Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hinahabol" poems
And in the end, the love you take is the love you make. -The Beatles Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan. Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian. Masarap lamang itong pakinggan. Noong inibig mo ako, Hindi. Mas tamang sabihin na noong naisip **** iniibig mo na ako, Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo. Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko. Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo. Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo. Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo, Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang, Naramdaman ko. Pinaramdam mo silang lahat sa akin. Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo. Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom, Manggaling sa kanya mismo. Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya. Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga. Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa Na maisip **** sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam, Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman, Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo. Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo. Oo. Ako. Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na gusto kong isipin Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin. Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman. Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling. At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang. Dahil sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. Pero hindi. Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago. Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo. Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino. Pero hindi. Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit. Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan." Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha, Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na, Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya, Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata. At unti-unti kang nabulag. At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na. Lumipad at nawala. Hindi bulag ang pag-ibig. Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara. Wala kang natutunan sa nakaraan. Hindi ka nga nasasaktan. Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
0
Jun 9, 2016
Jun 9, 2016 at 1:58 AM UTC
Ang kaibahan ng katalinuhan at kaduwagan

Continue reading...
59
Hihintayin ba kitang bumalik? O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik? Namimiss ang matatamis **** salitang Kay sarap balik-balikan. Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo, Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo. Puro s'ya lang 'to, Pero paano naman ako? Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo? Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo. Pakiramdaman ko'y parang hangin, Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin. Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak.. Sayo, nahulog na ako sa'yo. Ano pang magagawa ko? Ayun, nagpanggap lang naman ako Na parang walang pake sayo. Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod. Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo. Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo. Ayoko namang maging ahas o linta Na grabe kung makapulupot, Grabe makasulot. Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa. Hindi ko alam kung babalik ka pa.. Pero, ito ang mensahe ko sayo Sa oras na mag-krus ang landas natin Gusto kong malaman mo Na lahat nang nangyari pagitan satin Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Imahinasyon
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan Naitatala nito ang takdang oras. Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat Segundo, minuto at oras sa bawat araw na lumilipas. Ngayong araw na ito, tila sadyang nagmamadali ang yaring mga kamay na parang bang may hinahabol. Hindi naman sila mga paa Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay, nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito. Na kung sila’y magkakabuhay lamang Ay aking itatanong, “’Hindi pa ba kayo napapagod?” Akala ko ba’y Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan Ay ito’y patuloy na tatakbo? Tatakbo at tatakbo. Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito at hindi lalayo. Iikot ng iikot. Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil. Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil, kung sadyang naubusan ng batirya, kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya. Ngunit sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata, 'Di ko nabatid kung isang panaginip o isang realidad na nga ba ang aking narating. Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo ay bigla na lamang huminto. Ang pagkumpas ng oras ay nabigo. Ang panahon natin ay naglaho.
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 12:44 PM UTC
Sa ikalawa ng Disyembre
Lola una kong nasilayang maging tunay na nanay. Pagmamahal sayo'y tunay na naramdaman. Mabuting Pangaral ay sayo unang natutunan. Minsan mo mang napapagalitan at napapalo ito'y sa ikabubuti ko naman. Katuwaan ay nakakamtan pag ikaw ay nasisilayan lalo't makita sa mga mata at labi ang iyong kasiyahan sa twing kami sayo ay dumadalaw. Mga anak mo at apo ay nakukompleto para pangungulila mo ay maibsan. Sa twing pasko ay paparating pananabik sa puso ay walang mapaglagyan dahil sa ikaw at ibang pamilya ay makakasalo. Lola ikaw ang una kong naging tunay at tapat na kaibigan.sa tuwing ang puso ay may dinaramdam ikaw ang unang sinasabihan.mga pangaral na ibinibigay mo ay malugod kong pinapakingan. Ngunit isang araw kami ay nagimbal ikaw daw ay may karamdaman,pilit ang oras ay hinahabol upang ikaw ay masilayan at makausap man lang. Ngunit tadhana ikaw ay ipinagkait at damdamin ay sinaktan,nang malaman na ikaw ay tuluyan ng namaalam. Masakit ang yong paglisan,kirot sa puso hangang ngayon ay nararamdaman. Pasko ay paparating na ngunit ikaw ay wala na Sabi nila tangapin na lang ang yung paglisan,ngunit paano tatangapin kung ang puso ay hindi pa handa sayong pamamaalam. Puso ay hindi parin matangap na kami ay tuluyan mo ng nilisan. Pangungulila sa puso sana ay iyong maibsan,sa panaginip ko sana ikaw ay dumalaw.
