Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"galaw" poems
Hindi ako magaling kumabisado Inaamin ko, hindi ako magaling kumabisado Higit sa lahat, ayokong pinipilit akong tandaan ang mga bagay na ayoko Pero gusto kong makabisado ang tunog ng pagakyat mo sa hagdan Gusto ko makabisado kung ilang kutsara ng asukal at takal ng gatas ang tinitimpla mo sa kape Gusto ko makabisado kung anong paborito **** palaman sa tinapay at kung kailangan mo ba ng alalay Gusto ko makabisado kung inuuna mo bang kainin ang balat ng manok o hinuhuli mo Gusto ko makabisado kung anong timpla ang gusto **** sawsawan sa iyong ulam...matamis, mapait, maasim o maanghang. Matamis, mapait, maasim o maanghang... Gusto kong makabisado, Gusto ko makibasado kung paano minumulat ang mata matapos magising sa mahabang panaginip Gusto ko makabisado ang galaw ng iyong mga kamay sa kung paano mo inaayos ang iyong kurbata Gusto ko makabisado kung paano mo tinatali ang sintas ng sapatos mo sayong mga paa Hindi ako magaling kumabisado... Inuulit ko, hindi ako magaling kumabisado Pero gusto ko makibasado lahat ng tungkol sayo, Sa maliit man o malaking detalye, madami man o kaunti Sa kung paano ka bumangon sa umaga at sa pagahon ng araw, Lahat ng iyong ginagawa sa umpisa at ang iyong hiling kapag tapos na Importante man o walang kahulugan, mahalagang ito'y aking malaman. Ang gusto ko lang makabisado Makabisado Makabisado At sa huling beses, uulitin ko Hindi ako magaling kumabisado Pero kakabisaduhin ko ang hugis ng iyong mukha, ang maiitim at mahahabang pilik mata, ang ngiti sayong labi, ang tunog ng hininga kapag ika'y katabi Gusto ko lang makabisado At kakabisaduhin ko Kakabisaduhin ko kahit gaano katagal Abutin man ng syam-syam, buwan-buwan, taon-taon, Itaga mo man sa bato Sumigaw ka man ng "darna" Pero mahal, kakabisaduhin ko... Kakabisaduhin ko, Maubos man ang mga bituin na siyang nagbibigay direksyon sa kung saan patungo Kakabisaduhin ko simula sa umpisa hanggang sa dulo Simula sa unang letra ng pangalan mo, kasunod sa numero ng kaarawan mo hanggang sa hibla ng buhok mo Panagako mahal, kakabisaduhin ko para sayo Kakabisaduhin ko At kakabisaduhin ko ang tibok ng puso mo, Umaasang baka sakaling masabayan ko
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:11 PM UTC
16

Continue reading...
48
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya Nakakatawang isipin, Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko Ang inosente sa ngalan ng pag ibig, Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko Sa bawat kainan na ating napuntahan Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan Sa mga sinehan na ating pinanuoran Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan, Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit, Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo At ang buong sistema ng mga tula ko Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw Gusto kong humakbang, kung anong meron tayo Gusto kong higitan, ang mga nagawa ko para sayo Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat Konting lapit ay luwas ng mabilis Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi.. Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan Na habang buhay mag hihintay sa bakuran At umaasa na sana pwede pang humakbang..
0
Feb 25, 2016
Feb 25, 2016 at 1:43 AM UTC
Mag Kaibigan
Alam mo ba ang tunay kung nararamdaman, Mga galaw mo na kaya akong saktan, Tapos hindi mo alam, Lahat ng sakit kinikimkim ko, Para lang di mo lang ako masabihan ng walang tayo. Sasabihan mo rin ako ng bakit ka ba ganyan dinaman kita jowa, Ang sakit sobra, Kaya lahat ng nararamdaman ko dinaan ko sa tula, At sinasabi ko sayo lahat ng tula ko para naman matamaan ka. Ang manhid mo grabe, Hindi ko na alam ang gagawin, Sinabi ko na sayo lahat ng ibig sabihin ng mga tula ko pero wala parin, Alam mo bang yung pahanon na may kahawak kamay ka, Nag selos ako pero sino nga ba ako para maramdaman yon. Nasasaktan ako lalo na sa mga pinagsasabi mo, Yung mga salita mo na parang kutsilyo na tinutusok ako, Nag sabi ka ng I love you, Pero hindi pala totoo. Bakit kailangan mo pang sabihin? Yung salitang kaya ako paasahin, Kung hindi naman sa puso mo nanggaling, Ang sakit isipin lahat pala yun ay hanggang pang kaibigan lang pala. Sinabi na nila sayo na nasasaktan ako deep inside, Tas ikaw tumatawa, Ano yung feelings ko clown para pagtawanan mo, Ang sakit sakit na. Hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero nasasaktan na ako, Hindi ko na kaya, Sana wag dumating yung araw na aalis ako, Kung saan sa huli mo lang narealized ang lahat nang sinasabi ko sayo. Sana dumating yung araw na pagsisihan mo yung pag alis ko, Pero sino nga ba ako para sayo? At bakit kailangan mo pang pagsisihan ang pag alis ko, Isang hamak na kaibigan lamang ako. Sana rin dumating yung araw na hindi ako aalis, Kasi may tayo, May ikaw at ako, At yun ay isang panaginip na imposobleng mangyari.
0
Dec 1, 2018
Dec 1, 2018 at 11:38 PM UTC
Maskara

