Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ibat" poems
012817 Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip. Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya. Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip. Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap. Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya. Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:32 AM UTC
Buhanging Mga Kamay
Hinihikayat po namin kayong lahat na magbasa patungkol sa panitikang mediterranean. Ang panitikang mediterranean ay patungkol sa ibat ibang uri ng panitikan na nagmula pa sa ibat ibang bansa. Ang inyong pagbasa at pag like nito ay katumbas ng inyong pagmamahal sa amin at nangangahulugan na kayo ay magbabasa na patungkol sa nasabing tema. Kaya  basahin na ito at i click na po yung "heart" sa ibaba. Ito po ay para sa aming proyekto sa filipino.
0
Jul 26, 2016
Jul 26, 2016 at 5:43 AM UTC
Mediterranean Literature
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa? Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga? Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat? Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat? Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila Mahusay bumigkas at sumulat ng tula Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay Na sa akda nila'y maaaring ilagay Napakahusay! Walang katulad. Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap Kaya paalam. Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon, Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon Alam kong sa pagdating ng panahon Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:39 AM UTC
Paalam
Pangako. Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali Sa mga susunod na tinginan, Ngiti, Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok, Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan, Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita. Maghihintay ako Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya, Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay. Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit. Nagsisimula palang ang paglalakbay, Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo, Pagsuko,takot? Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot. Mangangako ako sayo pero mangako karin saken Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit. Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian. Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken. Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw. Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin. Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod, Sa ikatakda na ikay maging handa, Maghihintay ako,pangako.
0
Mar 6, 2017
Mar 6, 2017 at 3:15 PM UTC
Digma

Continue reading...
24
"A spectre is haunting Europe" - Communist Manifesto Ang multong gumagala noon sa Europa ay hindi parin natatahimik. Hanggang ngayon ay patuloy itong gumagala at nanggagambala. Hindi n’ya pinatatahimik ang mga burgis at elitista. Kaya’t patuloy na nagsasabwatan ang ibat-ibang kapangyarihan sa lipunan upang labanan ang multong ito at hadlangan ang kanyang paggala. Ang mga lider ng relihiyon, ang mga kapitalista, ang mga namumuno sa gobyerno na panay oportunista, ang pasistang militar, ang pulisya pati na ang midya lahat sila ay nagsasamasama upang kalabanin ang multong gumagala. Nasaan na ang tunay na partido ng mga manggagawa na kinakatawan ng multong gumagala? Nasaan na ang mga rebolusyunaryo at mga aktibista na kakalaban sa bulok na Sistema? Bakit hanggang ngayon ay namamayani parin ang naghaharing mapagsamantalang uri? Kinain na ba kayo ng maling sistema at ngayo’y naaagnas na rin? Nang bumagsak ang Rusya at lumihis ang Tsina ay nagdiwang ang mga imperyalista. Akala nila ito na ang wakas nang paggala ng multo, subalit nabigo sila at nagmukhang mga asong hangal na kumakahol sa sariling suka. Pagkat nagpatuloy ang multo sa kanyang paggala at ibayong lagim ang kanyang dala-dala. Subalit bakit tanong nila? Simple lang ang dahilan: Hanggat laganap ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay hindi sila patatahimikin ng multong gumagala. Patuloy nitong uusigin ang budhi ng mga ganid at sakim sa kayamanan. Hanggat ang biyaya ng lupa ay hindi nakakamtan ng lahat ng tao ay patuloy itong magmumulto. Hanggat ang mga manggagawa ay hindi gumiginhawa hindi mananawa ang multo na magpaalala sa kanila na patuloy nilang igiit at ipaglaban ang kanilang mga karapatan na s’yang nararapat. Patuloy na gumagala ang multo ng Komunismo na nagmula pa sa Europa kailanman hindi nito patatahimikin ang mga sakim sa yaman at sukaban sa kapangyarihan.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 12:36 AM UTC
