Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
kung bibigyang halaga ang pag-ibig siguro, pulubi na ako pagpalagay nating isang daan na lamang ang pera ko at bawat pagkilos ay tatapatan natin ng sampung piso sampung piso para huwag mo akong i-seenzone sa fb sampung piso para huwag mo akong i-unseenzone sa fb sampung piso para i-chat o text mo naman ako sampung piso para bawasan 'yang init ng ulo mo sampung piso para patawarin mo ako sampung piso para kausapin mo naman ako nang maayos sampung piso para maintindihan kung ano ba 'yang gusto mo sampung piso para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sampung piso para bigyang-oras mo naman ako at magka-ayos tayo at itong huling sampung piso iaalay ko na lamang sa donation box ng chapel baka sakaling dapuan ako ng milagro at matauhan din ako sa katangahang ito dahil ubos na ang pera ko ngunit 'di ko pa rin mabili ang pag-ibig mo.
0
Jun 14, 2015
Jun 14, 2015 at 12:12 PM UTC
pabili nga po ng pag-ibig

Written by
Jun 14, 2015
Jun 14, 2015 at 12:12 PM UTC
Request permission to use this poem