin -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:40 AM UTC
sigarilyou