"gigising" poems
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig…
Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo.
Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko.
Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba?
Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit.
Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula.
Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin.
Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan.
Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay.
Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 10:59 PM UTC
Umaga
Gigising at babangon
Ni hindi ko man lang
Narinig ang huni ng mga ibon
Umaga
Isusubo ang kakarampot
Na kanin
Na parang di ko nalasahan
Umaga
Na walang kapeng nahigop
Dahil kailangan ko ng
Pumunta roon
Umaga
Na makikita kong
Nakakunot sila
At hindi ko na napapansing
Ako na rin pala
Umaga
Uupo sa silya
Sisimulan ko na
Gusto ko ng matapos na
Tanghali
Parang ayaw ko na
Hindi ko na kaya
Tanghali pa lang pala
Tanghali
Hihigop ng kape
Walang tama
Isa pa
Tanghali
Bakit hindi pa matapos
Ang araw na ito
Wala pa palang kalahati itong
Tinatapos ko
Hapon
Ang saya nila
Anong pinag-uusapan nila?
Pwede bang sumali sa saya?
Hapon
Tangina
Wala na bang katapusan?
Sino ka para sabihan ako
Na tapusin ko na ito?
Gabi
Sa wakas
Malapit na
Kaunting tiis pa
Gabi
Na
Umalis na sila
Ako, nandito pa
Gabi
Ako na lang mag-isa
Pahingi ng tulong
Di ko 'to kaya mag-isa
Gabi
Nagpapasalamat sa langit
Pinatay ang ilaw
Buhay ang diwa
Masaya ang kaluluwa
Gabi
Kay raming tao
Hindi lang pala ako
Marami pala akong kasama
Hindi ako nag-iisa
Gabi
Nang maisip ko
Marami pa pala kaming
Nagpapaalipin
Sa lugar na ito
Sentro kung saan
Ang mga tao
Nagmamadali
Walang pansinan
Walang pakialamanan
Walang buhay
Walang kaluluwa
Gabi
Nang mapagtanto ko
Ayaw ko nito
Kasama nila
Nasaan ang kaligayahan ng puso?
Nasaan ang kalayaan ko?
Nasaan ang kalayaan nila?
May mararating ba?
Sila
Ako
Tayo
Itong tanong na ito
May mararating ba?
Tanong na lang ba talaga?
Gabi
Nang makarating ako
Sa aking lugar pahingahan
Nag-iisip
Natulala...
Umaga.
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:49 AM UTC
Anim na taon,
Anim na taon ka ng nagpahinga
Dahil sa takot na ‘dinulot ng iyong nakaraan
Pinilit **** bumangon at magpasya
Para manatiling buo kahit wala na s’ya
Ang bawat gabi at umaga
Ang pinili **** makasama
Dahil sila'y hindi magbabago kailanman
Di tulad ng iyong sininta na nagsabing Hanggang dulo'y walang iwanan
Pero ngayon siya ay nasaan?
Anim na taon,
Anim na taon **** pinili na mag-isa
Dahil nakakulong ka pa rin sa kayraming pangamba
Na baka may dumating muli at maging mundo mo sya
Tapos isang araw ay gigising ka na namang nag-iisa
Sapat na ba ang anim ng taon?
Upang palayain ka na sa tanikala ng kahapon
Sapat na ba ‘yon upang lumigaya ka na ngayon?.
Sapat na ba yun upang muli **** hayaan na may isang tao na muling mag may-ari ng iyong daigdig?
Sapat na ba ang anim na taon para muli kang huminga at pumintig?
O puso,araw mo ngayon,
Pasensya ka na sa anim na taon..
© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:51 PM UTC
gigising at muling sasabihin
na kakayanin at tatanggapin
mag-isa ko nga bang haharapin
bigat ng aking damdamin?
iiwanan mo rin ba
ang puso ko na binuhay mo pa
sana di na lang nag-abala
para ngayon ay tanggap ko na
ayoko na, tama na, awat na
pakiusap ko, sinta
malabo na ako'y makabangon pa
kung puso mo sa aki'y magsara
hayaan, iwanan, paalam
palayain sa baging
na ako rin ang naghaing
bitawan, wag sundan, paalam
May 31, 2014
May 31, 2014 at 7:30 AM UTC
paano mahihimbing
sa gabing 'di ka na malalambing?
bakit pa gigising
sa umagang 'di ka na kapiling?
