Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alitaptap" poems
Unang gabi sa huling sandali Nag-aagaw ang ilaw at dilim Katahimika'y namamayani. Nakatayo sa gilid ng bangin Isang hakbang tungo sa libingan Nakapikit ngunit nakatingin. Sumilip ang buwan sa kalangitan Hudyat ng katapusan ng duyog Tuluyang bumukas ang pintuan. Lumiyab ang bawat alikabok Mga alitaptap na dumadapo Sa bawat sugat nangingimasok. Buhok ay nagsimulang lumago Sabay sa pag-ikli ng hininga Nagpupumiglas sa bawat pulso. Isang bulaklak na bumubuka Dugo at ginto ang tanging dilig Usbong sa hungkag at tuyong lupa. Buto at laman ay nanginginig Balat ay nagsimulang uminit Halik ng apoy sa pulang tubig. Umuungol sa bawat pagpunit Likuran na may bagong pasanin Ngipin na sukdulang nagngangalit. Nakalutang sa payak na hangin Kamay ang nagsisilbing kandila Maglalakbay sa tulay na itim. Isang sulyap bago kumawala Ibinuka ang pakpak na pilak Huling yugto ng pakikidigma.
0
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
ELUSIDASYON / GARGUWALYO (Gargoyle Terza Rima 1)
Igapos mo ako sa lilim na 'yong puso, at doo'y liliwanag ang damdaming nakatago. Na sa gabing alitaptap lamang ang masulyapan, tutubuan ng pakpak ang pag-ibig na natagpuan. Lilipad kasabay ng mga ulap at hindi na halos maabot, sa kulog o kidlat ma'y hindi natatakot. Na handang suongin kahit malakas na hangin, upang pakpak nito'y nakalatag pa rin sa papawirin. Mapadpad man tayo sa lawak ng dagat, mga puso natin doo'y maglalayag. Na tayo'y sabay dadaong sa ating mga pangarap, na sa dako paroo'y naghihintay at umaandap.
0
Jun 22, 2015
Jun 22, 2015 at 10:56 AM UTC
Paglalakbay Ng Ating Pag-ibig
Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig Marahil walang karatula Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti Salungat sa kalsada Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan. Bawat butil ng Kanyang mukha’y Kumakapit at humihilik sa balat Sa’king palad, umaapaw ang mga ito Hihinto pa ba? Pagkat hindi handa Ang yerong gawa sa plastik Na syang bihis-bihis ng kabilang palad. Maraming yapak, aking naririnig Ngunit alam kong ang berdeng kulay Pawang hindi para sakin at sayo. Ang bawat kasuotan nila’y Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo. Unti-unti kong binagtas ang eskinita Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama Tila kayrami pa ring paninda Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo Ni hindi ito kinakalakal. Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon Masilayan man kita, bagkus likod lamang Ni hindi ko nga matanto ang itsura Basta’t sigurado ako Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa. Malayo pa ang lalakbayin Ng pawang minanhid na mga paa Pagkat ang direksyon nati’y Sa ngayo’y alam kong Hindi pa para sa isa’t isa. Ikaw na siyang iniirog Aking hihintayin Hanggang ang oras ay tumiklop At umusbong ang panibagong bulaklak Saka natin pagmasdan Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap. Tatandaan ko ang ating tagpuan Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan Buksan mo ang pusong minsang winarak Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas At saka na natin isulat ang makabagong alamat. Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog Tayo’y babalik at muling mangangarap Bubuo na panibagong larawan Na may tunay na ngiting Hahalimuyak sa mas Nakatataas. Sa Kalye Pag-ibig, Doon tayo magkita.
0
Dec 1, 2014
Dec 1, 2014 at 7:02 AM UTC
Kalye Pag-ibig

Continue reading...
51
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang Ang buhangin ay hindi sa bulag Sa mga mata ito ay puwing Mga alikabok at abo ng pangarap na durog at pira-piraso Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi Kung pagmasdan parang alitaptap Kahulugan nito'y munti sinag niyang katiting Sa tag -araw ay uulan ng mga butil na panalangin Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin Dadalhin sa sementeryo at ang lagusan nito ay walang himig Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 5:40 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim
Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang tulad ko’y umaasa ka pa rin umaasang maibabalik pa natin ang dati. Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.” Na sa bawat lipad ng mga alitaptap Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang Tayo pa rin hanggang sa hinaharap. Gusto ko sanang umasa At huwag mapagod sa mga panalanging Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot Ng sakit at pighati. Gusto ko sana Gusto ko Gustong gustong gusto ko Na sanang mawala lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng pag aalinlangan Lahat lahat Pati na ang mga alalang Pilit nagsususmiksik Sa kaibuturan ko Mga alaalang naging mitya ng kahapon At naging hudyat ng ngayon Ang bagong ikaw at ako Na minsang naging tayo. Mga alalang naging dahilan… Gusto ko Gustong gustong gusto ko ng Kalimutan siya. Sorry. Pero hindi ko pa rin pala kaya.