0
Dec 12, 2020
Dec 12, 2020 at 11:05 PM UTC
LOLA
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
Tula: Takbo Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit hindi ko alam ang lugar Kahit walang kasiguraduhan Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan Para lang matakasan ang lahat O ang nakaraang gustong lipasan Tatakbo ako ng malayo Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din Na may nakalagay na bawal dumaan dito Marami nang namatay dito Hindi ako matatakot Hindi ako hihinto dahil Tatakbuhan ko ito Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Para makadiskubre ng bagong daanan Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan Kahit abutin pa ng magpakailanman Abutin ng gabi ,madaling araw ,o kinabukasan pa yan Tatakbo parin ako Kahit Tulog na ang lahat Nagpapahinga at nananaginip Ng mga pekeng pantasya at ako ay tumatakbo pa Gising sa katotohanan at realidad Hindi parin tumitigil madadaanan ang mga nagtitinda sa kalsada ng balot at iba pa Dahil may gusto kong takasan May gusto kong puntahan Kaya ako tumatakbo Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit mauhaw pa at matuyuaan ng lalamunan Hahanap ako ng tubig Para mabigyan ng bagong sigla At manatiling malakas sa takbo ng buhay Hindi ko ipapakita na ako ay pagod na Hinihingal Hinahabol ang hininga Hindi na ako magpapahinga Iinom lang ako at ipagpapatuloy ko ang aking takbo Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran Mabasa ang aking buong kasuotan Dahil tatakbo ako Hindi ako hihinto Hindi ako mapapagod Hindi ako magpapahinga Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo Ayoko nang tumakbo Gusto ko nang magpahinga Pagod na ako Hihinto na ako Dito lang nalang ako At Haharapin Hindi tatakasan Hindi tatakbuhan Dahil marami na akong nalampasan na lugar kalye, Kanto, Kalsada, Nalampasang pagsubok, problema, Hamon, Pagod, Na aking hinarap sa aking pagtakbo Hihinto At tatayo at magiging handa Para sa pagdating ng bagong simula Handa na ako Handa na ako Hindi na ako tatakbo
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:16 AM UTC
Takbo

89
Malungkot talaga yan Hinahabol ka kasi nyan Wag mo namang bilisan Baka di ka nya maabutan Gusto ka lang nyang kausapin Nang malinawan ang isipan Tuluyang maibsan ang kalungkutan Ang iyong lakad pakibagalan Hahabulin ka ng maabutan Saan ka mang daan Siguradong kakausapin ka nyan Malungkot na kasi yan
0
Nov 24, 2017
Nov 24, 2017 at 8:26 AM UTC
Malungkot talaga yan
Masiglang-masigla ang anino ng mga poste ng MeRalCo. Nagmamadali ang mga oto, Hinahabol ang matulin na tik-tak ng alas-otso. Maingay ang mga gusali. Maraming mukha ang bawat bintanang parihaba. Ang mga mata ng Umaga Ay waring mga hinog na mangga. - P.T.Simon
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:28 AM UTC
"Umaga" '(Isang Malayang Taludturang Tula)