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 1:04 AM UTC
Ikaw ang aking reyna
Kaya pala tingin mo saakin ay alila
Hindi lamang sa iyo
Pati na rin sa pag-ibig mo na hindi mabisa
Inutos mo na ang lahat saakin
Maliban na lang sa ikaw ang ibigin
Sinugal kong oras, ako'y rin lang pala'y lilisanin
Nilapag kong pag-ibig, inilipad lamang ng hangin.
Pagmamahal ko sayo ay totoo
Habang ang lahat sayo ay biro
Tinuruan mo ako mag mahal ng totoo
Ngunit sa sariling turo 'di ka man lang natuto
Matagal ka nang tumalikod
Sa relasyon nating nakakapagod
Wasak na ang puso, isip ko'y 'wag mo nang isunod
Matagal ka nang wala dito, matagal na ring akong lunod
Ang layo na ng iyong tinakbo
Natatapak-tapakan mo pa rin ako
Pakiusap aking reyna, umalis kana
Gigising pa ako sa pagiging tanga.
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 11:26 AM UTC
Okay lang naman kahit walang ganito
Kaya pa namang tiisin ang lamig ng puso
Pero bakit unti unti na babalik ang tingin
Gigising sa umaga ikaw ang agad hahanapin
Okay pa naman kahit walang pansinan
Mga normal na usapan na walang lambingan
Pero bakit nakatutuwang masilayan ang ngiti
Para bang ginugustong pagmasdan nalang ang 'yong labi
Okay ba sayo na pangarapin kita?
Nananaginip na akong kasama ka tuwina
Alam ko namang di ka maniniwala
Ngunit idinidikta ng isip na subukang pumusta
Okay kaya na mahulog sa 'yo?
Natatakot ako, baka di mo ko masalo
Pareho yata tayong takot magtiwala
Subalit bumubulong ang puso na ikaw ang tadhana
Okay na ako, handa nang humakbang
Lalakad, tatakbo kahit maraming humarang
Sa'yo lang nakatingin sa abot tanaw
Mananatiling ikaw hanggang sa pagpanaw
Okay sanang managinip nang ikaw ang katabi
Yun ang tanging pangarap, 'di na ikinukubli
Hihilingin sa langit at sa mga bituin
Na sana sa huli... ako'y sayo at ikaw ay maging sa akin
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:43 AM UTC
Ang tula ay isang wasak na puso
At isang nababagabag na isipan
Na lumalakad sa mga bubog ng alaala
Duguang mga paa, saan ka pupunta?
Lumuluhang mga mata, ano ang iyong nakikita?
Kung ang kahapon ay nilisan na, sa pagsikat ng araw mananatili ba?
Kung ang sana ay isang mahigpit na yakap, kakapit ka ba?
Kung ang mga halik ay matamis na panaginip, gigising ka pa ba?
Kung ang kanyang mga kamay ay pangako ng isang umaga, bibitiw ka ba?
Ang tula ay mga salita ng unang pagkikita at mga yapak ng paalam na.
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 1:00 AM UTC
010717
(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.
Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.
Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.
Matulog ka na, Anak.
#010717 #SpokenWordsNiTatay
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
lumipas ang mga Oras at Buwan,Ng hindi natin namamalayan. Lalo pa pala Tayong napapalapit sa isa't isa,at sa pag kakalapit lalo pang nahuhulog ang damdamin nating Dalawa.
Pilit inaalisa kung paanong ang simpling pangangamusta nauwi sa Tayo Na.
LDR na parang hindi naman.kasi kahit magkalayo ang agwat sa isat isa,Isang tawag ko lang sasagot Ka na.Isang lambing mo lang,pangungulila ko'y nawawala na.Isang "I Love You" mo lang kalungkutan ay napapawi na.