38
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip. Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili **** gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.   Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman. Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan **** punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan **** sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita. Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 12:58 AM UTC
WALANG KAHULUGAN ANG BUHAY

5
Ayoko na pahabain ang mga sasabihin ko. Dahil ayaw ko narin maalala ang mga tawag ko sayo, mahal,bby,baby,kupal, tangina naalala ko lahat kapag nararamdaman ko ulit yung sakit. Yung sakit na binigay mo nung iniwan at naghanap ka ng iba. Yung sakit na pinaramdam mo sakin na merong ikaw at ako yung tayo. Yung sakit ng pagpaparamdam mo sakin na mahalaga ako. Yung sakit! Hapdi Sakit Kirot Hapdi Sakit Kirot Tangina yan lahat ng klaseng sakit na nararamdman ko pag naaaala ko yung anong meron tayo. Pero naging ano ba talaga kita? Naging ano mo ba ako? Nakgkaroon ba ng tayo? Baka naman ako lang yung nag iisip na merong TAYO. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** kwarto kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago **** patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw 07/26/16 9:44 am Tuesday I wroted this poem during my class in philosophy
0
Jul 26, 2016
Jul 26, 2016 at 10:20 AM UTC
Paalam

33
Ilang taon ka na ring laman ng puso ngunit napagtanto na tigilan na ito naging prince charming na nga kita sa isip ko at ayoko ng maging prinsesa mo. kaya titigilan ko na ito. Alam mo bang tayo lagi sa panaginip ko, sana ganon rin sa paggising. Ngunit ang layo pala, ang layo palang maging tayo kaya pipilitin kong kalimutan ang mukha mo at di na aasa sayo dahil sa una palang, kaibigan lang ang turing mo sakin at ako naman tong si tanga, umaasa na mamahalin mo at nilalagyan ng malisya lahat ng galaw mo kaya sa huli, laging nasasaktan ang puso ko. kaya titigilan ko na ito.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:02 PM UTC
pusong asul
Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao. Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba. "Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga. Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw. Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay. Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita. Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to. Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo. Pader ng pagiging malaya. FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:31 AM UTC
Pader ng pagiging malaya

Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig… Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo. Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko. Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba? Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit. Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula. Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin. Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan. Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay. Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 10:59 PM UTC
Sampung Bagay na natutunan ko sa Kolehiyo

