"ibinigay" poems
Anak:
"Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla,
Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala
Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid
At ang saknong ng pag-ibig Mo'y,
Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."*
Ama:
"Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong
Unawain ang kahulugan ng kamusmusan.
Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't
Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't
Mga pangarap na laan sayo.
Bumangon ka, Anak
Ako ang Siyang sasagwan
Ako ang aabot sayo."
Anak:
"Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay;
Mga saknong at tugma na sarikulay,
Mga katagang baun-baon ko
Sa malayu-layong paglalakbay."
Ama:
"Pagal ka ma'y,
Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa,
Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko
Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan.
Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa
At huling tapon ng luha,
Hanggang sa huling liwanag
Ng itutulos **** kandila,
Hanggang sa huling pagpagpag mo
Ng sar't saring pangungulila,
Patuloy Kitang mamahalin,
Anuman ang mangyari."
Anak:
"Singbigat ng katotohanan
At ng pangarap na mala-kalawakan,
Ito ang huling handog ng makata **** anak:
Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal
At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala --
Ikaw ang dinadakila.
Ama, ako'y malaya
Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos
Ikaw ang tagumpay;
Gisingin Mo ang diwa
Ang bugso at alab ng damdaming hilaw
Ikaw ang masundan
Nang maihain nang patas
Ang pag-ibig **** umaapaw."
#041215
Apr 23, 2015
Apr 23, 2015 at 8:07 AM UTC
hindi mo yata napansin
dahil ang bilis,
ang bilis ng pagtibok ng puso ko
ang bilis ng mga dumarating na alaala
na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo
ang bilis,
ang bilis lang ng mahabang panahon
na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko
sa iyo
na kung saan wala na akong natira
para sa sarili ko
hindi ko inakala na parang kahapon lang
pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan
pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag ako pakawalan
ang bilis.
pero ang bagal
ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan
ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na
iniwan mo
sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang
ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko
kakalimutan ang araw na iyon.
sana sa susunod
magpapaalam ka muna bago
mo bigyan ng ulap
ang takipsilim
na sa iilang oras na lang
ay mag gagabi na.
sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang
pagiisip sa mga bagay na to,
dahil alam ko naman
ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin.
Sobrang daya mo naman
dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin.
lahat ng drama mo,
lahat ng kalokohan mo
lahat ng nagmamahal sayo
lahat ng gusto mo
lahat yun alam ko.
hindi ko naman pwede ipagmayabang yun
wala lang din
dahil ang pwede malaman ng lahat
iniwan mo na ako.
wag na natin patagalin pa
dahil alam na nila
alam mo na
alam ko na rin sa sarili ko.
wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na
ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam
at sana marinig mo rin ang akin.
paalam na sa munting
pahayag na isinulat natin
noong tayo pa ay masaya,
madami akong natutunan
sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan,
biglaan na muli nating
bingyan ng magandang pag
salubong ang pagwawakas na
kung anong mayroon tayo dahil
gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit
naiwan ko ang lapis na kung
saan nandoon pa sa iyong tabi
paalam na sa mga umaga na sa pag gising
ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha
na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw
bago pa tayo magpaalam sa isat isa.
paalam na rin sa saya
na tayong dalawa lang ang nakaka alam
paalam na.
ang bilis lang diba?
sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko
ay ganoon rin kabilis sa'yo.
paalam.
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:45 AM UTC
Parang kailan lang tayo'y nagkasama.
Puno ng ngiti at maliligayang sandali.
Madalas tayong magkausap,
Chat sa gabi, text sa umaga.
Magdamagang pag-uusap sa skype
hanggang sa sumikat ulit ang araw.
Kinaumagahan, nagtatanungan ng
"May lakad ka ba?"
"Gusto **** sumama?"
"Tara, saan?"
"Kahit saan, basta kasama ka."
Minsan gusto kong tumigil ang pagtakbo ng oras
tuwing magkausap at magkasama tayo,
ang bilis kasi, kasing bilis
ng pagtibok ng puso ko tuwing
tinititigan mo ako sa mata.
