Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bigas" poems
Bakit ba Ganito sa pinas Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas Landas na di naman natatahak Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak Ano nga ba ang tamang landas Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso. Wagas kung makapagsabi ng tamang landas Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya Ang mga pangakong napako Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas Mga pukitikong Masyado nang naging overly attached sa tamang landas Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak? Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan? Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan? Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan. Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan. Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino. Ang kailangan namin ay isang pinuno Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
0
Oct 18, 2015
Oct 18, 2015 at 12:19 AM UTC
Bakit ganito sa Pinas? (TAGALOG)

Continue reading...
27
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
Uy, gawa tayo ng tula Kasi putang ina ng Maynila Sa nayon ay dinadakila Isang abot-kamay na tala Kailan ka ba kakawala Sa anino ng Maynila? Umambon ay may baha Selpon ay may kukuha Walang pawis at luha Walang ngiti ni tuwa Kwartang pulos kaltas Walang pambili ng bigas Kapit kahit mapurol Mga bundok ay gagawing burol Nakakita ka na ba ng ulol? Sa Maynila marami niyan, buhol-buhol Kung saan walang permanente Maging sa suplay ng kuryente Ang pamahalaan ang hinete Tagasulsol naman ang gabinete Kapatiran may kaputol Basta't kumapit mala kuhol May nakahihigit sa batas Umangal ka at ika'y utas Wala nang lunas Wag ka nang lumuwas Utang na loob kaibigan Maawa ka sa iyong ksasadlakan
0
Aug 3, 2016
Aug 3, 2016 at 10:42 AM UTC
May Nila (They Have)
Ano nga ba ang layunin ng oras? Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas? O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas Ito ba talaga ay nagbibigay lakas? Hindi sapat ang pagluha upang makabawas Para saluhin ang mga masasakit na hampas At sa mga sugat na walang lunas Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas? Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas Kulang pa ba ang kinaing bigas? Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
0
Nov 10, 2016
Nov 10, 2016 at 6:52 AM UTC
Oras
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

52
082021 Inuusig niya ang mga talang kumikinang At tumatabon sa mga parating na bulalakaw. Ang mga mata ng santelmo’y Hindi na lagim ang ibinubuntong hininga Kundi liwanag na humahabol Sa bawat paghikab nang nakatihaya. Hati-hati sila sa papag Sa kung sino ang taya sa pagsilang ng araw At sa pinintang dilim Na hindi na bangunot ang pasalubong Kundi pag-asang makapagsalu-salong muli Sa hapag-kainan sa panibagong kalendaryo. Habang nagniningas ang mga baga’y Guguhitan nila ang pisngi ng bawat isa Gamit ang bawat kwentong agimat ng kahapon. At mapupuno ng halakhakan ang bawat kurtina Na para bang sila’y nasa entablado Ng sarili nilang istoryang sila rin ang nagbigay-buhay. Ang bawat butil ng bigas Ay katumbas ng pawis na alay nila sa palayan Habang ang kirampot na tuyong walang sawsawan Ay sining na makulay sa kanilang mga mata. At sila’y magtatampisaw Sa putikan ng kanilang hanapbuhay At ni isa sa kanila’y ni minsa’y Di ginambala na ang bukas ay magiging sakuna. Isa, dalawa, tatlo.. Sunud-sunod ang mabibilis na butil Na ni isa’y di mailagan. Ang mga butil ng palay Ay nagmistulang mga basura sa lansangan Na nilalangaw at pinag-aagawan Ng mga itim na ibong gahaman sa kapangyarihan.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:11 AM UTC
Palay at Abo
Hindi po kami mga kriminal, kami po nagpapakain sa kanila, bigas po ang aming hiningi hindi mga bato at bala. Pero pilit naming isusubo ang mga bato at bala na inyong hinihain, pilit naming inumin ang dugo na may kasamang pawis namin. Pipilitin po namin, dahil hindi po kami mga kriminal.
0
Apr 2, 2016
Apr 2, 2016 at 6:03 AM UTC
Bigas, Hindi Dahas
Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot siyam, sampu pipindot na sila sa gatilyo Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig walang ingay sa paligid puti ang sahig – linis hanggang gilid Naalala ko pa noon, walang pangambang tahi sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi Madilim ang lansangan, ngunit may liwanag ang daan Di mag-aalalang umuwi, ‘di magugulumihanan Naaalala ko pa nung una silang pumindot sa gatilyo Nayanig ang paligid, nagulo ang tahimik Tintado na ang sahig na dating puti ng dugo mula sa bago nilang kitil. Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba Nabingi ang lahat sa ingay na likha, mga tarantang mukha, mga takbong halos ikadapa mga matang labong labo na ng mga luha Naalala ko pa noong kinuha nila si itay lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay pinuno ng latay, inuwing akay-akay - muntik na siyang mamatay - walang kamalay-malay na kami’y unti-unting pinapatay ni walang panahong makinig saming salaysay May dugo ang bigas na iginagatong ninyo May bakas ng dahas ang pagkaing hapag sa kainan ninyo Mga sigaw na busal ng kasadong gatilyo May namamatay na dito makinig naman kayo! Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, pipindot na sila sa gatilyo Siyam, sampu
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 12:31 PM UTC
Untitled
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58
Pagmasdan mo ako. Damhin mo ang magaspang kong palad na bagamat ay nangulubot ay syang humahalik sa putikang sakahang pinaghihirapan. Titigan mo ang mga mata kong hapung-hapo sa pagtanggap sa bagsak-presyong palay na katumbas ng presyo ng isang tsitsirya. Ngunit, pakikinggan mo ba sila sa sasabihin nilang wag kaming papamarisan? Sa bawat hakbang ko papalayo sa lupang sakahan ay sya namang hakbang ko papalapit sa mataas na antas ng pakikibaka. Kakalabanin ang pasistang gobyernong pilit yumuyurak sa katulad naming mga dukha. – Isa ako sa may pinakamaliliit na tinig sa lipunan. Isa ako sa hindi maintindihan ng nakararami na isa sa mga nagtatanim ngunit ngayon ay walang makain. Patawarin mo ako sa paglisan ko’t pagsama sa mga pagpupulong at sa pakikidigma para sa natatanging kilusan. Dahil ako ang bumabagtas sa estrangherong lugar na kung tawagin ay Maynila. Ako ngayon ang mukha ng mga magbubukid, ng mga inapi at ng mga pinagkaitan ng karapatan sa ilalim ng berdugong administrasyon ng bayan kong hindi na nakalaya. Ako ang estrangherong kumilala sa bawat sulok at lagusan ng Mendiola na piping-saksi sa mga panaghoy naming kailanma’y hindi pakikinggan ng nakatataas. Ako at ng aking mga kasama, ang bagong dugong isasalin sa sistemang ninanais naming patakbuhin. Patawarin mo ako sa pagpili kong matangay sa agos ng mabilisang kamatayan tungo sa pulang kulay ng rebolusyon. Ngunit, kailanman ay hindi nyo maiintindihan, na hindi naging mali na ipaglaban ko ang aking bayan.
0
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:15 PM UTC
Palimos ng Bigas

18
Sintas Man Ay Kalas Luma Na At Pigtas Sapatos At Medyas Dibaleng May Pintas Kamisetang Butas At Maong Na Kupas Pigtal Na Tsinelas Hindi Pa Parehas Tinotonong Kwerdas karakrus ang kwintas sa sugal ay utas pati pato hulas bahala na bukas tawagin mang takas hihiram ng lakas tatagay ng wagas nalango sa wakas kamay lang may hugas bahid, patak, tagas palay naging bigas kahapon ay bakas sing-linaw ng habas nahinog ang prutas ngunit di pinitas bagsak mula taas sabik na pumatas kahit pa lumabas tinatagong Katas Tinukso Ng Ahas Yinapos Ang Angas Kinapos Sa Alas Nilukso Yung Dahas Natisod, Nadulas Kasi Nga Nangahas Kung Dati Minalas Nadapang May Bangas Babangong Matikas Sa Mali iiwas panata kong tagos dalangin ay lubos payak man ang lapis yakap Di Pa labis sugat na may hapis ginamot ng kapis Tila Tala Lihis Kutitap Sa Bilis Araw May Silahis kidlat ang hagibis mukha na manipis nagpalit ng bihis hahakbang sa libis Layon Ay Malinis Patama Ay Daplis Ngunit May Hinagpis Pinawi Ng Haplos Animan na agos Timplang Nalamukos Animo Ay Musmos Siglang Dinaraos Biyaya Ay Puspos !!!
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
"payak na yakap"