Lunes Siya ay tatlong-daang talampakan mula sa aking kinatatayuan Sa kanyang pinaroroonan ako ay patungo Sa dulo ng pasilyong ito siya'y taimtim na naghihintay Sinuway ko ang tawag ng kahayokan ng damdamin At hindi kumatok nang madatnan ang pintuan ng kanyang silid "Hahayaan ko na lang siyang umidlip." sambit sa sarili Martes Siya, isang panibagong habol ng paningin, sumenyas May ngiti siyang ipinakita bago dumiretso sa kasilyas Sa silong ng eskuwelahan kung saan ako nag-aaral Ako'y sumunod sa utos ng aking katigangan Sumunod sa estrangherong may kislap sa kanyang ngiti Ngunit dali-dali akong umalis nang mga mata ko'y nanlisik Miyerkules Ako ay nakaupo sa dulo ng bus, iniwan ng mga pasaherong inip Napaisip at nag-iisip na bumaba na ngunit May sumakay na lalaking marilag at ako'y nabihag Hindi ko naiwasang hindi tumitig habang siya'y nakangisi At sa kanyang pagtabi at mag-dikit ang mga biyas namin Agarang tinawag ko ang kundoktor at pinahinto ang sasakyan Huwebes Mag-isa sa aking silid, nakahilata sa kama, Luna sa aking mukha Ang diwa ay naglalakbay at may hinahabol na alaala Bigla kong naalala may mensahe sa aking selepono Isang hubad na larawan ng kausap ko nang wala pang limang araw Nandilat ang aking mga mata at nagising ang aking diwa Sa kalakhang kanyang ipinakita na aking di naman gaanong pinansin Biyernes Ikaw ay aking muling nasulyapan sa isang kainan Malapit sa iyong tinitirhan, may kausap sa iyo'y nakikipagtitigan O sa imahinasyon ko lang iyon? Ngunit hindi ko maiaalis sa puso ko ang masindak, Manlumo, malumbay na kaya **** mabuhay na wala Ang init ng mga balat nating nagtatagpo. Oh Diyos ko, Ako'y pagbigyan mo makasama siya kahit isang gabi lang Isang magdamagang nananaig ang kamunduan Na maglapat ang aming mga dila Na masubo ko ang kabuuan niya hanggang mabulunan Na malasap ang alat ng pawis sa kanyang balat Na mahila ko ang kanyang buhok sa gigil ng pagkasabik Na muling takpan niya ang aking bibig, pinipigilan akong umimik Sabado ng gabi may mensaheng bumungad sa'kin Kami raw ay mag-hapunan at kumain ng pang-himagas hanggang Linggo ng umaga At sa pagkakataong ito ay pumayag na ako.
0
Jul 21, 2016
Jul 21, 2016 at 5:12 AM UTC
Araw-Araw

46
Tahimik na nagmamasid. Diretso ang tingin. Nakita ko ang sarili nasa himpapawid, hindi alintana ang pagpatid ng bawat pakpak na pudpod na sa kakagamit, Hindi alintana ang kanilang unti-unting pagdating, basta diretso lang ang tingin. Sa iisang direksyon lamang nakatutok ang aking paningin, Nakikita kita. Naaaninag. Ikaw lamang ang tanging bituing nagliliwanag sa gabi. Ikaw ang buwan, ikaw ang araw. Ikaw ang pagkapit, ikaw ang pagbitaw. Ikaw ang sa umaga'y araw na nakakasilaw. Ikaw ang sa gabi'y buwan na tanging lumilitaw. Ikaw ang paru-parong mapangakit. Nakakaakit. Hinabol kita para lamang mahuli. Hinabol kita pero ang hirap mahuli. Hinabol kita pero akala ko ako na ang huli. Pero mali. Hinabol kita habang hinahabol mo siya. Minahal kita pero minamahal mo siya Kailan kaya mangyayaring tayo ay pagbaliktarin ng tadhana? Kailan kaya mangyayaring ang ako ay magiging ikaw? Na naghahabol, walang pagod sa paglipad para lang maabutan ka. Kailan kaya mangyayaring ang dating ako lang ay tayo ng dalawa? Dalawang paru-parong dadapo sa isang bulaklak na pareho nating gusto. Kailan kaya ang durog na ako ay muling mabubuo? Kailan ka kaya hihinto para lamang hintayin ako? Kailan? Kailan nga ba? Kailan mo nga ba malalaman na ang ligaw na paru-paro ay sayo pala patungo?