Di mo namamalayan ang pagtakbo
ng oras 'pag masaya ka.
Kasing bilis rin ng pagtakbo ng oras
pagbabago ng atensyon na ibinigay mo.
Ewan ko na lang ngayon,
kung bakit kadalasan
iniiwan mo na lang ko ng basta-basta.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang.
Kung pwede pa nga lang makasama
kita sa lahat ng oras, ginawa ko na.
Pero hindi rin pwede
kasi may kanya-kanya tayong buhay.
Siguro minahal kita ng sobra-sobra
kaya hindi ko nakita
ang mgapagkukulang at pagkakamali ko.
O kaya ay laro lang sa iyo ang lahat.
Para kasing pinakilig mo lang ako saglit
tapos iniwan mo ako kung kailan mahal na kita.
Iniwan mo ako ng wala man lang sinabing dahilan.
Nov 11, 2014
Nov 11, 2014 at 4:11 PM UTC
“Binibini”
Para sakanya na nalubhasa
Sa pagibig sakanya ay nilathala
Tila awit at tula na isinulat sa prosa
Nais ng binibini ibahagi sinta
Ngunit mas nabighani ka sa babaeng dinaan sa ganda
Hindi sa pagibig na kaniyang isinulat pa sa pamamagitan ng kanta at tula
Para sa binibining sinugatan ng patalim
Hayaan **** humilom ang sakit at pighati
Mahalin mo ang sarili at hayaang tahiin ang sugat na malalim kahit na mahapdi
Para sa binibini’
Patawarin mo na ang sarili
Sa nakaraang tinatakbuhan mo lagi
Para sa binibining napaka ganda ng ngiti
Hayaan **** yakapin ka ng ginoong binigay sayo ang tala at langit
At ang halaga na sayo ipinagkait
Ang tunay na ginoo ay darating
Katulad ng sinta ni maria clara’y makakamit
Hayaan mo na sila at pusoy patahanin
Isara ang mga mata sa mga taong
Hindi kayang manindigan sakanilang salitang tila isang papel na punit punit
Binibini ikaw nay magpahinga
Hayaan **** maramdaman ang pagiging prinsesa
Dahil hindi ka sundalo upang ipag laban
Ang isang duwag na ginoo
Na nag tatago pa sa saya ng kanyang ina
Magpatuloy ka sa kanta at tula
May isang nag bubukod tanging ginoo ang sisilip sayong halaga
Makakakita at dinig sa ritmo ng kantang tinutugtog at inaawit ng may magandang himig at tugma
At siya ang mag sisilbing gamot
Sa mahapding sugat na dulot ng maling pag ibig na ibinigay ng ginoong hanggang salita
Ginoo ni maria clara , ikaw sanay bumalik.
Nakalimutan ka na ng kabataan ginagalawan
Ng hinirasiyong mapang akit
Ang mga maria clara ngayon
Ay umiiyak dahil sa paglisan ng ginoong
Tunay , at siyang nag iisang nagpaka lalaki sa mundong puno ng batang pag iisip.
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 12:43 AM UTC
Minsang ibinigay sa atin ang pagkakataong
Unawain ang kahulugan ng kamusmusan.
Sa lupaing ugat ng ating kakuluwa at
Kanlungan ng mga pangako at pangarap
Sabay nating kinatha ang tula ng ating buhay;
Mga saknong at tugma na sarikulay, mga katagang
Baon natin sa malayu-layong paglalakbay.
Pagal nga tayong nanahan sa puso ng bawat isa,
Di man tiyak ang katiyakan, natitiyak natin
Na ang pag-ibig, kailanman di tayo iiwan.
Mahal ko, hanggang sa huling tapon ng lupa
At huling tapon ng luha, hanggang sa huling
Liwanag ng itutulos **** kandila, hanggang
Sa huling pagpagpag mo ng pangungulila,
Patuloy kitang mamahalin, anuman ang mangyari,
Anuman ang mangyari.
Singbigat ng katotohanan at pangarap na kalawakan,
Ito ang huling handog ng makata **** kababata:
Ang mabatid kong ikaw ay mabuhay na eternal at
Malaya.
Sep 16, 2013
Sep 16, 2013 at 3:08 AM UTC
And in the end, the love you take is the love you make.
-The Beatles
Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan.
Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian.
Masarap lamang itong pakinggan.
Noong inibig mo ako,
Hindi. Mas tamang sabihin na
noong naisip **** iniibig mo na ako,
Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo.
Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko.
Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo.
Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo.
Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo,
Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang,
Naramdaman ko.
Pinaramdam mo silang lahat sa akin.
Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo.
Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom,
Manggaling sa kanya mismo.
Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya.
Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga.
Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa
Na maisip **** sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.
May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam,
Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman,
Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo.
Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo.
Oo.
Ako.
Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo.
Iyong-iyo lang ako.
May mga pagkakataon na gusto kong isipin
Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin.
Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman.
Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling.
At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang.
Dahil sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.
Pero hindi.
Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago.
Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo.
Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati
Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino.
Pero hindi.
Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit.
Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan."
Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha,
Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na,
Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya,
Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata.
At unti-unti kang nabulag.
At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na.
Lumipad at nawala.
Hindi bulag ang pag-ibig.
Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara.
Wala kang natutunan sa nakaraan.
Hindi ka nga nasasaktan.
Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
Jun 9, 2016
Jun 9, 2016 at 1:58 AM UTC
Nakapag sulat na ako ng maraming tula,
Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala,
Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin,
Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin.
Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay,
Buong buhay niya ang kanyang ibinigay,
Mga panahong ako’y nagpapakasaya,
Habang siya’y nasa bahay nag-aalala.
Ang oras at panahon ay napupunta sa iba,
Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya,
Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis,
Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis.
Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela,
Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta,
May mga oras na hindi nagkakaintindihan,
Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan.
Mahal kong ina gusto ko iyong madama,
Ang tulang ito ang magsisilbing paalala,
Madami mang problema at tampuhan,
Sa huli ikaw parin ang mahal kong ilaw ng tahanan
May 14, 2017
May 14, 2017 at 12:31 AM UTC
Ang sabi sakin ni Mama, *"Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi."* Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit).
**Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan.
Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.**
Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa."
Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali.
Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa.
Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit.
Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 3:25 AM UTC
*Bente kwatro oras ang kilos
Mga gawain na tila' di natatapos
Pagtitimpi na hindi nauubos
Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos?
Hindi ka ba napapagod?
Araw-araw kang kumakayod
Walang day off, walang bonus, walang sahod.
Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod?
Tinanggap mo ang pagiging ina
Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala.
Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa,
Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala.
Tinanggap mo ang pagiging kahalili
Inalay sa'yong asawa ang buong sarili
Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi
Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi.
Hindi sapat ang salamat
Sa mga kalyo sa'yong palad
Sa hindi maindang sakit sa balikat
Kahit kailan wala kang sinumbat
Alam ko hindi sapat ang aking salamat
At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita
Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat
Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.*
May 13, 2015
May 13, 2015 at 4:08 AM UTC
Noong ako'y nasa elementarya,
Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga.
Hindi ko maintindihan
Kung ano nga ba ang kahulugan.
Marahil hindi ko pa nararanasan
Ang umibig at ibigin ng lubusan
Ngunit mayroong dalawang tao
Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.
Maganda at payapa
Ganiyan ilarawan ng dalaga
Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata
Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.
Wala pa sa isipan ng dalaga
Ang pag-aasawa
Hanggang sa dumating ang binata
Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa
Hindi niya alam ang kaniyang motibo
Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo
Basta't ang alam niya siya ay masaya
Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.
Ang babae ay nalinlang
Sa mukha ng isang lalakeng nilalang
Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita
Ang lalake ay labis na natutuwa
Nagtagumpay ang plano
Sa likod ng kaniyang mukhang maamo
Dala nito'y tukso
Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.
Kaniyang ibinigay ang lahat
Pati ang mga bagay na hindi dapat
Hindi inisip ang bukas
Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas
Sa tagal ng kanilang pinagsamahan
Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan
Nagdaan ang mga araw
Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.
Umalis na ng tuluyan
Mag-isa na lamang siyang nagduduyan.
Ang nasa kaniyang isipan,
Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.
Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina
Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama
Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban
Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.
Ako ang naging bunga
Ng kanilang pagsasama
Sa katunayan
Ako ay bunga ng kasalanan.
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:01 AM UTC
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?
sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.
kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti
ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.
kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.
ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon
sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo
kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?
ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?
kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?
kailan ba nabuhay ang isang eskribo?
sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.
mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya
nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 4:20 AM UTC
Mahilig akong manood ng pelikula
Sisiyasatin ko ang bawat balangkas
Panonoorin mula sa simula
Papunta sa kasukdulan ng kwento
Hanggang sa katapusan ng kwento
Isa sa paborito kong kategorya nito
Ay ang pag-ibig
Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema
Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin
Magsisimula sa pagpapakilala
Sa “ako nga pala si..”
“At ako naman si..”
Sabay ngiti na tila titigil ang mundo
Bibilis ang pintig ng puso
At mapupuno ang tiyan
na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo
At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo
Napakatamis ng mga simula
Ang mga panahong ang mga mata
Ang nagsisilbing daluyan
Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok
ng puso niyong dalawa
Ang mga panahong ang mga kamay
Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay
Kikiligin ka sa simula
Magpapatuloy sa kasukdulan
Magpapatuloy
Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?”
Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo”
Sa “Saan ba ako nagkamali?”
Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago
Ang dating matamis ay naging mapait
At tila isang kape na dating kumukulo sa init
Ay nanlamig bigla
Sa di inaasahang panahon
At sa katapusan ay makikita mo ang dulo
Ang pagpapaalam
Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo”
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan
Ay naabot niyo pa rin ang dulo
At kahit na masakit ay tatanggapin mo
Dahil ang katotohanan ay
Ang pag-ibig ay nagwawakas
Mahilig ako sa mga kwento
Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko
Ang simula, kasukdulan at pagtatapos
Ang paborito kong istorya
Ay ang pag-ibig
Pag-ibig
Na nagsimula sa pagpapakilala
Sa pagtanggap ng katotohanan
na hindi ko kakayanin mag-isa
Sa pagsambit na ikaw lamang
ang kayang magligtas
sa kaluluwa kong ligaw
Hindi man puno ng tamis
Pero puno nmn ng tunay na pagsinta
Ng totoong nagmamahal
Ang mga mata niyang magbabantay saakin
Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib
Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti
pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit
Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay
At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas
Pag-ibig
Na ang kasukdulan ay
Naganap sa krus
Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal;
Sakripisyo
Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y
Ibinigay mo ang lahat
Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo
Sa kasabikan na mahanap ang dulo
Kasama ang mundo
pero nagkamali ako
Ang mundo ay iiwan kang lagalak
Sa kalsada
Humahanap ng titirhan
Humihingi ng makakain
At nanlilimos ng ng salapi
Pero ikaw ang pumulot saakin
Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo
Iniangat mo ako sa kahirapan ko
Kahit na tila kapeng nanlamig ako
Ay hindi mo isinantabi
Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig
Na hindi kayang ibigay ng kahit sino
At tulad ng mga pelkulang paborito ko
Hilig kong sinusubaybayan ang kwento
Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon.
At magtatapos ito sa…
Mali.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 1:18 PM UTC
Guni-guning nababalot ng hiwaga
sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo,
di maipaliwanag ang mga
nakaukit na ala-alang
Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay
tamis pa sa mga chokolateng
paborito ****
kainin tuwing ika'y nalulungkot.
Sa mga araw na nagdaan.
Sa maghapong nakaabang pa
sa pag-iintayan sa jeep
Oo parati namang naghihintay
ang puso ko sa'yo.
Di ba?
Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo
Kung may patutunguhan
pa ba na maging tayo?
O Isa na lamang ba itong
guni-guni sa aking isip.
Alam kong paasa ako. Oo paasa ako.
Asang-asa ako sa'yo na parang tanga.
Oo inaamin ko Tanga ako!
tanga ako!
tanga na kung tanga.
Pasan ko na naman lahat.
Di ba?
Nagdurugong,
Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo?
O mas madali pa bang patayin na lang
ang mga pusong minsa'y nasugatan na
sa hindi makatulog na gabi.
Sa mga namamagang mata sa kaiiyak
Sa kakaisip kung mahal mo ako o
kung minahal mo ba talaga ako?
O may iba na bang
nagmamay-ari ng iyong puso?
Guni-guni, ako'y litong-lito
dahil parati ****
ginugulo ang araw-araw ko
Halos mabaliw na nga ako
sa kakaisip sa'yo eh
Hindi nga ba't heto ako,
baliw na baliw sa'yo.
Di ba?
Na baka sakaling mag milagro
ang kapalaran
Na baka balang araw
baka balang araw ay
kaya mo rin akong mahalin
gaya ng pagmamahal ko
sa'yo higit pa sa buhay ko.
Higit pa sa mga luhang ibinigay ko
Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon.
Oo guni-guni
parati ka namang nandyan di ba?
bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit.
Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal
Sawang-sawa na ako sa'yo.
Pero ang tanong.
Hindi ka ba napapagod?
sana'y tirhan mo rin ako kahit konti.
Ayoko na,
tama na.
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 6:05 AM UTC
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?
Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,
Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,
Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt.
Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,
Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
Ako si Juan
Para kanino ba ang pangalang yan?
Para sa taong may pinag-aralan?
Para sa taong may pinaghirapan?
O para rin sa mga taong nahihirapan?
Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko.
Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko.
Ang maging di kanais-kais sa paningin
At mas lalong di maging kapansin-pansin.
Ako Si Juan
Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao?
Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko.
Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito?
Dahil ba marumi ang damit ko?
Dahil ba nangangamoy araw ako?
Dahil ba wala akong napagaralan?
O dahil di na ako katangap-tangap?
Ako si Juan
Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap
Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako.
Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy
At higit sa lahat
Di ko piniling mawala ang lahat.
Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan.
At hindi ko pinili ang maging mahiral.
Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin.
Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin.
Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin.
Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin.
Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok
Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok
Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog
At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon.
Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan
Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman
Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan
Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan
Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan?
Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako
Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako.
Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid.
Pero ito ang tandaan ninyo,
Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan
Ako si Juan
Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian
Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan
Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya
Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan.
At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan
Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 11:10 PM UTC
Alam mo, ayoko na
Gusto ko nang huminto sa pagpapaka-tanga
Ayoko na matulala at sabay maiisip ka
Kasi alam ko na matagal bago ako muling makabalik sa aking diwa
Pwede ba manahimik ka?
Ang ingay mo lalo na kapag ako’y matutulog na
Bastos at biglaang papasok sa aking isipan
Na para bang isipan ko’y iyong kaharian
Hindi ka ba napapagod?
Sa kalalaro ng aking pusong lasug-lasog na sa iyong kapapaikot
Tuwang-tuwa ka pa at humahalaklak kapag ako’y iyong nabibiro
Pag sasabihin **** “last na”, pero sinungaling ka
Edi sa’yo na!
Sa’yo na ang kaligayahan at kalungkutan ko
Sa’yo na ang pangarap at kabiguan ko
Sa’yo na ang lahat ng ako, sa’yo na ang pusong laruan mo
O, ano? Ba’t tumigil ka?
Bakit ka biglaang lumayo kung kailan ibinigay ko na?
Akala ko ba sa akin ay nasisiyahan ka?
Akala ko ba sa akin masaya ka na?
Ah, ngayon gets ko na!
Gets ko na na mabilis ka pala magsawa
Pagkatapos ng isa, maghahanap ka ng iba
Pagkatapos **** manungkit, magtatapon rin pala
Ayan ka na naman at umaarangkada
Parang isang sports car na rumaratsada
Patungo sa mga babaeng iba’t iba ang klase
Iba’t iba ang ganda
Kaawa-awang kababaihan
Kasalanan ba nila na natipuhan mo sila
Bakit kung parusahan mo ng iyong matatamis na pekeng salita
Ay parang mga batang niloloko ng isang salamangkerong desperado kumita
Sana matauhan ka…
Minahal kitang tunay ngunit sayo’y lokohan lang pala
Sana sa paglipas ng panahon, makatagpo ka
Ng isang babaeng paluluhurin ka habang nagmamakaawang patawarin ka niya.
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 8:15 AM UTC
Ang buhay nga naman,
Puno ng lungkot at kaligayahan,
Subalit wala tayong magagawa,
Tiisin nalang kung ano ang mapapala.
Diyos ko, ako'y tulungan nyo,
Sa aking landas na tinutungo,
Landas na puno ng sagabal,
Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal.
Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi,
Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti,
Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan,
Dahil sa damdamin kong nanlalaban.
Minsan di ko maiwasan,
Na masabi ang tunay na nilalaman,
Ng puso at di ng isipan,
Kaya minsan, ginagawang katatwanan.
Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito,
Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro,
Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan,
Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan.
Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan,
Ang minsang inisip matapos magtawanan,
Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga,
Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga.
Ang binansagan nating pinakamagandang biro,
Ang sa mga luha ko'y nagpatulo,
Tumulo dahil sa kakatawa,
Tawang may kasunod na pagdurusa.
Pagdrusa dahil masakit,
Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit?
Ngunit masasabi ito'y panandalian,
Dahil pagkatapos nitoy masasaktan,
Para bang ang gusto ko'y ibinigay,
Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay,
Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad,
Ako na mismo ang unang naglahad.
Subalit nakakatawa naman talaga,
Sabihan ba naman kita ng "mahal kita",
Tono palang kalokohan na,
Masasai **** baligho ang ideya.
Aminado akong iyo'y kabilaghuan,
Ngunit wala na akong magagawa dyan,
Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan,
Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Mundo'y kayganda,
Puno ng hiwaga,
Ng pasimulang likhain
ng AMANG DAKILA!!!
Ngayon ay saksihan,
Ganda ng sanlibutan
Di malirip na kagandahan at kayamanan,
Na ibinigay sa atin ang karapatan.
AMA NA DAKILA!
Lahat kami ay pinag-pala,
Sa aming kasalanan
Ay nagpatawad ka!
Nagbigay pag-asa
sa kaluluwang dukha!
Dukha sa Liwanag
ng Iyong Ganda!!
AMA NA DAKILA!
kami ay Iyong pinag-pala,
Binigyan ng pag-asa, sa
Di malirip na pagkakasala!!!
Sa ngalan ni JESUS NA IDINAKILA
Dahil sa pagsunod sa AMANG DAKILA!
Hindi nag-alinlangan
Hanggang katapusan,
AMA sana'y bigyan kami
Ng pusong masunurin
Pag-iisip na puno ng dunong
Mula sa Iyong katwiran na puno ng katotohanan,
JESUS na aming PANGINOON,
Bahala kana po sa amin,
na LIWANAG sa amin ng DIYOS!!!
Kami ay Iyong dalhin,
Upang AMA ay aming KAMTIN
Hanggang sa katapusan ng aming Lakarin,!
Aug 19, 2014
Aug 19, 2014 at 12:37 AM UTC
Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon
Nais kang hilahin mula sa kahapon
Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na
Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita?
Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin?
Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin.
Bakit mo ako hinila at niyakap?
Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap?
Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas
Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas
Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat
Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad
Paano ko ba sasabihing paalam na?
At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa...
Hayaan mo na akong umusad, mag-isa
At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa...
Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit
Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit
Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya
Dahil ang totoo, mahal pa rin kita
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:59 AM UTC
Takot ako.
Takot akong muling umibig
Takot sa salitang mahal kita
Takot sa pagasang “tayo”
Dahil nangingibabaw parin
Ang mga damdaming para sa kanya
Tanong sa sariling
“Magmamahal ba ako ng iba?”
Takot makasakit sapagkat alam kong
Ikaw pa rin ang mahal ko
Takot magmahal ng iba
Dahil alam kong ikaw pa rin ang nasa puso
Takot dahil sarili ko’y di ko mapapatawad
Kung makasakit man ako ng iba.
Takot dahil hindi na ako marunong magmahal
Magmahal ng iba
Dahil ibinigay ko sayo ang lahat
Takot na ako tumingin sa iba
Kaya’t sa hangga’t andito ka sa puso ko
Hindi ako maghahanap ng iba
Dahil takot ako makasakit
Takot ako manggamit
Takot ako pumeke ng nararamdaman
Dahil alam kong ikaw parin ang aking,
Minamahal.
Para sa sarili ko,
Patawad,
Dahil nagmahal ako
Ng taong nagmamahal naman ng iba.
Sep 29, 2020
Sep 29, 2020 at 6:14 AM UTC
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.
Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.
Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.
Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.
Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.
Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Ano nga bang mas mahalaga
Ang pagkakaibigan natin o ang ibigin ka
Mga bata palang tayo ikaw na talaga
Sa isip at puso ko ika'y nag-iisa
Gusto mang aminin ngunit hindi kaya pa
Wala ring kasiguraduhan pag-ibig ko'y masusuklian ba
Ayoko rin namang masira pagkakaibigang nabuo na
Na noon pa may iniingatan ko na
Kaya't ginawa ko'y ireto ka sa iba
Baka sakaling malimutan ka
Natutuwa akong makita kang masaya, kahit nasa piling ka na ng iba.
Ngunit hindi maiwasang lumuhang magisa
Tama nga bang ibinigay kita sa iba
O dapat na bang ipaglaban ka
Dahil puso ko'y nahihirapan na
Nahihirapan ng makita kang masaya sa yakap ng iba
Kaya heto na aaminin ko na
Ang matagal ko ng dinarama
Kaibigan ko pasensya kana
Mahal lang talaga kita.
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 12:10 PM UTC
Pag-ibig ang naging sanhi
Ng mga luhang dala ng sakit
At pagkawasak ng pusong
Matagal na iningatan,
Sa isang iglap ay muling nasaktan.
Pag-ibig ang naging dahilan
Ng labis na pangamba ng pusong luhaan
Kung kaya't inakalang 'di na magmamahal
Ngunit muli ay aking napatunayan
Pag-ibig muli ang nagbigay-daan.
Pag-ibig, hinanap ko kahit saan
Tiwala, ibinigay ngunit hindi man lang nasuklian
Hindi mawari kung bakit lagi na lang
Ang sabi nila'y pag-ibig ang sagot sa pusong nalulumbay
Pero bakit di masumpungan, ano ba ang aking taglay?
Pag-ibig na hindi ko naisip na darating pa
Isang araw ng ika'y aking makilala
Pinilit kong ipinid ang pusong takot na
Nagmatigas man ang puso, pero sa hindi inaakala
Isip na ang nagpasya na pagbigyan pa
Pag-ibig, hindi ko alam na nariyan ka na pala.
Alam kong mahirap hulihin ang puso
Lalo pa't ito'y nababalot na ng galit at takot
Ngunit hindi mo pinansin ang lahat ng ito
Ipinagpatuloy pa rin dahil mukhang alam na alam mo
Na ikaw ay para sa'kin, at ako'y para sa'yo.
Natakot akong mahalin ka dahil ilang beses nang lumuha
At nangako sa sarili na hindi na ito mauulit pa
Ang muli pang masaktan ay 'di na makakaya
Ngunit ang sabi mo nga ay ibang iba ka
Kung kaya't pinagbigyan ang iyong pusong umaasa.
Tinanggap ko ang pag-ibig na iyong inialay
Hinayaan kong ang ating mga damdami'y magkapalagay
Binuksang muli ang puso kahit alam kong may takot pa
Pinili kong papasukin ka dahil aking nakita
Sa iyong mga mata ay may pagtingin na kakaiba.
Pag-ibig, hindi ko alam kung kailan ako naging handa
Pero para sa iyo, nagpasya akong muling maging malaya
Mula sa mapait na nakaraan na siyang bumalakid
Ngayo'y natagpuan ka, at muli kong nabatid
Kung paanong maging masaya sa piling ng isang tunay na umiibig.
Salamat, dahil nariyan ka na.
Salamat, dahil sinagip mo ang pusong wasak na wasak na.
Salamat, dahil muli kong nadama ang tunay na pagmamahal.
Salamat, dahil naramdaman kong ako'y mahalaga pa.
Salamat, dahil natuklasan kong maaari pa akong lumigaya.
Pag-ibig, kaya na kitang ibigay muli
Sa isang espesyal na tao na sa aki'y muling nagpangiti
Pag-ibig na buo, tapat, wagas at dalisay
Isusukli sa pusong nagmamahal sa akin ng tunay
Hindi magdadalawang-isip na ibigay ang buong puso
Sa taong minahal at tinanggap kung sino ako.
Pag-ibig, kaysarap **** madama
Lalo pa't ramdam kong ayaw ko nang umibig pa sa iba
Natagpuan na ang taong nais kong makasama
Hanggang sa pinakahuli kong hininga
Na hiram sa Diyos na sa atin ay lumikha.
Tayo ang laman ng kwento ng Maykapal
Pinagtagpo upang maging patunay na may totoong pagmamahal
Pinaranas man sa atin noon ang sakit na dulot ng pag-ibig
Ang nakaraan ay hindi na muling manunumbalik
Dahil sa isa't isa, pag-ibig lang ang mamumutawi.
Pag-ibig, ikaw, ako at ang Diyos
Sa atin iikot ang kwento hanggang matapos
Sa piling ng Maykapal, kamay ko'y hawakan lang
Hindi ako bibitaw hanggang sa dulo ng walang hanggan
Sa'yo lang ang pag-ibig ko, sa'yo lang, aking mahal.
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 10:17 AM UTC
Sinisid ang karagatan ng pangamba
Upang matagpuan ka
Hinarang ang mga bagyo ng takot
Upang mahagkan ka
Kinalaban ang oras at panahon
Upang makapiling ka
Isinantabi ang mas mahalaga
Upang maramdaman mo ang pagpapahalaga
Ngunit, natalo ako ng tadhana
Sa katauhan niya.
At doon ko napagtanto
Na bakit kailangang matalo
Kung sa pakikipaglaban
Ang lahat ay ibinigay mo?
May 24, 2019
May 24, 2019 at 9:11 AM UTC
Sikretong liham , para sayo ginoo
Maaring hindi mabasa ngunit sana’y pahintulutan mo
May mga salita lamang na hindi na maririnig ng iyong puso
Sa mga nakaraang araw , buwan o taon
Ngunit sa pamamagitan nitong tula ko
Ay mag silbing liham para sayo
Nagagalak ang puso
Sa mga ngiti mo
Sa bawat pag tawa at pang aasar na pabiro
Kung paano mo e kuwento mga plano sa buhay
At pagpapakita kung sino ka nga ba talaga ang ginoong nasa harapan ko
Nais ko sanang malaman mo
Na naging laman ka ng mga panalangin ko
Na sa pag pasok mo sa mundo ko
Ay mananatili ka na dito
Dahil isa ka na ginoo ,
Sa kumumpleto ng unang taon ko
Naiisip ko parin mga tawa at ngiti mo
Sa mga birong nag patawa
Sa malungkot kong mundo
Sayang lamang at hindi ko nasuklian iyon
Ngunit sanay ngumiti ka parin
Dahil para saakin bagay iyon
Sa makulay **** mundo
Mga larawang ibinigay
Maraming salamat sa puso ****
Walang kapantay
Sa pag sama sa dahan dahang pag sayaw
Habang pag sabay sa iyong mahusay na pag kanta
At pag yakap ng mahigpit noong ako’y hinang hina
Ginoo , panalangin ko sa taas
Na sa pag bangga nating mga landas
Ay masaya at naka ngiti ka ng wagas
Dahil iyon lamang ang panalangin kong
Para sayo ay sana matupad
Hanggang sa muli , ginoo
Ang liham na sayo’y iaabot
Dito na lamang
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 10:55 PM UTC