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 11:28 AM UTC
gusto ko...sana
040120 Hinga, buga Hinga, buga Ganyan nga Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo, Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo, Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo, Mga pangakong ilaw mo sa dilim Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap Na sinusundan mo ng tingin. Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay Ay napapawi nito ang sakit Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan — Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman. At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta Hindi Basta-bastang buhay lamang At nagtatago sa dilim. Hindi ko hinayang madala ka ng dilim Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig. Huminga ka na may gayak, Huminga ka nang May pag-asa. Hinga, buga Hinga, buga Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo Ibuga mo ang iyong mga kamalian Ibuga mo ang iyong mga kasalanan — Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo Pabalik sa kadiliman Mga kasalanang minsan mo nang iniwan Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan, Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,” Ngunit nariyan ka pa rin, Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik Tama na, tama na Anak. Hinga, buga Hinga buga, Naghihingalo ka na At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na Naghihikahos ka na — Ngunit wag **** isiping napapagod ako Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan Ay napapagod na rin akong gamutin ka. Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka, Na sa tuwing sinasabi ko sayong Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi **** “Ama, narito na ako.” Hinga, buga, Hinga, buga Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili Ngunit buo ang aking pagpatawad At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan Naririnig ko na Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam **** Sanang alam **** Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo, Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang. Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na Nakauwi ka na sayong tahanan. Hinga, buga, Hinga, buga Tayo na anak, Sa akin ka na mamahinga.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:50 AM UTC
PaHINGAhan

78
100221 Nauuna pa tayo sa mga alitaptap Sa paggayak patungo sa dilim, At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop Ang ating mga paang napuno na ng alikabok Para lamang mag-“indian sit.” Ang ating mga halakhaka’y Nagmistulang musikang humihele Sa pandinig ng ating mga magulang At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit. Tunay ngang payak ang ating pamumuhay — Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya, Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.” Nais sana nating hindi kumurap Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy. At ito ang liwanag na aasahan nating Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim At magkukulob sa nasasakupan Ng sinag ng ating mga paningin. Hindi na natin alintana Ang init na dumarampi sa ating mga balat At tayo’y mapupuno ng pagkamangha Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga — Mahiwaga sa ating mga matang Walang ibang nais kundi magliwanag na. Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas, Maging ang mga dahong kumukupas Sa paghimlay nito sa ating mga paanan. Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim; At panahon din ang susukli Sa mga alaalang nais nating manatili.
0
Oct 2, 2021
Oct 2, 2021 at 10:22 PM UTC
Sa Dulo ng Liwanag: Ang Mahiwagang Petromax
Nagsimula na ang bilang mo, Isa, dalawa, tatlo, Nagsimula na ang aking pagtakbo, Apat, lima, anim, Nagtago na ako mula sayo, Pito,walo,siyam, Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim, Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman, Handa akong tumakbo papunta rito, Basta’t makalayo lamang sayo. Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang, Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap, Patapos na ba ang ating laro? Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo? Lumalalim na ang gabi, Natatanglawan na tayo ng mga bituin, At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak, Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin? O ako ba ay tumatakbo lamang paalis? Gabing gabi na, Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan, Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan, Papunta sa iyong tahanan, Wala na akong pakialam, Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa, Basta’t matapos na ang ating taguan, At pagkakita ko sayo, Sa dati **** pwesto, Natapos ang iyong pagbibilang, Sampu, narito na ako, nahanap na kita, Hindi pala ikaw ang taya, Aking mga mata lamang pala ay dinadaya, Natapos din ang ating taguan, Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
0
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 4:50 AM UTC
“Natapos din ang paghahanap”
100121 Parang ang lahat ng ilaw ay may kakumpitensya. Habang ang lahat ng nagliliwanag At kumikinang sa gabing mahiwaga’y Nagtatagisan kung sino ba ang pinaka-nakasisilaw – Kung sino ang pinakamaganda. Ni isa sa kanila'y ayaw matabunan, Ni ayaw nilang sila'y mahigitan Kaya naman maging sa kanilang pagtulog, Ay dinadalaw pa rin sila ng kani-kanilang kagustuhan. Ni hindi makahimbing ang mga alitaptap Na nagpapalamon sa nanunuksong alab. At tila ba walang katapusan ang paglikha Pagkat sa pagsapit ng panibagong umaga'y Iba na naman ang isasabit At magpapakitang gilas ng kanyang ningning. Ngunit ang lahat sa kanila’y May mga aninong umaakap patungo sa dilim. Nagtatago sa lilim ng kani-kanilang lihim, Walang mukhang maiguhit Kundi tanging pangalang minsang naiukit Upang panandaliang magbigay-kulay at magbigay-buhay. At sabay-sabay silang manghihina; Maghihikahos na daig pa ang nanlilimos ng lakas – Ng liwanag, ng kasiguraduhang maari pa silang bumangon. At mahahandugan pa ng pangalawang pagkakataon. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, Ay kusang mamamatay ang kanilang mga apoy Na minsang sinindihan ngunit niyurakan Ng sarili nilang mga apoy.