Walang kasawaang kulitan,tawanan na walang humpay,at hindi maubos-ubus na usapan.hangang sa hindi namamalayan ang oras na nag-daan.
kung dati pag inantok na itutulog ko na.Pero ngayon kahit anong antok pipigilan Ko,makausap lang Kita. kahit wala namang kwenta ang pinag uusapan pero para sakin,bakit ito ay Mahalaga.Tipong marinig lang ang mabining Tinig mo at tawang walang pakialam,Kontento na Ako.At kahit may pagkakataon na natutulugan Mo Ako dahil sa mag damag na Harotan at kulitan,wala lang sakin 'to,Basta naririnig ko lang ang mahimbing na pagkakatulog mo ok na ako.
Ngayon lang ako Nakuntento ng ganito.Minsan nga napapatanong na lang ako "Bakit ang Swerte ko Sayo".Simpling tao lang naman ang gaya ko at may simpling Pangarap na gustong makamit.Pero ng dumating ka sa mundo ko gusto ko pang taasan pa ang Pangarap ko yun ay ang makamit ka at makasama sa araw-araw na pag suong sa takbo ng realidad ng buhay ko.
Hindi man ito ang Oras at Panahon para makasama kita,Darating at darating din tayo sa puntong Gigising akong ikaw ang unang makikita,sa bawat pag dilat ng mga Mata ko.Ngiti mo ang sasalubong sa bawat pag uwi ko galing sa mag hapong wala sa tabi Mo.At yakap mo ang mag-aalis ng Pagod sa katawan at isip ko.
Ikaw na ata talaga ang Kapahingahan ko sa nakakapagod na Mundong Ito.
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 3:10 AM UTC
Naglalaro tayo,
Pero hindi parang biro.
Mayroong taya,
Pero hindi alam kung sino.
At walang tayo,
Pero sana’y parehas na manalo.
Sisilip ang pusong walang pagkukunwari.
At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya,
Pawang gabay sa nauuhaw na sandali.
Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa,
Pagkat umuusbong ang pagsinta
Sa para sanang taglagas na paghinga.
Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha
At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila.
Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw
At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan.
Dukha ang pag-ibig ko,
Bagkus hindi mamamalimos.
At sa mala-larong pag-iibigan,
Magwawagi rin tayo.
Sapat na ang nalalabing mga sandali’t
Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit.
Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig.
Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin
Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan.
Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro
Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Araw-araw bumabangon
sa sariling saliw;
ginigising ng gutom
na kumakahig sa bituka.
Minsa'y may buwan pa.
Minsa'y may araw na.
Palagian,
walang laman
ang platong hapag
sa sahig na simot
sa mumo.
Katamaran!
Katamaran
ang limang-minutong
pahinga
mula sa pag-araro ng lupang
'di pag-aari.
Katamaran
ang pag-inom
ng tubig
sa gitna ng pagkayod
sa araw na tirik.
Batugan kung tawagan -
palamunin
- mga litid na sakal,
makabagong alipin.
Mga matang idinilat
ng karahasan,
mga iyak na busal ng
kasadong bala -
Ngayon,
gigising.
Gigisingin hindi ng kalam sa tiyan.
Binalda ng pang-uumit -
bubulabugin
ng kapagalan
mula sa impyernong tahi
ng bukirin.
Gigising sa sariling saliw;
hindi sa gutom
na gumuguhit
sa bituka.
Gigising
Gigisingin
ng pakikibaka.
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 12:27 PM UTC
Offline nanaman siya. Pwede naman kasing magsabi sya ng wait, para alam kong di ako umaasa.
Madalas kasi lagi syang bigla biglang offline, ayoko namang tanong ng tanong tapos chat ng chat sakanya kasi minsan parang feel ko nauurat na siya. Feel ko lang kasi kahit ako nauurat nadin eh, paulit ulit nalang. Pero okay lang, kailangan ko nang masanay. Sanayan lang naman to.
But he's worth it, I swear he is.
If i would compare him, to a thing..
Probably it would be a Gum.