10
“Whatever satisfies the soul is truth” - Walt Whitman Sadyang mapaghimagsik ang iyong panulat ‘pagkat nilabag nito ang lahat ng tugma at sukat. Isa kang tunay na rebolusyunaryo sa larangan ng panitikan ng tulaan. Sinalungat mo ang tradisyunal na konsepto ng panulaan. Binigyang laya mo ang galaw ng damdamin upang ganap na kumawala ang tinig ng kaluluwa at sinabi mo na ito nga ang wagas na kahulugan ng tunay na tula. Na ang tunay na tula ay hindi dapat limitahan ng sukat, tugma at ritmo sapagkat ito ang sigaw ng kaluluwa’t damdamin. Bagama’t hinamak ka nila at inusig noong ikaw ay nabubuhay pa subalit napatunayan mo naman sa lahat na tama ang doktrina mo’t pananaw. Ngayon ikaw ang tinitingala at binabathala ng lahat ng mga makata, ikaw ang itinanghal na ama ng Malayang Taludturan. Salamat sa Leaves of Grass at Song of Myself kung saan ipinagdiwang mo ang pag-ibig mo sa buhay, kalikasan, kaibigan, pamilya at sa lahat ng mga bagay. Sabi nila bastos daw ang mga tema at paksang iyong tinalakay palibhasa’y nagpakatotoo ka sa iyong sarili at pagsasalarawan ng buhay. Salamat mahal na **** sa iyong ginintuang pamana sa amin, salamat sa Malayang Taludturan, salamat sa pag-ibig mo sa panuluan. Ikaw na nga talaga ang humalili kina Dante, Homer at Ovido. Mananatili kang buhay sa aming ala-ala mahal na pantas.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 3:59 AM UTC
ODA PARA KAY WALT WHITMAN (Isang pagpupugay sa Ama ng Malayang Taludturan)
Mahal kita Di ko maintindihan Ako ay lagi **** iniiwasan Simula lang noong inamin ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik pati ang puso ko na aking inihati Nang hindi na sumugpong ang isang piraso Nalaman ko na kay sakit pala mabigo Tatlong beses nanalamin Hinanap ang sariling kapintasan Buo kong kalooban ay naranasan na madurog nang lubusan Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit Mahal, ang una kong salita na  magdudugtong ng aking pagsinta Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod at ang ningning ng estrelya ay susundo sa wikang pampag-ibig na puno ng mga ninanais Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran Nais kong kipkipin mo ang mga rosas na minsan nahiya Dalawang puso natin na sabik Nais ko rin basbasan ito ng langit Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan Di man matipuno, may galaw sana akong magalang Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin na ang pag-iibigan ay pagpalain Tulad ng pananalamin ng mga letra gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan At ang huling mga salita Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 5:24 PM UTC
Hiling sa Pasko

