Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"banaag" poems
#112715 #4:25PM “Banaag ko ang Wikang tugon; O Giliw na siyang inaapuhap, Sayo ang bituing salin sa tatsulok Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.” Mala-unos ang bungang may diin. Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti, Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili. May iilang Juang Hudas, Bumalasubas sa Bayang itinakwil Kaya’t suwail ang makabagong talinhagaMay lalim sa pag-unawa Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador Na siyang puspos sa paghihikahos. “Paumanhin, Giliw Pagkat ang puso’y may gitgit.”
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:46 AM UTC
Philippine Judas
sa dagliang pangangalawang ng buto dala ng bawat patak ng ulan. ang pinapaling lakas ng hangin palihis sa kurtina ng pag-iisa, itong kamay na palupot ng pagkalugmok, hapung-hapo sa paghabol sa pag-uumaga ng mga sandali. napababalikwas sa tuwing banaag    ang hinaharap. hubad ang bughaw na katawan ng mundo    ang kulay ng karagatan ay pula – dala ng silakbo    ng damdamin; magtatampisaw sa tubig   hihiga at lulutang       kasabay ng tagistis ng alaalang walang ibang hangad                    kundi ang umusad.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 3:41 AM UTC
Dagat, Alaala
Hinila ka ng hilahil patungo sa di mawaring liwanag, banaag na bumubulag, unti-unting pumupunit sa iyong balintataw at pananaw sa kahulugan ng pagpapatianod sa agos ng panahon. Pag-ahon ito kung ituring ng sinumang wala sa iyong perspektibo. Ngunit ang iyong pag-iral ay hindi iniadya ng panahon. Likas itong likha ng buhay, kinatha ng kahulugan, kataga, at pag-asa.
0
Oct 18, 2013
Oct 18, 2013 at 6:34 AM UTC
Obra
ano pa nga ba ang tangan     ng haraya kundi ang langitngit ng katahimikan, na sa isang sulok lamang ay mahahawakan hindi ang puso: sa isang iglap, pagsasatubig. puspos ng liwanag ang lupa. Muling pagtatangkilik sa sukal ng dilim. hindi alam ng hangin ang pangako ng paghilom. hindi banaag ng kahapon ang bukas. pipikit na lamang ba’t walang pagtangis, na sa dulo man ay marapatin, kung tayo’y papel,      ay mapupunit na lamang ba sa mga kuko ng marupok na sandali?
0
Mar 2, 2016
Mar 2, 2016 at 11:23 PM UTC
Haraya
wala na ang ingay, ngunit hindi ang ilaw, tanaw pa rin ang banaag; kahit layo'y nakabubulag.
0
Jan 7, 2018
Jan 7, 2018 at 11:02 AM UTC
kutitap
Hayaan na na giliwin kita Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat At pumailanlang hanggang sa panganorin ang pangarap Walang saysay ang ibon kung nasa pugad Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay Sa pagwasiwas ay di kaya umangat Munting maya sa aratiles ay kahabag habag nang di makalipad Ganyan ang aking pagsinta O Desiree Dawn Dela Peña musmusin at nasisikil Huwag sana husgahan Sinsisipon sa hamog Madaling manimdim Iibig ako sa sariling paraan Ngunit di gaya ng kaparangan na nakatiwangwang at hayag Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag At kung masidhi na ang damdamin Magpaparinig ng aking hinanakit Gaya ng kulog na nauulinigan sa ibayo Umaalingawngaw doon sa ibang baryo
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:25 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #75
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod Pagsisilbihan ang prinsesa Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho Malago ang mga paragis Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya Nahahagkan ang mukha Kulang sa init at lamig Walang lasa ang inihaing pag-ibig na di tumagal sa panlasa Paano lubusan na ipangangahulugan kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana habang sinusulyapan ang kasaysayan Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman Sa hubog na baywang balingkinitang katawan ay di magsasawa Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
0
Jan 30, 2019
Jan 30, 2019 at 7:29 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #60
Ikaw, sa bawat pintig ng puso, Na gumuguhit sa mga labi At nabubuhay sa banaag ng mga ginintuang araw natin Ako, sa bawat ragasa ng damdamin Nangingilid na mga luha, binabaha ang isip sa gabing hindi mapayapa Tayo, sa bawat pagkakataon Sa gitna ng meron ay walang katiyakan Sa buhol-buhol na mga tanong,  mga sagot ay hindi makalaya Hanggang sa tuluyang sumuko at itanikala Oras, sa bawat kumpas ng iyong mga kamay Sadyang hindi nakaayon Sa takbo ng ating panahon Himig, sa bawat indak ay mananatili tayo, Magpapatuloy ang awit at tula Na humabi sa alaala ng kahapong mapangarapin Makata, sa bawat salita ay mabubuhay ka Nakaukit sa ningning ng mga tala Ang pag-asang muli ay masilayan ka.
0
Aug 29, 2019
Aug 29, 2019 at 12:00 AM UTC
Derailed
kuhanin man ng liwanag o lamumin ng kalawakan pagsapit ng dilim kahit nakapikit mahiwaga ang tanawin kita ang mga bituin maging malamig man ang umaga maging mainit man ang gabi o kaya sila'y pagbaliktarin ngiti ko'y di magninimdim ako'y maghihintay pa rin tatangayin, aabutin
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:58 AM UTC
aliw banaag
ikaw ang banaag sa ulap na makulimlim liwanag mo’y bituin kumikinang sa bawat pagtingin
0
Sep 20, 2020
Sep 20, 2020 at 10:18 PM UTC
Untitled