0
Jul 27, 2016
Jul 27, 2016 at 7:22 AM UTC
SAYO AKO PATUNGO
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga “Huminga ka muna”, sabi ng aking baga habang pumapatak ang mga malalamig na pawis nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap at makita ang makikintab **** mata “Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso “Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”, dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa, ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo, pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman palayo sa gulo, bakit nagkaron ng dulo? At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama, bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana? kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya? Marami na ang nawala, mga sugat na ‘di tuluyang naghilom at mga tahi na nasira, mga damdamin na pinaraya at mga ngiting pinalaya Aakitin rin tayo ng ligaya darating rin ang panahon na tayo ang maligaya ng wala sa piling at sa puso ng isa’t-isa Pasensya ka na aking mahal ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan – ang oras ang nakaharang – Pasensya ka na, hindi kita naabutan
0
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 2:28 AM UTC
Pabalik

37
Nangungusap ang mga mata Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita Walang kuwit, walang tuldok Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo, Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap. Nababalot tayo ng hiwaga At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong Sinulsi ng kirot ng kahapon. Lumipas na -- Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay. Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon. Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit? Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure. Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti? Umiiwas tayo sa hanging mapanakit Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na. Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na. Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y Pipiliin nating tumayo pa rin Bitbit ang ating mga bandila At kahit pa sa ating pananahimik Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin At mas magliliwanag pa ang mga ito. Ang mga makakapal na ulap Ay makakaya na nating hawiin At magsisilbi itong palatandaan Na tayo'y  hindi magpapalupig Sa dikta ng tadhana at panahon. Pipiliin pa rin nating maging tama At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan Ay magsisilbing pabaon natin Sa kinabukasang henerasyon. Kaya ko, kaya mo -- Kakayanin natin, Kaya natin, kasama ang Panginoon!
0
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:39 PM UTC
Istatwa

39
IKAW. Ikaw yung taong pumukaw sa aking pansin Ikaw yung nakakaagaw tingin Ikaw yung hinihintay kong dumaan Kahit ilang oras pa ang abutin Ikaw, Ikaw na ang tingin lang sa akin ay hangin SIYA. Siya ang tipo mo Siya ang kinahuhumalingan mo Siya ang tinititigan mo Habang nakatanaw ako sayo Siya, Siya ang klarong gusto mo AKO. Ako? Ano nga lang ba ako? Ako lang naman to. Na naghahangad ng kahit kaunting atensyon mula sayo Ako lang naman ang nananakit sa sarili ko Na kahit Ikaw ay sa kanya nakatingin At Siya naman ay tumutugon din Ikaw pa rin ang pilit na hinahabol ng dalawang bolang itim Kaya, dito ko na lang ihihinto Ang pagkwento sa ating tatlo Na kahit ang totoo'y Wala namang Ako sa pagitan nyo.
0
Jan 1, 2017
Jan 1, 2017 at 4:28 AM UTC
IKAW, SIYA at AKO
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita Saan na kaya? Sana'y bumalik kana Hininitay ka na niya Matagal Tagal naring  ikay nawala Nalilibang kana ata? Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ilang bundok na ang kanyang inakyat Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na Habang ikaw ay naaaliw Bulong niya'y, oh aking giliw Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak Niyakap ka niya at sinabing Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ikay hinahabol niya Bamalik ka na daw sakaniya Basahin mo ulit ang kanyang mga salita Dahil ang mundong Ito ay mawawala Ngunit ang kanyang salita ay mananatili Nawawala Hinahanap Hindi Makita Pagmamahal na walang hanggan Mamahalin ka hanggang katapusan Kahit di tayo'y karapatdapat Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat Nawawala Hinahanap Hindi Makita Oh Diba ang Hirap makawala? Ang Hirap ng walang ama Kaya't Tara na at bumalik sakanya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap. Kay Tagal rin bago ka na hagilap Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa. Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay Para sa aming buhay
0
May 31, 2019
May 31, 2019 at 10:15 AM UTC
Nawawalang Tupa

45
maliwanag ang aking paligid ngunit ang isipan ko'y madilim ang iyong tanglaw lang ang makakapigil sa tuluyang muling pag-idlip ng aking mga panalangin ngunit palayo ka nang palayo naghihingalo ang pagkutitap ng aking mga pag-asa bumalik ka naman minsan ipagpatuloy ang nasimulan 'wag mo akong iwanang hinahabol ang aking hinga sa iyong mga salita
0
Jan 20, 2015
Jan 20, 2015 at 8:49 AM UTC
kung pwede lang.
