Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
fe-2
Ako’y biktima ng tadhanang malupit, Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit. Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig Parang gumuho itong aking daigdig. Nang dumating ka at nakilala, Sugat sa puso’y unti-unting nawawala. Ano nga bang mayroon ka At puso ko’y napapatalon sa tuwa? Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama Puso ko’y nakadama ng kakaiba Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka; Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 7:59 AM UTC
“Pusong ‘di mapigilan”
(Ina) Lumipas ang mga buwan, ika’y di na nagparamdam, Pakiramdam ko’y lumalayo ka na ng tuluyan. Saan ka ba patutungo at ako’y iyo ng iiwan, Wala na bang halaga ang ating pinagsamahan? ‘Di na tayo tulad ng dati; Unti-unti nang naglalaho mga ngiti sa labi Sa isipa’y nagtatanong ano na ba ang nangyari? Kailan kaya kita makakasamang muli? Pag-ibig mo ba’y tuluyan ng naglaho? Na binura ng kahapon at tayo’y pinaglayo. Ako pa ba’y dapat umasa Na ika’y muling babalik pa? Hanggang kailan maghihilom ang sugatang puso, Na dulot ng nagdaang kahapon. Hanggang kailan maghihintay ang nangungulilang puso, Mga pira-pirasong puso na umaasang muling mabubuo?
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 7:50 AM UTC
KAILAN KAYA