Minsan nasabi ko nun sa sarili ko,na hindi na ako muling magsusulat pa.
Kasi pag ako humawak ng papel at lapis sa kalagitnaan ng gabi ibig sabihin na hindi ako masaya at nilalamon na ako ng lungkot hanggang awatin na ako ng araw sa umaga at sabihin na pumikit kana.
Pero sandali lang.
Hindi naman ako malungkot at hindi naman hating gabi ngayon. Maingay nga dito at heto ako gising na gising. Sumasabay sa ingay ng mundo.
Magsusulat ako para malaman mo kung ganu ka kahalaga. Yung kahit paulit ulit pa ok lang, kahit na di na tumugma ang mga letra at di ko makuha ang tamang talata.
itutuloy ko na to. Pano nga ba,na ang mga nasulat ko dati ay puro kabiguan at sakit sa damdamin ang tema,pano nga bang ako ay nilalamon ng gabi at awatin ng umaga.
Pano nga bang natapos ang mga araw na akala ko ay buwan na ang magiging araw.
Ou nga nagsimula ang lahat sa salitang di inakala.
Na ang pag ibig natin ay maihahalintulad sa mga eksena nang mga pelikula na hindi pa naipalabas sa sine o pelikula.
Nais ko lang malaman mo at ng mundo na umiikot sa mga masasakit at matatamis na salita kung ganu ka kahalaga.
Kung papaano mo tinapos ang mga gabi at araw na halos di ko na makilala ang aking sarili sa pagpapanggap para lang maging masaya.
Salamat sa pagpapadama ng tunay na kaligayan at halaga. salamat sa tunay na pamilya na iyong dala.
salamat sa mga simpleng bagay na lubos ko na kinasaya at salamat sa pagmamahal na walang katulad at dalisay simula pa nung umpisa.
May mga araw na ako din ay anlulungkot kahit pa tayo na,Hindi dahil may ginawa ka pero naqpapaisip lang talaga ako kung karapatdapat ba talaga ako sa isang katulad mo.
Pero salamat kasi ni minsan di mo pinadama na iba ka,kasi tayo nga naman ay iisa.
Nais ko lang din malaman mo kung ganu ako kasaya,na merong ikaw at ako at darating ang panahon ay ikaw ako at mga bata.
At nasasabik na din akong ikwento sa kanila kung panong ang ikaw ay umakyat sa pinakamatataas na kabundukan ng ating bansa.
Masaya ako na nagawa mo ang mga bagay na iyong pinangarap at aabutin naman nating dalawa ang ating pangarap na maging ISA.