Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hulyo" poems
Natakot ako noong araw Na nagising ako At naramdaman ko ang kabog ng puso ko Parang iba na ata Ang sinasabi nito Hulyo noong nangyari ito Ngunit Oktubre na nang aminin sa sarili Ang matagal nang ikinubling damdamin Dahil nakakatakot Nakakatakot ang mahulog Para sa isang taong hindi naka-abang Upang ika'y saluhin Nakakatakot malunod Sa lalim ng iyong mga mata Na baka hindi na makabalik pa At maiwang nag-iisa Nakakatakot sabihin Ang damdaming itinanggi Dahil baka di pakinggan At tuluyan nang iwasan Natakot ako pero sumugal ako ‘Di na ata kakayanin pang itago ito Ngunit matapos ang lahat Tama nga ako Tama nga ang paulit-ulit na sinabi sa sarili Hindi na dapat Bakit nahulog pa Bakit nalunod pa Bakit sinabi pa Sana tinago ko nalang Mas nakakatakot pala Nang tuluyang mawala ka
0
Jan 19, 2016
Jan 19, 2016 at 6:41 AM UTC
Pagpapanggap
#070616 #ElNido #BHouse #JGH May gusot sa kalendaryo ng puso, Kaya't muli kong binalikan ang eksaktong petsa. May punit ang pahina, Kaya't kumuha ako ng pandikit Para sa may lamat na larawan. Taong dalawang libo't labing-apat, Nalalabi ang oras sa libingan. Hinukay ko sa'king memorya, Baka sakaling ang ugat ay may nutrisyon na. Dinampian ko ang sarili ng panyong maputi, Sigurado akong hindi na mamantsyahan pa. Pero pagsilip ko'y may misteryong bumalandra, Ngalan mo'y nakaukit pa rin pala sa tadhana.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 9:52 AM UTC
Hulyo Sais
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin? Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal ‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa? Disyembre, alam kong pagod ka na Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod At nang ating salubungin ang bagong taon, ako nga'y tuluyan **** binitawan Hindi na sinuyo, wala ng paramdam Masyadong mabilis ang mga pangyayari ‘Di malaman kung saan gusto bumalik— noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali Hindi naman inaakala na ganito magtatapos noong tayo'y magkalapit noong Abril Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon? Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 4:01 AM UTC
Sa Loob ng Isang Buwan
Hulyo, 2005. Nag simula bilang taga masid, Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid. Pero puso ay di sumuko, Lagi ang isipan sayo'y patungo. Salamat sa iyong ngiti Ni minsan ay di mo kinubli, Kaya nga ika'y agad napansin Naka bihag ng puso na di akalain. Mukhang laging nakasimangot, Nababalot ng lungkot. Ngunit sa ngiting iniwan, Naging isang magandang larawan. Humarap sa salamin, Handa na ba aminin? Biglang natakot ang sarili Alam na ika'y mapili. Naging magulo ang isipan, Na para bang masisiraan, Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan Na mananatiling magkaibigan. Labing limang taong pag-ibig na tinago, Kailan nga ba mabibiktima ni kupido? Kinaya na mamuhay mag-isa, Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Patuloy na mangangarap at mananaginip, Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:58 AM UTC
Labing Limang Taon
Ikaw ang isa sa pinaka makabuluhan kong sinasambit t'wing nananalangin. Nawa'y dumating ang araw na makita kang nakangiti ng walang dinadaing na anumang hapdi. Nawa'y mahanap mo ang lugar at panahon kung saan at kailan matatagpuan ang kaligayahan ng iyong puso. Gusto kong manatili ka kung nasaan ka man ngayon, at ng hindi mo matanaw ang kalagayan at hindi mo marinig ang mga paghikbi tuwing gabi. Baunin mo sa iyong paglipad at paglaya ang mga salitang ... Minahal ka sa paraang alam ko. kahit hindi na ko sigurado ngayon kung marunong pa ako no'n.
0
Feb 2, 2021
Feb 2, 2021 at 9:37 PM UTC
Hulyo
sa dinami-rami ng kantang inawit at pinakinggan, sa mga kwentong inilahad at i-sinalaysay, mga prinsipyong pinang-hawakan at natutuhan, sa dinami-rami ng mga naging paborito ko, gasgas man sabihin ngunit— mahal, ikaw lamang ang pinakatumatak na paksa sa dinami-rami.
0
Jul 1, 2022
Jul 1, 2022 at 2:32 AM UTC
hulyo
Huwag mo 'ko hintayin sa dulo, kitain mo ako sa kalagitnaan. Sabayan mo ako.
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 10:37 AM UTC
Ika-labing tatlo ng Hulyo, 2019