0
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 11:28 PM UTC
Tiktak-tiktak
072924 O kayraming pangarap na binuo — Binuno sa sariling salamangka. May ibang nagwawaging nakangiti, Habang ang ila’y nalalagas kamamadali. Nakamamangha nga sa umpisa Pagkat ito ang batayan ng karamihan Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.” Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik Bagamat sa mga sandaling iyo’y Gusto ko na lamang mapaos Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan. Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan. Ngunit sa patımpalak na ito’y Wala naman pala akong ibang kalaban Kundi ang sarılı kong anino, Ang kumunoy ng aking nakaraan. Madilim — Madilim ang paligid saanman ako dumako. May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag? Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko. Mahiwaga — Ganyan nila ituring ang mga alitaptap Na para bang may isang diwatang Umaaliw sa kanila, Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng Wala naman palang kabuluhan Kaya’t sabay-sabay silang mauubos Na parang mga paupos na kandaling Wala nang balak na sindihan pa. Sino nga ba? Sino nga ba ang aking susundan? Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan Nang mabaon na rin sa limot Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan. Tinatanong ko ang sarili Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan? Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito? Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari? At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag? Ako at ang kadiliman Ako at ang liwanag. Sino nga ba ang pamato? Sino nga ba ang tunay na kalaban? Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang, Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan. At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y Sigurado pa rin akong May liwanag pa rin sa aking sinusundan. Ikaw, Anong tantya mo? Makararating ka rin ba sa dulo? Ikaw, anong pasya mo? Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
0
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Shadow and Knight

55
Mali na ang ipaglalaban pa kita Mali na ang mahalin pa kita Mali na ang ipagsisigawan pa kita Sa mga bituin, sa mga alitaptap, sa buwan, Gusto ko sanang ipadama sa hangin Pero hindi Tama na. Dahil alam kong Akoy di mo na kayang mahalin.
0
May 26, 2018
May 26, 2018 at 3:57 AM UTC
Tama na
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
Malalim na ang gabi Habang sumisimangot ang alaala. Ngunit magka ganoon ma’y Kaya itong patahimikin Ng pabulong na paghikbi Ng ulang isinalin sa garapon. Ang alat ng karagata’y Syang sumalo sa mga binhing magagaspang. At nagmistulang mga pamaypay ang mga alitaptap Sa kanilang pagsalubong Sa pira-pirasong bangkang nilamon ng dagat. Ang kumot na walang hangganan Ay nagsilbing maskara Upang pansamantalang hilumin Ang tinaboy at isinuka ng naglalagablab Na hindi nakasusunog. At ang apoy na taglay nito’y Sya ring naging panghilamos Ng pininta ng kidlat at kalangitan Na syang sumuklob sa kanyang pamumuno. Walang numerong mailimbag Buhat sa sapilitang pagnanakaw At pataksil na paglisan Ng mga abong naging multo. At doon naging pamatid-uhaw Ang mga halik na ipinagtagpi-tagpi Ng mga luhang maalat at walang direksyon. Tila ito na ang pagmartsa Ng kani-kanilang mga multo Patungo sa libingang walang mga pangalan. Silang mga walang mukha At tanging abong ipinag-isa sa karagatan.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:00 PM UTC
BGYO
'Wag muna nating tuldukan Ang paglalakbay sa dilim Kung saan ito patungo Alamin muna natin bago gumabi Malay mo sulit pala ang lahat ng luha at tula Ang mga pakikinig sa ulan Ang mga bakanteng titig sa kawalan Ang madalas na pagpigil sa sariling tumakbo palayo Palayo sa hapo Sa sakit na medyo sobra na Sa pilit na bulong na 'kaya pa' Siguro, siguro... Palapit na ang bituin at buwan Magsisimula na ang sayaw ng mga alitaptap Kaya dito muna tayo Wag muna nating tuldukan.
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 12:47 AM UTC
Tag-a-long
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap, Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap, Uusbong ang buwan na matingkad. Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan, Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan. Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi, Mga ala-ala'y sa isip humahabi, Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat, Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat. Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat, Hindi ba't napakaganda niya titigan, Walang dahilan upang sawaing masdan, Makailang palit man ang panahon, Sigurado mula sa nag-daang hapon, Patungo sa kasulukuyang linalakaran, Hanggang sa aapakan na kinabukasan, S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan, Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan, Na pinakamaganda sa kalawakan. Ika nga sabi ng karamihan, Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan, Gaano man kaganda pasyalan, Ito ma'y paboritong puntahan, Hindi na ito ang iyong titigan, Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.
0
Jan 4, 2021
Jan 4, 2021 at 1:36 AM UTC
"Hindi kukurap ang mata"
Kumukuti-kutitap kumain-dili, al-tang-hap lamparang maliit, apuhap basuraha’y bubungkalin makakai’y hanap.
0
Mar 2, 2018
Mar 2, 2018 at 4:24 PM UTC
Pobreng Alitaptap (10w)