Sa una lang sweet, sa huli nawawalan na ng lasa. Bow!
Pero mahal ko padin sya kahit ganun sya.
As a girl, marami kaming gusto sa isang lalaki.
Lalo na ang mga Sweet Conversations, that always makes our days.
At ang pinakabest part? Yung mga Long Goodnight and Goodmorning messages, yung tipong gigising kaming mga babae sa isang sweet and blissful morning messages.
Yung tipong,
"Hi alien! Good morning, sorry kung natulugan kita kagabi,
antagal mo kasi magreply eh kala ko tulog kana. Sorry kung nag antay ka man, babawi ako. I love you"
Charot lang kahit wala ng, I love you.
As long as it touches our hearts.
Kumain ka na ng tanghalian oy, wag ka magpapalipas.
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 12:28 AM UTC
panaginip ang gumising sakin
sa umagang kay ganda ng sikat ng araw
ngunit pag mulat ng mata luha ang bigla nalang tumulo
panaginip na sakit ang dulot
panaginip na sa takdang panahon
ay alam kong mangyayare
panaginip ang gumising sakin
na sa katotohang hindi tayo
para sa isa't isa
panaginip na hindi ako ang bida
kundi kayong dalawa
sakit na dulot na parang
ayaw ko ng makita sa hinaharap
panaginip kung saan hindi ko mapigilang humagolgol sa sakit at kung saan ikaw mahal ay nagpo-propose
na sakanya at ako naman
ay pusong durog na durog na
ngunit nasa likod mo ito parin akong nakasuporta
itong panaginip na bang ito
ang gigising sakin sa katotohan.
masakit, nakakapanghina.
pero yon ang TOTOO.
pero mahal mamahalin parin kita
kahit siya ang bida sa panaginip ko.
panaginip na hindi ko alam kung masama ba o maganda.
Mar 22, 2018
Mar 22, 2018 at 10:42 PM UTC
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatangggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
tanga lang eh noh?
oh tapos tatawa tawa ka?
Kung sabagay…
Hindi kita masisissi.
Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya
Sa ibabaw ng alapaap
Sa yakap na mahigpit
Sa kamay na minsang nakatagpo ng
Palad
Palad na handang dumamay
Palad na handang umakay sa matarik na bundok
Binuo ng mga daliring handang takpan
Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na
Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo
hindi.. hindi kita masisisi
dahil hindi naman ikaw nag nakadama
ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang
ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko.
Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting
Ipininta ng bawat tawang ibingay
Sa mga simpleng kantang inialay.
hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban
nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon.
Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang
Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo
At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka
Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay.
Hindi.. hind kita masisisi
Dahil hindi mo ramdam
Ang kirot na humiwa dito..
Nung araw na sinabi nyang
“Ayokona”
Ayokona?
Walang eksplenasyon ni walang pasubali
Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at
Sinabi kong tama na
Tama ka nga siguro
Ayaw mo na..
Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang
Wala na. tapos na. ending na.
Tapos
Isang araw
Bigla syang kumatok, sabi
“sorry”
Tanginamo. Para san pa?
Ako pa rin daw..
ako parin daw.
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatanggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
pero di gaya ng dati
hindi
na
ako
tanga.
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 4:47 AM UTC
Ano…
“Ano ang pakay mo dito sa mundo?”
Iyan ang unang tanong niya sa akin.
Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay,
Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay.
Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit
Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit.
Sino…
“Sa iyong palagay, sino ka?
Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?”
Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan.
Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan.
Ngunit ako ay may karapatan
Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan.
Bakit…
“Bakit ka umiiyak?
Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.”
Tama ka, siguro ako nga ay mahina.
Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila.
Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak.
Minsan, ang langit din naman ay umiiyak.
Saan…
“Saan ka tutungo?
Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.”
Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan.
Nais ko lamang na makahanap ng tahanan,
Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan.
Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?
Kailan…
“Kailan ka ba magigising?
Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.”
Gising ako at mulat ang aking mga mata,
Pagod na pagod na akong maging bulag pa.
Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta,
Mga kantang may lason upang hindi na magising pa.
