Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
64 Ngayon ay para sa dalaga
May dalawang pagsubok ang nakahanda

65 Una ay magtungo sa Silangan
Kay lalaki na tahanan

66 Upang doon gawin
Ang pagsubok na hinain

67 Iyon ay ang ipagluto si lalaki
Ng pagkain na marami

68 Maging mga magulang ng binata
Nasarapan sa mga niluto niya

69 Ang ikalawa naman ay ipaglaba
Ng damit ang sinisinta

70 Kaydali niya itong natapos
May linis at bangong tumatagos.

-07/11/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 167
1 Ang saranggola ng diwata
Parang ibon sa mga mata

2 Animo’y walang pisi
Malayang lumipad ganiri

3 Katawan ay talulot
Pakpak ay buntot

4 Subalit sa malayong paningin
Ay parang ibon parin

5 Paika-ika kung tumawid
Sa mga ulap ng himpapawid

6 Maya-maya’y tagibang
Sa pagsulong nakaabang

7 Sa kisap-mata’y sasalibad
Gayunpama’y sa lupa’y antad.

-07/07/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 156
22 Isang araw na itinadhana
Nagtagpo si Ihib at si Pina

23 Nang sila’y pumaroon
Sa dalisdis ng bundok na iyon

24 Ang binata’y sa silangan
Ang dalaga’y sa kanluran

25 Inihanda ng lalaki ang bato
Inihasa ng babae ang palaso

26 Sabay nilang pinalipad
Sa inakalang ibong napadpad

27 At pagbulusok ng saranggola
Sa kinabagsakan nito’y dali-dali sila

28 Iyon ang unang pagkikita
Nina Ihib at Pina.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 160
50 Sa mga sandaling iyon
Diwata ng hangin pumaroon

51 Upang saklolohan
Ang ginugulong magkasintahan

52 Kapangyarihan ng hangin itinaboy
Ang higanteng mukhang baboy

53 Na siyang nagpagulung-gulong
Pababa hanggang ‘di na dumaluhong

54 Oh anong ginhawa
Nang halimaw mapuksa na

55 At sa pag-ihip ng hangin kay Pina
Nawala narin mga pantal niya

56 Wagas na pasasalamat
Ang kay Amihan ipinantapat.

-07/10/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 164
57 Ngayong nalampasan na ang mga kaaway
Susubukin kung pag-ibig gaano katibay

58 Una ay sa binata
May pagsubok na nakahanda

59 Kailangan niyang awitan
Ng madamdamin ang kasintahan

60 Siya’y nagdala ng plawta
Pinatugtog ng mga bibig niya

61 Ang ikalawa naman
Ay kargahin si Pina ng matagalan

62 Umabot sa sampung oras
Diwata ay nagilalas

63 Sa gayong mga paraan
Nakuna na niya ang kasintahan.

-07/11/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 166
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na
Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa

72 Sinang-ayunan naman iyon
Ng magkabilang nayon

73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan
Mga paniki naman sa kanluran

74 Isang kasalan na kakaiba
Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga

75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin
Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din

76 Malaking piging mula magkaibang sulok
Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok

77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila
Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa.

-07/12/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 168
43 Samantalang si Pina
Nakatali narin pala

44 Sa isang binata na malaki
May lahing halimaw kasi

45 Iyon ay lingid sa kaalaman
Ng dalagang kasintahan

46 Kaya isang araw nang mapagtanto
Ng binata ang itinatago

47 Na lihim ni Pina
Tungkol sa ka-irog niya

48 Nagwala ang halimaw
Kay Ihib bumulahaw

49 Agad itong sumugod
Nang pagtatagpo’y napanood.

-07/10/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 163
36 Subalit ang binata
Ikakasal na pala

37 Sa babaeng taga-Silangan
Lugar na kanyang tinitirahan

38 Ang hindi lang niya alam
Dalaga’y isang mangkukulam

39 Kaya isang araw nang malaman
Na sa iba ang puso nakalaan

40 Hinanap ang karibal na babae
At kinulam ire

41 Katakut-takot na mga pantal
Ang kay Pina bumalabal

42 Mahal parin siya ni Ihib gayunpaman
Maging anuman ang kaanyuan.

-07/07/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 162
15 Ang dalagang si Pina
Maliksi’t abenturosa

16 Mahilig magtungo
Sa bundok pinakaulo

17 Tanging pana ang tangan
Mga palaso kasamahan

18 Sa ibon iduduro
Makabasag-bungo

19 Dali-daling sasaluhin
Ang ibong kukunin

20 Kaytibay na goma
Nakakapit sa narra

21 Ang pana ni Pina ay iyon
Dala niya saanman pumaroon.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 159
8 Ang binatang si Ihib
Na matibay ang dibdib

9 Laging umaakyat ng bundok
Ilang beses na sa tuktok

10 Tirador ay bitbit
Kasama ng mga batang malupit

11 Na sa ibon iaasinta
Upang madakip sa tuwina

12 Mga bato’y umiimbulog
Sa ibong ihuhulog

13 Sa sanga ng bayabas
Higpit ang gomang pang-utas

14 Kasamang matimtiman
Magtungo saanman.

-07/07/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 157
29 Sa pook kung saan sila unang nagkita
Pag-ibig ang nadama sa isa’t isa

30 Sa araw na iyon parang ayaw mawalay
Mangyari man ay malulumbay

31 Oh anong saya ang nasa puso
Kagalakan sa damdamin ay puno

32 Nag-uumapaw na kaligayahan
Hindi maipaliwanang ninuman

33 Makikita sa mga mata
Ang taos-pusong pagsinta

34 Nang magkadaupang-palad
Animo’y ayaw nang umigtad

35 Mga hibla ng pagsinta’y saginsin
Ang muli pang magkita’y kanilang hangarin.

-07/09/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 161

— The End —