"bibigyang" poems
kung bibigyang halaga ang pag-ibig
siguro, pulubi na ako
pagpalagay nating
isang daan na lamang ang pera ko
at bawat pagkilos
ay tatapatan natin ng
sampung piso
sampung piso para huwag mo akong i-seenzone sa fb
sampung piso para huwag mo akong i-unseenzone sa fb
sampung piso para i-chat o text mo naman ako
sampung piso para bawasan 'yang init ng ulo mo
sampung piso para patawarin mo ako
sampung piso para kausapin mo naman ako nang maayos
sampung piso para maintindihan kung ano ba 'yang gusto mo
sampung piso para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo
sampung piso para bigyang-oras mo naman ako at magka-ayos tayo
at itong huling sampung piso
iaalay ko na lamang sa donation box ng chapel
baka sakaling dapuan ako ng milagro
at matauhan din ako sa katangahang ito
dahil ubos na ang pera ko
ngunit 'di ko pa rin mabili
ang pag-ibig mo.
Jun 14, 2015
Jun 14, 2015 at 12:12 PM UTC
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok
Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok
Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay
Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay
#ChangeIsComing ngunit wala namang binago
Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago
Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula
Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya.
Halina,
doon sa bago kong tahanan
Ang tawag ay kulungan
ngunit marami do'ng libangan.
Pinuno,
leader ako ng sindikato
Kung tawagi'y bilanggo
ngunit sinusunod ang luho.
Mga alipin ko'y parak
Mg bataan ko ay trapo
Pamilya'y bilyonaryo
Ang negosyo'y protektado.
Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako
Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago
Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas
Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas.
Ako'y panginoon at walang katalo-talo
Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo
Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot
Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 1:57 PM UTC
Panibagong taon na naman,
Ang gugugulin ko sa kawalan,
Upang minitmihi ay makamtan,
Nang magtagumpay ako sa kasalakuyan.
Aking iiwan ang mapait na karanasan,
Aking ibabaon sa limot ang karimlan,
Aking iwawaksi sa isipan ang kalungkutan,
Nang ang puso ko ay mapuno ng kasiyahan.
Itutuwid ang bawat kamalian ko.
Hahasain ang kakayahang mayroon ako.
Isisiwalat ang kabaluktutang nasa inyo,
At bibigyang linaw ang mga tanong sa aking puso.
Kaya, hiling ko lamang na tayo'y magtulungan,
Pigilan ang anumang namumuong pagtangis at hidwaan.
Ibigin natin ang Diyos ng walang pag-aalinlangan,
Nang matutunan nating mahalin ang tao sa sanlibutan.
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:17 AM UTC
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat
Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog
Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro
Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man
Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo
Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan
Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas
Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok
Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan
Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba
Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata
Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising
Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto
Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago
Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal
At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos
Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan
Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay
Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka
Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha
Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig
Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary!
Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon
“Masaganang Nananahan,
Buong Diwang Sumasaksi,
Bukas-palad na Naglilingkod!”
Nov 21, 2019
Nov 21, 2019 at 4:16 AM UTC
Pitong letra, isang salita
sa kanila mo madama ang tunay na saya,
mararanasan mo ang mga bagay
na iyoy hindi pa nadama,
May ibat ibang uri ang barkada,
masama at mabuting barkada,
mayroon ring balansing barkada
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon,
kakampi mo sila, hindi sa lahat ng pagkakataon
palagi silang nandyan para damayan o gabayan ka
Pero sa pag babarkada hindi mahalaga
kung sinong na una dumating,
mas mahalaga kung sino yung nag-papaka totoo sa barkada
at bibigyang halaga ang inyong pagsasamahan,
At kahit saan mo pa yan nakilala
ang mahalagay totoo kayo sa isat isa.
Apr 8, 2021
Apr 8, 2021 at 7:22 PM UTC
Meron akong nakilalang babae
Kung saan ay hindi ko na ipagsasabi
Siya ay hindi maipagkailang kakaiba
Walang ibang pwedeng ihalintulad sa kanya
Kung sino ka man sa likod ng ipinapakita **** imahe
Yan sa ngayon ay hindi na importante
Marinig ko lang ang boses mo na kay tining
Na nagpapaganda nang tulog ko hanggang sa muling paggising
Kung dumating man ang araw na ikaw na ay magpapakilala
Sinisigurado kong ika'y bibigyang halaga
Sa pagtingin ko ay walang magbabago
Kasi pagkatao mo naman ang aking ginusto
Kaya ikaw ay huwag matakot
Ako'y hindi gagawa ng dahilan para ikaw ay maging malungkot
Kasi ang tanging gusto ay lumigaya ka
Lalo na kapag ako ang may likha
Jan 22, 2021
Jan 22, 2021 at 6:42 PM UTC
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba yung una tayong nag kita? Hindi na?
Pwes ito ipapaalala ko muli, ihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro, ako ang libro at ikaw ang tagabasa.
Ako ang libro na minahal mo sa lahat ng koleksyon mo
Ang libro na noong una iniingatan mo
Ako ang pinaka magandang libro na napa saiyo,
Iyan ang sabi mo.
Sana libro na nga lang ako, bagay na kahit ipagpalit mo, hindi nasasaktan, bagay na kahit anong ingat na ipadama mo, hindi ko bibigyang kahulugan, bagay na kahit anong uri ng pag mamahal na igawad mo, hindi ko mararamdaman.
Ikaw na tagabasa ng mga nilalaman ko,
ang mga nilalaman ko na sa sobrang dami ng hinahakit na naroroon ay inayawan na.
Nakakasawa daw sabi sa akin ng mga unang bumasa.
Noong ikaw na ang mag babasa, sabi ko sana ito na ang huli, ito na ang huling babasa sa akin, babasa sa lahat ng pinag daanan, sa lahat ng hinanakit na may roon, sa lahat ng hindi magagandang nangyari, sana ito na.
Natakot ako sa ekspresyon na naka ukit sa iyong mukha,
ekspresyon na hindi ko mawari kung ito ba'y nalulungkot, napapagod, nasisiyahan o kung ano ano pa, pero noong ika'y ngumiti,
para akong nabuhay muli.
Na sa dinami daming tao na naka alam ng tungkol sa akin, ikaw, ikaw lang ang tanging hindi nag sawa.
Pero tao ka, tao ka na alam na alam ko na ang ugali
Mga tao na kahit gaano kalaking pag mamahal ang iparamdam sayo ay tila ba parang bula na mawawala.
Pero mahal, salamat.
Salamat sa pag babasa,
Salamat sa oras, oras na alam kong sinayang mo para lang malaman kung anong may roon ako.
Salamat at napahalagahan mo ako,
pag papahalaga na sa iyo ko lamang nadama.
Salamat sa sandaling iyon, sa sandaling iyon kahit papaano ay napasaya ako, at naramdaman ang pag mamahal ng isang tao.
Feb 6, 2018
Feb 6, 2018 at 4:21 PM UTC
ikaw ang buwan,
sa gabing ang kakapalan ng alapaap
ay ikinukubli ang mga bituin,
payapang kumikinang, ngumingiti
hinihila ang nagngangalit na mga alon
ng karagatan sa puso
subalit hindi humihinahon,
sapagkat ikaw ang sanhi
bibigyang liwanag ang isang mundo
bagamat sa bukang-liwayway,
muling magdidilim
ibabalik ang hiram na ningning
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 3:17 AM UTC