Paano…
“Paano mo gagawin ang lahat ng iyon,
Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?”
Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral,
Gagawin ko dahil kaya ko; basta kasama ko ang Maykapal.
At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin:
Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 10:47 AM UTC
sa bawat minutong lumilipas
tila may pagkakataong napakabilis
ngunit pasakit dibdib ang pagkabagal
Ang paligid ay nagmimistulang kawalan
Hindi napapansin sa kahihintay
paghintay sa oras na muli kang mangusap
paghintay sa pagasang magtatagal lahat
paghintay sa katagang "babalik" lahat
Lumilipas ang gabing puno ng katahimikan
tanging pagbigkas mo lamang
ang siyang gigising sa diwa
Subalit tila ang paghintay ay walang patutunguhan
Hanggang sa unti unting nang sumuko
pagasa'y nawala
paghihintay ay natigil
hiling ay naglaho
itigil na ang ilusyong ito.
Dec 2, 2017
Dec 2, 2017 at 7:26 PM UTC
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal
Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na lilipas
ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong
buhay ko na wala ka.
Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko
Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito,
ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo.
Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla.
Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling.
Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama.
Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba.
At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo.
Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:34 AM UTC
Sanay na sa tapang ng kape
Mapa-barako, cappuccino, espresso
Instant coffee, iced coffee o galing
Man yan sa vendo machine.
Wala nang bisa ang caffeine
Di na ramdam ang nerbyos,
Maski ang biglaang palpitations.
At hindi kompleto ang mga gabi
Kung walang ang init, mula sa
Tasang tangan, upang ibsan ang ginaw.
Saksi sa matang puyat
Sa mga gabing walang inspirasyon
Sa tuwing nagsusulat
Sapagkat ngayong gabi ay iba na
Ang dahilan ng patuloy na pagdilat
Di na kape ang dahilan ng kaba,
Ng pagbilis ng puso at paghinga.
Marahil nga ay mas malakas ang tama nya.
Dahilang kasabay ng pagkataranta
Ay ang tulo ng pawis mula sa likod ng tainga.
Sya na rin ang isinisigaw,
Sa bawat tintang ipinahid
Na nilangkapan ng maliliit na patak ng kape
Na nagmamantsa sa sinintang pahina.
Ang bawat piyesa ay may ibang kulay na.
Hindi pala kape ang gigising sa diwa,
At hindi rin ito ang magiging dahilan
Ng pagkabalisa, Sapagkat narito ka
Ikaw na nagbigay ng malakas na tama
Tamang kung minsan ay di na pala tama.
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 10:42 AM UTC
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras,
tumaya sa natatanaw na dulo,
at maniwala sa pangitain ng bukas.
Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo
at pagbibigyan itong manalo.
Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot.
Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid.
Sa panaginip, sa tabi mo gigising.
Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling.
Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat,
baliktarin man ang aking unan,
sagutin man ang mga natitirang palaisipan,
at kahit manatili man saglit,
hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit.
Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas
magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na
ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas.
Kung saan walang pwersang hihila.
Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Kasi kahit anong gusto kong lagpasan ka, kailangan pa rin kita daanan.
Ang hirap kasi, andami kong oras na nasasayang. Pero kung wala ka, bakit pa ko gigising ng maaga? lagi kitang pinaghahandaan, ikaw lang ang nandyan sa 'twing mahuhuli ako ng lakad.
Isa kang paalala na kailangan kong maghintay, kailangan kong magtiyaga.
Di ako lilihis ng daan, para iwasan ka lang. Kasi mas nakita ko yung mga lugar na dinadaanan ko pala araw araw. Kesa noon, ang nakikita ko lang yung patutunguhan. Ngayon, parang ayaw ko na makarating sa paroroonan.
Pero sana wala ka nalang. Para di ako laging kinakabahan na,
"Huli na ko".
Dec 30, 2016
Dec 30, 2016 at 9:06 PM UTC
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway.
Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay.
Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi.
Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili
sa gitna ng mga kuro kuro,
pag aalala
at pagkalungkot ko bawat gabi.
Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi.
Para kang buhay sa bingit ng katamayan.
Para himig sa kawalan.
Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay.
Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig
Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi.
Anong nangyari?
Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito.
Bakanteng lote puwang sa puso
na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:22 PM UTC
Nung ika’y umalis at lumisan
At ako’y iwanan ng tuluyan
Tanging sinabi sa sarili ko
Kaya ko ‘to
Nung nalamang ika’y nag-iisa
At ako’y pilit na nagpapakasaya
Sambit ng pusong nagpapalakas
Kaya ko ‘to
Nung bawat sakit ay pilit bumalik
Bawat pagkukulang at bawat pasakit
Tinibayan ang loob at sinabing
Kaya ko ‘to
Nung sumagi sa isip ang bawat alaala
Sa bawat ngiti at bakas ng ligaya
Pilit kong pinagiisipan
Kaya ko ‘to?
Nung ika’y hinahanap ng puso
Sinisigaw sa bawat pintig nito
Naguguluhan na ako
Kaya ko ba?
Nung nakikita kang masaya sa iba
At sinampal sakin ang katotohanang
Hindi ka na babalik pa
Kaya ko pa ba?
Nung napagtanto na ika’y mahal pa
At sakin ay ayaw kang mawala
Gusto kong isigaw sa mundo
Hindi ko kaya ‘to
Nung sa’yo ay nagsusumamo
Nakikiusap na muling maging tayo
Ngunit tuluyang binitiwan na ako
Hindi ko na kaya ‘to
Nung ika’y masaya na sa kanya
At ako’y nilimot sa pag-iisa
Tanging lumabas sa aking paghinga
Ayoko ng ganito
Ngayong tuluyan ka nang nawala
Bakas mo ay pilit hinuhugasan
Ngayon ko dapat isiping
“Kaya ko ‘to”
Sana’y makabangon na sa aking pagbagsak
Tumungkod sa sariling mga paa at ituloy ang landas
Pilit pinapaalala sa pusong nasawi
Kakayanin ko ‘to
Babangong muli sa bagong umaga
Gigising sa katotohanang wala ka na
Lalakad ng mag-isa kahit masakit
Lahat ng ito’y pilit kakayanin
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 12:55 PM UTC
ilang beses mo itinatakda sa telepono
ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan?
tipong ididilat mo na lamang ang mga mata,
magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape,
at wala nang iba.
sana ganoon din dito sa amin.
sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong,
pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero.
ito ang alarmang gigising sa 'min
kahit kami'y mga gising na.
mapapipikit ang mga mata sa takot,
sabay takip ng tainga,
dahil sa sunod-sunod na sunog,
tanaw mula sa bintanang karatig ng kama.
paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan
ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan?
tag-ulan pa naman, maaaring bumaha.
at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan.
paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak
na kumakalampag sa dingding,
nanunuot ang alingawngaw sa balat?
paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan?
takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi.
kinain ng nagniningas na apoy ang orasan.
pribilehiyo na
ang tanungin ang sarili
kung paano ka gigising bukas
'pagkat paano nga ba sila matutulog?
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 10:45 AM UTC
Gabi-gabing tinitiis ang lamig
Ng pusong binibigo ng pag-ibig
Unti-unting bumibitaw ang mga kamay
Sa relasyong unti-unti na ring namamatay
Sa bawat bitaw ng buntong-hininga
Kalakip ang malaking panghihinayang
Sa bawat luha na tumulo mula sa mata
Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya
Pilit mang itulog na lang ang lahat
Pilit mang ibaon ang sakit sa limot
Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot
Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot
Kailan kaya gigising sa umaga
Na kayang tanggaping wala ka na?
Kailan kaya gagalaw muli ang oras
Na tumigil nung bigla kang nawala?
Kailan maghihilom ang mga sugat
Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon?
Kailan kaya ako makakalimot ng lubos
Para puso'y matutunang umibig muli?
Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid
Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis
Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo
Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko
O Pag-ibig na mahirap mahagilap
Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap
Sana'y ang susunod siya na ang huli
Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC