Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"balaning" poems
Kung puwede lamang / na siya'y limutin Di na sana noon pa'y / wala ng paggiliw Kung puwede nga lang / itago't ilihim Ang kanyang balaning / umakit sa akin Di sana tuyo na'ng / nunuyong damdamin At ang pagluhog ko'y / noon pa natigil Kung puwede lamang / na di maging dahil Ng kasawian ko / na siya'y ibigin Di sana tapos na / ang kundiman namin At lipas nang lahat / ang aking hilahil Kung puwede lamang / na siya'y limutin Ang sugat ng puso'y / ampat na marahil * Ang panandang / ay tanda ng sesura (caesura sa Ingles)
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:08 AM UTC
Kung Puwede Lamang
Umulan man o Umaraw ikaw lang ang laging kaagapay.at sabay natin  tahakin ang landas patungo sa mga nakakabatu-balaning tanawin.Mapa dalampasigan man o kabundukan na ni minsan d pa natin nasisilayan. KaSabay sa pag andar ng makina ang makita kang masaya. Humawak lang sakin para masigurong ligtas ka. Sa isang pitik ng kamera sabay ng mga ngiti **** manghang-mangha sa mga nakikita, At ang masigurong natutuwa at naaaliw ka ay labis na rin sa akin ay nagpapasaya.
0
Apr 4, 2023
Apr 4, 2023 at 11:14 AM UTC
Road Trip at Ikaw