Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hagupit" poems
Mahal na kilala kita sa simpleng haha Minisage kita kahit di kita kilala Sabi ko sayo hi ganda Di ko inakalang mag rereply ka Sabi mo salamat huh. Sa simpleng batian tayo nag simula Humaba ng humaba mga salita Hanggang sa nakita ko Ay hala mag kabirthday tayong dalawa Mapag biro ang tadhana Mas lalo akong naligaw sa bitag nya Pero sa pag kaligaw ko nahanap kita Sabay tayong na ligaw sa tamis ng tadhana Tapos sabi mo mahal may sekreto ka Mapag biro nga ang tadhana Kasi kng gaanu katamis ang pag mamahal mo Ganun din kasaklap ang katotohanang d pueding maging tayo Di pueding maging tayo kasi may nakatali na sayo Pero kinain ko ang lahat ng pait na to At oo kasalanan ko Ang dating maliit na biro ng tadhana Naging libingan ko Pero ayaw kong bumangon mula dito Pinilit ko,pinilit mo at naging tayo Kahit mapait pinilit natin na patamisin ito At naging okay tayo Ang saya nga ng birthday natin pareho Sinupresa mo ako At sa unang pag kakataon Napag tanto ko na mahal mo nga ako May pa cake kpa mahal at palobo Tumulo ang luha ko Kasi di ko inakala sa magiging masaya ako Magiging masaya ang kaarawan ko Kaya salamat sayo mahal ko Pero habang tumatagal mahal Mawawala na tayo Halos di ko na maaninag ang iyong anino Nalungkot ako Pero bumalik ka mahal At sinabi mo pabalik na siya Ang nakatali sayo Gumuho ang mundo ko Ang dating hukay ngayon ang naging bangin Wala ng takas sa sakit Ang sabi mo aayusin mo mahal Tataposin na ang dapat taposin Pero paanu kng sa istoryang to Ako ang pangalawa Ako ang kirido Ako ang maninira ng pamilya At siya,sya ang una at ang pinakasalan mo sa harap ng dambana. Mahal anu ang laban ko Nasasaktan ako At oo di ko pueding isisi sayo to Kasi ginusto ko din naman. Namalibing sa bangin na ito Pinaglaruan tayo ng tadhana Yung akala kong magiging masaya Nasa binggit na ng kataposan nya Ayaw ko man sana ipilit Pero sa bawat hagupit ng sakit Pangalan mo aking sinasambit Mahal naririnig mo pa ba ako Pag dumating siya panu na tayo Maaalala mo pa kaya ang mga pangako mo Na magiging masaya tayo Kasi kung ganun kakainin ko na din ang pait na ito Ou ako na bahala sa lahat ng pait Basta mahal mangako ka Di tayo aabot sa dulo Pero paanu sakanya ka kasado Ako,pangalawa lang ako Nadudurog na ako Gusto ko na sana taposin ito Pero paanu kng mahal kita Minamahal kita ng todo Ngayon gusto mo palain ako... Pero paanu kng sa bawat paalam mo Sinasambit **** mahal mo ako Mahal mo nga ba talaga ako O mahal mo lng ako kasi binubou ko ang kulang niya sayo Please kng aalis ka umalis ka lng Kasi di applicable sa atin ang kng mag mahal ka ng dalawa piliin mo ang pangalawa kasi sa una pa lng nakatali kana.
0
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 4:08 AM UTC
Pangalawa

Continue reading...
84
Bayan ko, Bayan kung sinilangan Saan ka ngayon matatagpuan Kagandahan mo't perlas bakit lumagapak? Bayan ko, Bayan ko tinalikuran kanang lahat. Kalunos lunos na hagupit sa bayan ko'y sumapit Pagkat mga kababayan ko Sa salapi naaakit, tila wala nang malasakit sa Bayang nagigipit. Wala na ang mga tunay na bayani, mga mapagbalat kayo tila naghahari. Mga pangakong tila binaon sa kabaon. Saan naba tayo ngayon? Bayan kong tinatangi. Paanu ba magagapi kung ang mananakop ay kauri. Masdan mo silang mag hari Ang Bayan ko'y naging isang malaking munti..