Di ako umiiyak sa away o sigawan. Umiiyak ako sa labis na katahimikan. Sa mga panahong kailangan ko ng kasama Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na. Mga kumukuliglig na huni at bulong. Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong. Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan. Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan. Bumibilis na tibok ng puso, Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo Mga hiningang hinahabol ang takbo, Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto. At unti-unti Hihimasin ang isip Mula labas palalim sa loob Unti-unti Pipigain ang puso Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na. Hahalungkatin ang nakaraan, Nang dumilim ang kasalukuyan. Babasagin ang kasalukuyan, Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan. "Huwag kang mag-isip." Ang abiso nila. Ngunit diba nila naisip Na tila ka na ring sinabihan na: "Huwag kang huminga kung ayaw mo na." "Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka." "Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka." Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya." Oo, ayaw ko na. Lahat kinatatamaran pati paghinga. Bawat gabing inilaan sa iyak. Tila ang isip, pinipilit na mabiyak. Oo, nahihirapan na. Di maiwasang tumingin sa mga mata Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento. Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na mga anino. Oo, nasasaktan na. Mula sakit, gusto ko nang kumawala Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal. Oo, di ko na kaya. Sana nga tumigil na. Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na. Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak. Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak. Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama. Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na. Ito. Ganito. Ganito kahirap, ganito kasakit. Ganito kasimple ang isang atake.
0
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Atake

54
Ang oras ay tumatakbo, Ito ba'y hinahabol mo? Baka iba yung direksyon mo? Ikaw ba'y nakakasigurado? Baka malingat ka? Ika'y napang-iwanan na pala, Baka di mo mamalayan, Ikay matagal na palang iniwan. Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na? Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba? Baka masayang mo lang oras mo, At mapangiwanan ulit ng panahong panibago. Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na? Naisipan mo bang muling mag-umpisa? Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago? Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago? Huli na ba para sa panibagong pagkakataon? Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon, Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba, Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:25 PM UTC
Huli
Minsan talaga hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay At kung ako naman ay lalaban para saan pa ba iaalay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa ako umaasa At kung titigil naman nangangapa ako ng rason para tumuloy pa. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit pa ako humihiling At kung itatapon ko nalang hinahabol naman ako ng mga bituin. Minsan hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pang magbigay At kung ako naman ay tatanggi hindi ko rin makita ang saysay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa kita minamahal At kung susubukan kong magdahilan naiisip ko pa ring sumugal. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit hindi pa ako sumusuko At kung ihihinto na sarili ko rin lang ang aking niloloko. Minsan hindi ko na talaga alam minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan kahit minsan lang.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 8:50 AM UTC
minsan
Summer na naman! Sa baybaying madalas nating puntahan, ay naroroon ang mga bahagi ng ating nakaraan, at mga karanasang hinding-hindi ko makakalimutan. Ilang taon na ba nang muli tayong magkita? Ilang pangangamusta na ba ang nagdaan nang tayo ay nagkamustahan? Naalala mo pa ba nang sa baybayin ay minsan kang nagpunta? Nawala ka! At ako ay talagang iyong pinag-alala. Hinanap kita sa kung saan, ngunit anino mo ay ayaw magpakita. Sa pagod ko ay sa baybayin ako dinala ng aking mga paa. At natagpuan kitang hinahabol-habol ang alon na masayang-masaya. Napapangiti na lamang ako kapag ika'y naalala. Kaya heto ako ngayon, sa baybayin ay hinihintay ka, Upang muling buuin ang panibagong alaala, Hanggang sa dumating ang takdang panahon na ikaw at ako ay magiging isa na.
0
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:29 AM UTC
Pagbabalik-Tanaw
Naglunad ako sa traysikel pa-sentro Kaskason an padalagan kan drayber Garo dai ma-lampas limang minuto Yaon na ako sa padudumanan ko Pero garo igwá akong nahihiling sa kanto Kaya bigla na sana ining puminundo Igwa kayang nag pára na sarong gurang Nagsakay siya, kaya naglipat ako Naglipat ako sa tungod ko Nakahiling ini sa sakuyang mata Asin nagsabi: "Noy, úbos na" Dai ko aram kun ano an ibig niyang sabihon Nagbaba na ako sa plaza Hiniling si Rizal Na nakahiling duman sa ido Na hinahabol itong para-habón Na igwang hinabon na limón Naghurop-hurop ako Nalingawan ko an tuyo ko igdi sa sentro Naglakaw-lakaw muna ako Hanggang sa nakaabot sa Market Pinapabakal palan akong limón ni amay Napagal ako sa kakalibot Mayò ni saròng nagtitinda An pirming simbag sako: "Noy, úbos na". —𝐔𝐛𝐨𝐬, a Bikol poetry.
0
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 11:57 AM UTC
Úbos
Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
0
Apr 29, 2020
Apr 29, 2020 at 1:55 PM UTC
Pagtanggap
Kaba. Yan yung nararamdaman ko noon Sa tuwing nakikita ko siya. Pero bakit ngayon, parang may kakaiba? Sa lahat halos ng aking ginagawa, Kinakabahan ako. Bakit ganito? Isip ko'y nalilito Hindi ko na alam kung ano yung gagawin Masyado na rin akong naging malungkutin Ilang araw na rin akong ganito, Parang laging nakikipagkarera yung puso ko Hindi ko alam kung ano yung hinahabol nya Pero minsan ako, naghahabol ng hininga Gusto kong iiyak na lang ang lahat Pero ang luha ko'y ayaw nang pumatak Tila ba naging tigang na lupa Sa gitna ng tag ulan Naubos na ang aking mga luha At naipon ang nararamdaman Naghahanap ng sagot sa lahat ng tanong sa isip At luminaw ang lahat, mas malinaw pa sa aking panaginip. Pero ayokong aminin Ayokong tanggapin Pero alam kong kailangan Gagawan ko ito ng paraan. Ayokong masira lahat ng aking pinaghirapan. Kakayanin ko'to Sarili'y kailangan ko lang pagtiwalaan.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:35 AM UTC
Kaba
"Magandang umaga sa mga ulap na kasing ganda ng yong mga mata. Habang lumulubog ang mga bitwin patuloy ang buwan sa pagkanta. Ang langit na sing tamis ng mga ngiti **** walang kasing lambing. Kung alam mo lang sana ang pakiramdam ko sa tuwing ika'y nakikita. O kung paanong ang puso ko'y lumulundag kahit di ko man idikta. Ang isip ko'y di mapakali hinahabol ang kanyang paghinga. Sa bawat patak ng segundo sa bawat hininga mula sa baga ko, Mukha mo ang naiisip tinig mo'y umaalingaw ngaw sa loob ng utak ko. Ibaling ko man sa iba ang atensyon ko naghihimagsik ang damdamin ko, Ikaw ang panaghoy ng puso kong sing lambot ng ulap na di mapanuto."
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:11 PM UTC
Pinagtagpi tagpig nadarama
Ako. Ako yung palaging nandito pero sya yung hinahanap mo. Ako. Ako yung handang ibigay lahat,pero sa totoo lang  hanggang ngayon ikaw ay hindi mulat. Hindi mulat na ako ang nandirito at sya yung malayo sayo. Malayo sayo, ako! Kase inilalayo mo at sya ang hinahabol mo. Ako. Ako. Ako. Kelan mo hahanapin yung ako. Ako na totoong nagmamahal sayo
0
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 7:54 AM UTC
AKO
Pilit hinahabol ng gunting-pamugot ang tanging dugsong na duguang pusod, huminto’t tumigil, piniringang may-takot ang pangalan ng saksi sa mga sagot - pusod, di-makita, hila ng sanggol na supót, nag-anyong kabayo, takbo nang takbo ngunit di abutan, kawatang kangkarot, akmang tatakas sa malupit na bangungot   mabuti’t nag-iwan ng aklat, Gat Patnugot, at tila ebanghelyong liwanag ang dulot - kapag namulat ka’y mahahawi ang ulap at ulop Kay sarap lumayang tila tsokolateng malambot.
0
Sep 26, 2021
Sep 26, 2021 at 7:50 AM UTC
Bangungot