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda Buwan at araw ang ating saksi Ikaw ang dulo, gitna at panimula Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa Bakas man ang pagod sa mga mata Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan Sa mga dahon na sumasayaw; Sumasabay din ang bawat galaw Nais kapang makilala Gaya ng kalikasan Unti-unting matutuklasan Pag-ibig na gustong maasam Dagat na walang katapusan Sa init man o lamig Ikaw lang ang sasamahan Walang hirap basta’t magkakasama Anumang daan nais kong malagpasan Sa’yo ang direkyson, saan man patungo Gusto kong manatili Sulitin ang lahat Bago ang araw ay sumapit Gaya ng kalikasan Nandoon ang nais makita Magsasama hanggang langit Kay gandang pagmasdan Mga puno’t halaman Hindi ko alam kung hanggang kalian Wala sanang unos o kalamidad Gaya mo ay kalikasan Nais protektahan Nais alagaan
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:50 AM UTC
Ikaw at ang kalikasan
Limutin na ang mundo *Forget the world And its intricacies Your abusive father Your good-for-nothing frenemies Let go of the earth Reach for the uncertainties* Nang magkasama tayo *I'll be here holding your hand Reading your fears In the lines of your palm While feeling your taken risks In the spirals of your fingertips* Sunod sa bawat galaw *Let me take the lead Follow my steps As we waltz off From our consciousness to the chains of the world* Hindi na maliligaw *We'll never be lost When all miseries will be unknown Or at least, we'll be lost In all that is ours* Mundo'y magiging ikaw *You will be my world And I hope I'll be yours too*
0
Oct 7, 2017
Oct 7, 2017 at 3:39 PM UTC
World
Sabi mo, "Biktima tayo ni tadhana" Teka, hindi ko ata makuha Tayo ba'y mga manika Na sumusunod lang sa galaw ng kamay ni tadhana? Tila sa gitna nag-umpisa, Mali ang naging simula, Minadali natin ang lahat Kaya ngayo'y may mga pasa at sugat Patawad ang sinabit Bibig ko'y napuno ng pait Akala ko'y iba na ang magiging dulo Pero marahil nga, masyado tayong naging magulo Mga puso'y hindi pa pala handa Tila mga bata pa ring hindi nagtanda Sa mga turo ni tadhana Kaya ngayon nauwi na naman sa akala Salamat na rin siguro Dahil sa'yo napaalalahanan ako Magpalaya upang makalaya, Hilumin ang puso't hayaan ang sarili'y maging masaya
0
Jan 15, 2019
Jan 15, 2019 at 10:46 PM UTC
Akala
Saksi ang buwan at mga bitwin sa araw ng tayo'y nagkakilala. Bawa't kilos at galaw, at tinginan ng mga mata. Saksi ang bawa't taong nakapansin ng lambing ng pag-uusap at kay lagkit ng mga tingin. Saksi ang mga nanood sa entablado kung pano mo siya napatawa sa isang eksenang sa script eh wala. Saksi ang mga guro't ka-eskwela sa isang pag-kakaibigang puno ng kalokohan at saya. Saksi ang mga kasama't kaibigan kung paano nag-simula ang di-inaasahang pag-iibigan. Saksi ang mga kapamilya't ka-opisina ang isang pag-sasamang puno ng hirap at ligaya. Saksi sila ng mga away at tampuhan na pilit nating nilampasan. Saksi ang buong mundo sa lahat ng gulong nadaanan, pero isang Saksi ang gumawa ng paraan. Naging Saksi ang Diyos ng mga pangakong binitawan, na di kailanma'y maghihiwalay anoman ang pagdaraanan. Kaya’t narito akong muli para tumupad ng pangako. Na buong buhay kang pagsisilbihan, mamahalin at di kailanman pa’y susuko. - July 8, 2010
0
Jul 7, 2010
Jul 7, 2010 at 10:27 PM UTC
9th at 8
Kailanma'y hindi ako nagsawa Hindi ako magsasawa Na titigan ang masaya **** mga mata Tingnan ang labi **** tumatawa Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga At tanawin ang nakabibighani **** mukha Hindi ako magsasawa Ilang araw man ang dumaan Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan Tila nga nalulusaw na ang kisame Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi Malaanan ka lamang ng oras Kahit man lang sa isipan ko At ang pananatili ng iyong mga bakas Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko Dahil kung merong pagkasugat Kasunod agad nito ang peklat Na mananatiling sa aki'y nakatira At hindi na ito mabubura Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon Ang iyong mga di pagtugon Kabisado ko na ang iyong mga galaw Kagaya nang kung paano ko laging naaalala Ang iyong pagtanaw Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti Kabisado ko ang iyong mga "hindi" Kabisado ko na kung saan kita makikita Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso Tuwing nakikita ko ang sapatos mo Itim at pula Ang kulay kung saan lagi kitang naalala Rinig ko na ang malakas na pagtibok At agad akong nagtatago sa sulok Hindi ako magsasawa Magpapatuloy ako At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko Oo, masakit Nasasaktan ako Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako Lumipas ang mga buwan Sa aking puso ka pa rin nanininirahan Sa dami ng unos na aking naranasan Nahihirapan akong tumahan Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako Hindi ko alam kung paano nangyari ito Biglaan nalang Kagaya ng paglaho mo Pagod na ako Pagod na akong intindihin ang aking nadarama Pagod na akong umasa Pagod na akong maghintay sa wala Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari Mga bagay na hindi ko mawari Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo Pero nagkamali na naman ako Dahil nakalimutan ko Na hinding hindi pwedeng maging "tayo" Dahil iba ang gusto mo At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo Dahil hindi tayo talo Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit Pagod na akong kumapit Pagod na ako sa sakit Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita Pero bago matapos ang tulang ito... Pakinggan mo ako Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit Pakinggan mo ang liriko ng aking awit Pakinggan mo ang tono ng aking tula Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata Dahil maaaring ito na ang magiging huli Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait Dahil, sobra nang pait Ayaw ko nang damhin Ang mga sugat na dinulot nito Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo Ako lang pala ang kumakapit Kaya tatapusin ko na Ako'y bibitiw na Nang sa gayo'y maging malaya ka na
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Hindi Magsasawa

90
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi, Malakas man, mahina o pag-pipigil Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog Sabay tayong lumuha Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos, Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit Narinig ang bawat kilos at galaw Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 8:41 AM UTC
91
maniwala ako sa'yo sa mga kilos mo maniwala ako sa'yo sa mga salita mo maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi mo mga bukambibig mo galing sa iyong mga labi na hindi nagsisinungaling maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi ng galaw mo na siyang nagbibigay pag-asa aasa laging umaasa na sana totoo nga na sana totoo na lang na sana totoo ka na sana wag kang matakot na sana wag kang magtago maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi mo binibigyan kita ng tsansa para maniwala na ako sa mga sinasabi mo sa mga kinikilos mo maniniwala ako naniniwala ako sa'yo
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 4:51 AM UTC
maniwala
Marahil walang isang salita ang makakapag-bigay linaw Sa kadilimang taglay ng tuwina, sa aking labi, tila nawawala ang ilaw Mga mata'y malayo ang tanaw ngunit hindi nito saklaw ang pagitan Higit na malawak at binabalot ng panglaw, sa paggising ay salat sa iyong galaw At oo, tila nagkakaiba ang wika na kilala ng ating mga dila, kaya't iaalay na lamang ang buwan at araw sa'yo, aking mahal, pati na rin aking diwa Mula sa sulok ng aking silid at sa isip na puspos ng suliranin, isinusulat itong munting tula sa buwan ng aking wikang kilala Mga kamay ko'y ipinagdiriwang na mayroong ikaw at ikaw ay akin, ipinagbubunyi ang buwan ng ikaw puso'y tatangis hangga't ika'y makapiling
0
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 8:38 AM UTC
Buwan Ng Ikaw
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible." Napakaimposibleng mapa sakin ka Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa Ang pag-ibig ko sa iyo Ay parang pagsusugal sa loto Alam kong malabong ako'y manalo Alam kong maaari akong matalo Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko. "Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari." Nakatira ka sa isang palasyo Isang paraiso Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo. Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo Kung saan maaaring maging tayo Ngunit mukhang tama nga sila Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa. "At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita." Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo Ilang ulit na rin akong nabigo. Wala ng ibang paraan Kundi lumisan Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo Hindi ka nararapat sa isang katulad ko Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba Hanggang pangarap lang kita.
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:46 AM UTC
I. Pangarap Lang Kita
Mahirap ibigay ang tiwala Kung minsan na itong nabalewala Oo, alam kong nasaktan ka niya Pero tatandaan **** hindi ako siya Dahil hindi ako tanga, at hindi uto-uto Bata man ako'y alam ko ang totoo Malambing sa salita, ngunit salamin ba sa gawa Matamis ang galaw ngunit matalas ang dila Takot at hiya, di mapagkakaila At hindi masisi sa mga paniniwala Pagkat ito ang nakagawian, mulat sa sakit Kaya't malakas man sa labas ay mahina parin ang kapit Saan makikinig, kanan o kaliwa? Ubos na ang sarili, wala na sa diwa Walang patunay na magaganap Walang korteng tatanggap Isa, dalawa, tatlo Ako ba ang kinakatok mo? Mga tanong na walang sagot Sadyang daan lang ba at kalimot?
0
Oct 30, 2016
Oct 30, 2016 at 1:22 PM UTC
Second Thoughts
032217 Ang bilis namang kumupas ng lahat Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y Kinain na ng alikabok, Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito. Ang bilis namang maglaho ng lahat Pumikit lang ako, naiglip lang ako Parang nagbago na rin ang mundo mo Iba na ang istilo, iba na ang galaw Iba na ang sambit, iba na -- Hindi ko na mabasa pa Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo." Ang bilis namang huminto't sumuko Na sabi mo'y hindi ka magsasawa Pero parang kapeng katitimpla lang, Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa Iba na ang nagtimpla, Ayoko na sana. Ang bilis naman ng lahat, Sabi ko pa naman, "Higitan natin ang tatlong araw" Oo, sinubukan natin Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan." Pasensya, hindi ko kasi matanggap Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko Siguro nga ganoon talaga, Sa huli't huli'y susuko rin ang isa Bibitaw din at maglalaho ang "tayo." Pasensya talaga, Ang hirap tanggapin Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa Ayoko na ring manguna pa Ayoko na ring ayusin pa Ayoko na ring bigyang kahulugan pa. Hindi ko alam kung paano ako uuwi Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli Maghihintay at papara ng iba. Hindi ko alam kung paano na Paano na yung mga plano natin Mga planong napako kahit maaga pa lang Hindi man lamang umabot sa ninais natin. Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito Na minsan, nangarap ako At ikaw pa ang pinangarap ko. Nandyan ka man, ang layo mo pa rin. Kaya siguro, siguro itigil n natin At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit Tama na siguro, ayoko na magsulat Tama na, sumusuko na ako sayo.
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 3:56 AM UTC
Ang Bilis Naman

54
Pusong bingi'y naaantig ng awit Ganun pala sa unang pagsinta Sa sombra niya'y laging nakabuntot Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin Hindi malaya sa demokratikong bansa Alila ng iniibig na panauhin Ano nga ba, di alam ang gagawin Sa pagpikit ng mata, mukha niya'y nagniningning Sa pantasya'y nahuhumaling kahit na  gising, lumulutang sa hangin Kaya ganun na lang sa pagsasalamin sa mga nangyari - medyo pagmamalabis Hinabol ang bawat galaw Sa utak ay walang hinto na sumasayaw Disente sa pananamit Mayumi kahit sa anong bihis Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali Pabayaan pagkat mapagkumbaba Hahamakin ang lahat Dahil ang dibdib ay lumilingas
0
Jan 7, 2019
Jan 7, 2019 at 4:57 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #44
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik **** nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw **** aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
pitong letra

52
Sa totoo lang ako'y nabigla hindi ko inaasahan ang biglaang pag galaw mo na halos pakiramdam ko sasabog ang puso sa sobrang bilis ng pag pintig nito na tila ba'y para akong mawawalan ng malay sapagkat hindi ko alam kung ano ang gagawin sa biglaang pagyakap para akong idinuduyan at pinapanalangin na sana'y tumagal at wala nang katapusan ang pagkakataong ito'y kay tagal kong inaasam pero bakit kahit anong hiling ko na tumigil ang mundo pansamantala'y tila ba mas bumilis pa ang bawat patak ng segundo sa relo nababaliw na ata ako sana naman naramdaman mo ang nanginginig kong mga kamay habang dahan dahan kang kumakalas ang puso ko'y unti unti din napipigtas at sa iyong paghakbang paalis at pagtalikod mo na sadyang ka'y bilis wala din akong nagawa kundi ang hayaan kang umalis at sa aking paghakbang paalis sa lugar na kung saan naging saksi ng iyong pagyakap at nakarinig ng mumunting dalangin ko sa maikling oras inaasahan ko na ako'y iyong tatawagin uli hanggang sa pagtulog mamayang gabi sana ay kahit sa panaginip pinapanalangin ko na mayakap kang muli
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Yakap
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman 'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'? Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang, Sabay ang galaw ng ating katawan Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo: Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo At sa mapupula **** labi ko narinig ang Sinabi **** ganiyan din ang nararamdaman ko Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba O kahit pareho pa tayong nakapalda Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y Maputulan ng hiniga Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa At mas maingay pa ang bulungan Kaysa awit ng banda O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo Mapapagod din sila Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal Pero huwag ka sanang mabibigla Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad Ng agos na pilit kong nilabanan At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan Sa walang hanggan nating habulan Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam? May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw Ang dalaga noong una't huli kong sayaw Na alam kong imposible nang balikan Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na Lahat ng 'yon ay tunay At mahal kita, maniwala ka Kahit ako pa ang unang bumitaw #
0
Aug 21, 2021
Aug 21, 2021 at 1:33 AM UTC
Sayaw

56