0
Nov 2, 2013
Nov 2, 2013 at 8:39 AM UTC
Tamang Landas Baluktot parin Bukas
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
“The essence of reality is contradiction” - Hegel Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas. Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin. Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala. Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses. Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador. At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos. Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli. Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 1:25 AM UTC
DIALECTICAL MATERIALISM

10
Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang Ang buhangin ay hindi sa bulag Sa mga mata ito ay puwing Mga alikabok at abo ng pangarap na durog at pira-piraso Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi Kung pagmasdan parang alitaptap Kahulugan nito'y munti sinag niyang katiting Sa tag -araw ay uulan ng mga butil na panalangin Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin Dadalhin sa sementeryo at ang lagusan nito ay walang himig Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 5:40 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim
Malakas ang bugso ng hangin Bunsod ng pangangailangan Bumubuhos ang ulan ng pananagutan Daluyong, sunud-sunod ang hagupit Mabuti pa ang kabuting mamunso Magkakambal lamang karaniwan kung sumibol Ngunit anong kalupitan mayroon ang kapalaran? Di na nga makaahon sa dagat ng kahirapan Ilulubog na naman ng alon ng kamalasan Bibilangin bang muli ang galos ng panghihinayang Tatapalan na lamang muli ang sugat ng puso Ng dahon ng ikmo ng kapaitan at binulungan ng orasyon ng sama ng loob Bigo pa rin sa paghihintay ng kayamanang mailap Litanya ng kabiguan:      Pagkawala ng mga ari-arian..........      Pagka-ilit ng lupa at tahanan..........      Pagkaulila sa magulang..........      Pagkasangla ng kinabukasan..........      Sakuna..........           Tila mga butil ng rosaryo           Walang hanggang pagtitiis Bukas darating ang maniningil – ng hinuhulugang 5-6 Nakasangla pa rin ang ATM sa ‘Lend Bank’ – di na matubos-tubos Tinawag na lahat ng santo at santang maaaring utangan Ng panustos na biyaya – GSIS Loan, ipanalangin mo po kami Provident Fund Loan, kaawaan mo po kami Kooperatibang Malapit, maawa ka sa amin Bumbay sa palengke, ipag-adya mo po kami Kubrador ng huweteng, patayain mo po kami Lotto, GrandLotto, MegaLotto, SuperLotto, UltraLotto,                     patamain mo po kami BIR, patawarin mo po kami Presyo ng langis, kahabagan mo po kami Lahat ng ito’y isinasamo namin Dahil lahat na yata ng kahirapa’y nasa AMEN.
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 5:08 AM UTC
Para sa Kaibigan Kong Binabagyo

37
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 10:41 AM UTC
Bagyo
Isa akong hamak na kabataan na pinagkaitan ng mapaglarong mundong ito. Sa isang madilim na bodega ako matagal nang nananatili. Mabaho at walang pagkain, araw-araw ay tinitiis namin ang kalam ng aming sikmura. Mahigpit na ipinag-uutos sa amin na pulutin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa loob ng tambakan na ito. Sinusunod namin ito ng maayoa ngunit tila ang pangakong binitiwan ng taong dumampot sa amin sa kalsada, na kami ay pag-aaralin, ay naglaho nang parang bula. Sa bawat sandali ng aking buhay, wala akong naging karamay kundi ang malaking salamin na nakabitin sa dingding ng malawak na silid na ito. Na at patuloy na nagsasabi sa akin ng pag-asa. Pag-asa na siyang matagal ko nang gustong makamtan. Sa tuwing titingin ako sa silid na aking kinalalagyan, halos mamatay na ako sa kawalang kalayaan na ito. Minsan pinipilit kong kumawala sa silid na ito kasama ng ibang kabataang inalipin na ng takot. Ngunit suntok at hagupit ng tubo ang aming natatamo sa tuwing nanaisin naming tumakas sa silid na ito. Hindi ko talaga lubos na maisip ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko. Kung ito ba ay totoo o isang panaginip lamang. Tumingin ako sa salamin at isa lang ang sinasabi ng aking wangis, hanggang kailan ko pagmamasdan ang mukhag nahihirapan at punung-puno ng kalungkutan? Mabuti pa ang salamin na ito. Sa or as na siaikat ang araw, lagi niyang ipinadarama ang panibagong pag-asa.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:22 AM UTC
Salamin ng Pag-asa ...
ala-singko ng umaga. nakakabingi ang katahimikan ng pagsikat ng araw. walang tigil ang pagtakbo ng oras at tulad ng araw, nagsimula nanaman ang pangkaraniwang siklo ng buhay. patungo sa sintang paaralan na ang bawat yapak ay parang timbang ng daigdig na nakalubog sa aking mga balikat. hindi kayang buhatin kahit pa ng buong mundo sapagkat ako'y nag-iisa sa paglalakbay patungong españa. sa bawat sulok ng maynila at mga kwento sa mga kalsadang ito, may mga paalala ng mga biyaheng hindi pa nararating at mga pangarap na patuloy hinahanap. sa kanto ng españa't lacson, sa kabila ng paghahanap at pag-asa, hindi natagpuan ang isa't isa. sa magkabilang sulok ng noval at dapitan, ang iyong mga imahe ay tila mga alaala na nakaukit sa pinakaloob ng aking isipan, kumakatok nang palaging handang buksan ang pintuan. bawat hakbang ko ay may kabigha-bighani **** presensya, subalit ang hinahanap kong pagtatagpo ay patuloy na umiwas sa akin, nag-iwan ng hinagpis at naglakbay nang walang direksyon. "manong para po" ang aking bulong sa jeepney drayber na parang tinik na dumadaloy sa aking lalamunan, humihila at humihila sa mga alaala na tila mga bagyong dumaraan sa aking isipan. bawat sinag ng araw, bawat hagupit ng hampas ng hangin, ay parang himagsik ng damdamin na hindi ko maitago. sa bawat kanto paikot ng españa, naroon ang mga multo ng ating nakaraan. mga anino ng mga alaala na hindi ko matakasan at sa bawat pagtatanong mo kung may pag-asa pa ba, ang bawat sagot ko ay tila mga punyal na tumatagos sa aking kalooban, nagsasabing wala nang dahilan para muling mangarap.ayaw ko nang lumakad sa landas ng nakaraan, na puno ng  mga bakas na minsan tayo'y nagtahup na patuloy na bumabalik at sumisira sa isipan. at sa wakas, narito na ako sa dulo ng aking paglalakbay, ngunit ang landas na tinahak ay tila isang malawak na dagat, hindi alintana kung gaano karaming bagyo at baha ang dinaanan. at kung tatanungin mo ako kung pu-puwede pa ba, ang hihilingin ko sa iyo ay mga barya papalayo sa'yo. ayaw ko nang malunod sa unang daan na puno ng kahapon at mga alaalang tila multong ayaw umahon. at sa bawat paghakbang ko patungo sa hinaharap, ang iyong alaala ay parang banta na nagbubulag-bulagan sa akin tuwing naglalakbay ako. nakakapangilabot. mahal pa rin kita. mahal pa rin pala kita. hindi na kasingpait ng dati. pero mahal, masakit pa.
0
Feb 9, 2024
Feb 9, 2024 at 12:31 PM UTC
mga sulok ng maynila

8
Huminga Huminga Huminga Marinong napadpad sa kawalan Na ang layag sana'y tungo sa kalayaan Ngunit napagod Kaya inanod Sumikad ng mabilis at baka ika'y masilo Huwag kang papahuli dahil ika'y solo Sa gitna ng kawalan ika'y sumulong Sapagkat marino,walang tutulong Sarili ay paalpasin sa pagtangis Kumawala sa nangangambang wangis Iwaksi ang lumbay Sa indayog ay sumabay Marino,huwag kalimutang ika'y buhay Hagupit lamang ito ng pagsasanay Maglayag at umalis sa kulungan Pumaroon kang muli sa KANYANG kanlungan Huminga ka at Magpahinga
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:54 PM UTC
Ang Marino at Ang Lumikha ng Karagatan
Sa bawat salitang binibigkas ninyo, ito ay tumatagos sa aking puso. Sa bawat katagang binibitiwan ninyo, nagmamarka ito sa isipan ko. Sa bawat masasakit na salita, ang kapalit ay pagluha. Sa bawat nakakagulat na kataga, pagkatao ko ay pinipintasan niyo na. Hindi niyo ba alam na ang tabil ng inyong dila ay matulis na matulis at nakamamatay pa? Sana'y inyong mapagtanto na, ang dila ay may hagupit din na dala.
0
Nov 5, 2016
Nov 5, 2016 at 1:06 PM UTC
Hagupit ng Dila
121622 Mga pangarap ay nasa alapaap pa, Susungkitin gamit ang pagsisikap Pag-asa at pananampalataya. Minsan, hinahanap ko pa rin ang sarili — Habang sa mga mata ng iba'y Doon pa rin pala ako nananalamin. At baka sa paligid ay naroon ang ligaya Kahit alam ko namang Isa lamang itong patibong. May mga katauhang nagpapaalala saking Gusto ko ring marating kung nasaan man sila. O makihati man lang sa mga bituing Nasa kamay na nila ngayon Habang ako’y naghihintay pa rin Sa sarili kong panahon. Binabalot ng dilim ang aking puso Bagamat ako’y lumalantad sa liwanag. Naghihikahos at nangugusap Ang damdaming namahay na sa parang. Nakakapagod palang mangarap Na tila ba ako’y pinaglipasan na ng panahon. Tila ba wala nang tala para sa’kin. Akala mo ‘yun na, Kaya ibibigay mo ang lahat Ngunit uuwi ka pa ring luhaan Pagkat paulit-ulit ka na ring nasaktan. Saan na nga ba ibabaling ang tingin? Kung ang lahat ng pinto ay kusang sumasara… Kung ang lahat ng balik ay pait at hagupit… Kanino na nga ba magtitiwala pa? Sa sarili ba o sa kanila? Sa kabila ng bigat ng aking mundo'y Nariyan pa rin ang Liwanag Ni hindi Sya natitinag Kahit ako mismo ang mang-iwan… At kung ang Liwanay ay walang kapaguran, Ay baka 'yun na rin ang dahilan Kung bakit mas nararapat ko pa ring piliin Ang pag-usad kahit pa nasasaktan. At baka sa dulo ng Liwanag, Ay naroon ang gantimpala Na kahit ang mundong ito'y Hindi makapagbibigay.
0
Dec 5, 2022
Dec 5, 2022 at 9:11 PM UTC
Walang Katapusang Liwanag
Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?
0
Apr 29, 2020
Apr 29, 2020 at 1:55 PM UTC
Pagtanggap
Binabaran ng mainit na kapeng barako ang naiwang tutóng sa lumang kaldero, walang panamà ang kaning binudburan ng niyadyad na tabliya sa panlasa ng até at bunso magkasamang nagmimiryenda - matamis na bukayo matamis na ala-ala . . . Tanyag ang tamis ng sintunis singkom man o lado limot na ang hagupit ng mga Hapones na malulupit ng kahapong ayaw umidlip. Nag-aanyaya ng pag-akyat ang puno ng bitungol, halikayo manibalang pa ang iba ngunit tamang-hinog na pangkulunggo sa mga isipang nahihilo’t nalilito. Maghapon lamang ang kabataan - mabilis, mabilis na dumaan Orasyon na ngayon, wika ng impô Huwag magpapaabot ng sireno Pag di’y sip-on ang aanihin n'yo! Opo, opo, Dala-dalang buslô Taglay ang naiwang litrato sa sulok ng isipan, ng balintata-o. Sa lahing hindi sumuko, magkakasama tayo.
0
Mar 26, 2021
Mar 26, 2021 at 7:57 AM UTC
Kapeng Barako XIII (Liping Di Sumuko)
Ako’y biktima ng tadhanang malupit, Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit. Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig Parang gumuho itong aking daigdig. Nang dumating ka at nakilala, Sugat sa puso’y unti-unting nawawala. Ano nga bang mayroon ka At puso ko’y napapatalon sa tuwa? Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama Puso ko’y nakadama ng kakaiba Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka; Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 7:59 AM UTC
“Pusong ‘di mapigilan”