Ang Multong Gumagala

10
piktyuran mo ako ng ganyan bidyohan mo't mejo hubaran dapat kita yung buong katawan gawin natin ito sa ibat ibang paraan galit ako sayo, dito tayo magaway sa kita ng madaming tao ngunit di ni nanay at tatay subukan niyong magcomment at kayo'y madadamay gusto naming dito mag away at walang sasaway dapat nilang makita ang aking agahan dapat nilang makita ang aking tanghalian dapat nilang makita ang aking hapunan dapat ulit nilang makita ang aking hapunan
0
May 31, 2013
May 31, 2013 at 10:11 AM UTC
Tatanda ka at maaisip **** naubos ang oras mo sa katarantaduhan
Masikip o maluwag Stressed o relaxed Maikli o mahaba Nakakainis o nakakatuwa May bayad o wala Ibat ibang mukha Ibat ibang lugar Ibat ibang daan Ibat ibang sasakyan Minsan nag-iisa Madalas may kasama Minsan nakatayo Madalas nakaupo Minsan naiinip Madalas naiidlip Anuman ang pagdaanan Makakarating din sa kalaunan Parang pangungusap na tutuldukan Tulad ng buhay na may katapusan Ang byahe ay may hangganan.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 12:35 PM UTC
biyahe
Pitong letra, isang salita sa kanila mo madama ang tunay na saya, mararanasan mo ang mga bagay na iyoy hindi pa nadama, May ibat ibang uri ang barkada, masama at mabuting barkada, mayroon ring balansing barkada Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kakampi mo sila, hindi sa lahat ng pagkakataon palagi silang nandyan para damayan o gabayan ka Pero sa pag babarkada hindi mahalaga kung sinong na una dumating, mas mahalaga kung sino yung nag-papaka totoo sa barkada at bibigyang halaga ang inyong pagsasamahan, At kahit saan mo pa yan nakilala ang mahalagay totoo kayo sa isat isa.
0
Apr 8, 2021
Apr 8, 2021 at 7:22 PM UTC
Barkada
Lumaon na ang panahoN ng aking mga b a t i k o s, sa w a t a at s u p i l ko sa inyo nag-ugat halos. umabot pa nga sa puntong hatid ay k a b a sa 'king puso, hanggang sa maghari sa akin ang pagiging maamong e m o! Y O !!!,,, heto na ang huli kong dalawang letra   at hindi na kailan man muli sa  kulimlim  mag-iisa hapo na aking nadarama,,nais ko na muna magpahinga sa muli kong pag-upo, ibat-ibang  ingay ng kulay ...kakalinga less than... two DAYS before Christmas © copyright 2015 - All Rights Reserved [ 11 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters ]
0
Dec 23, 2015
Dec 23, 2015 at 1:51 AM UTC
Y O (2L)
Kay tagal kong hinitay Ang iyong mga salita Ang iyong buhay Na tila isang talata Ng ibat ibang nobela Na Sayo lahat nakakda Ibat ibang istorya Na iisa ang hiwaga Sa pangalan mo kinuha Ang milyong milyong diwata Kauri mo ang mga tala Kumikinang ng maganda Isa kang panahon ng ginhawa Katapusan ng kadiliman Laging may kinabukasan
0
May 2, 2018
May 2, 2018 at 5:57 AM UTC
Bagong liwanag
Anu ba ang pandemya? ito ba ay parang hawla na lahat tayo ay naka kubli naka kulong sa apat na sulok na wala na magawa kung hindi naka totok telepono naka tingin sa telebisyon na araw araw di nag nagbabago! nagbabago ang balita na ang maralita , maralita lng ang nabubuhay ng normal? pero hindi lahat tayo ay tinamaan ibat ibang kwento ibat ibang karasanan. Nawalan ng trabaho Nalugi ang negosyo Naiwan ng mga minamahal at wala namang maayus na tugon walang kasiguraduhan kung meron mag babago sa mga bukas na haharapin sapagkat tayo ay naging alipin naging lumpo, tayo dahil sa pademya lahat bay randam na? ang pahirap at pasakit Ramdam ko at ramdam nyu ang malaking pagbabago tinatawag nilang bagong normal. bagong normal na di natin ginusto, pero wala na tayong magagawa andito na to. Kaibigan , kapatid sana tayo ay di sumuko alam ko mahirap pero tayo ay mag sumikap tayo ay tumulong. tayo mag kaisa para ating boses ay umugong Isigaw ng sabay sabay na ngayun pandemya tayo ay pantay pantay lahat tayo ay may maitutulong maliit man o malaki. patuloy sa pagdarasal na sa huli tayong Pilipino parin ang magbunyi
0
Feb 20, 2022
Feb 20, 2022 at 11:22 AM UTC
Pademya