Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphrosyne Feb 2020
Sa isang istorya
Na nagpapatunay na
Mahal Kita
Kwentong tayo ang lumikha ,
Ikaw at Ako ang nakakaunawa ,
Oh kay sarap ding'gin
Kapag sayo nang gagaling
Ngunit sa panaginip lang aasamin

Tinadhana kaya ng maykapal
O sagot sa aking mga dasal ,
Pinagtagpo bakit tila napakalayo
Nagkasama bakit tila napakalabo
Pagmamahal na iyong ipinaranas
Lalasapin bawat oras

Ikaw , Oo Ikaw
Ikaw na minahal ko ,
Ikaw na inasam ko ,
ikaw na pinalangin ko ,
na sana'y din'gin mo
Kahit na wala ako .

Sadyang nakaka baliw ang mundo ,
Minsan nakakainsulto ,
Kung kailan mo natagpuan doon nasayang ,
Kung saan naging masaya doon biglang natapos ,
Kung kailan mo naramdaman ang buhay doon ka
unti unting pinapatay

Bakit ? Bakit ?
Bakit may katapusan?
Naging masaya pero bakit sandali ?
Bakit kung kelan ako nakabuo ng kwento'ng tayo ang bida saka ka nawala aking istorya

Iaasa pa ba sa panahon ?
Isisigaw hanggang tumahan
O Ipapaagos nalamang sa mga alon
Hihintayin pa ba ang pagbabalik ng dati ?
Noong Mahal mo ako at mahal kita ,
Noong sabay sa pagtawang walang humpay
Mga ngiti **** pamatay
Mga mata **** walang humpay na nakakapukaw ng atensyon
Dating ako, ikaw, ang diyos at ang tayo

Hanggang dito na lang ba ?
Hanggang sa ala-ala nalang magiging masaya ?
Hanggang dito nalang ba ang istorya ?
Sa isang imahinasyon'g Ikaw na walang ako
At tayong walang tayo?
Ito'y isang istoryang hindi ko malilimutan na ikaw at ako ang nilalaman.
Louise May 2024
Kumain ka na ba?
Anong oras na.
Oras na para kumain.
Umupo ka na, 'wag mahiya.
Para sa'yo lahat itong nakahain.
Isang oras lang.
Pero busog ka na ba?
Isang oras pa.
Merienda lang, mahal.
Kahit pa hanggang almusal.
Pasensya ka na, ito lang ang hiling.
Hindi na nanaisin pa na ito'y patagalin.
Pwede na ba akong umalis?
Hindi na aasamin na lalong magkamali.
Boses mo ang siyang multo at baon ko.
Ang mga mata ko'y suki ng alaala mo.
Mali ang ito'y piliting maging tama.
Tama na siguro ang muntik na.
Plato at kubyertos ay iligpit na.
At ang basura ay aking susunugin na.
Kutsara at baso ay itago na.
At ang alaala natin ay kalimutan na.
Merienda cena, hindi na sana.
elisha Aug 4
Simoy ng hangin aking inaasam,
Malawak na himpapawid aking minimithi,
Ganito ba, ang tunay na kalayaan?
O isa muling panilinglang ng lipunan

O munting ibon ‘di alam na siya’y nasa kulungan
At Di nito aasamin ang tunay na kalayaan
Kung nadito na lahat ng panggagaylagan
At dahil nasilaw na ito sa kayamanan

Mga hangganan nilagay ng nakakataas
Upang munting ibon ay ‘di lumikas
Kung ang lahat ng pangangailangan niya’y nandito
Kung ganon kailan mo imumulat ang mata mo sa mundo?

Ano ang pinagkaiba natin sa batang walang alam?
Walang alam sa buhay at mamangmang
Ano pinagkaiba natin sa ibong nakakulong?
Nakasalalay sa kaniyang amo upang di magutom

At tayo’y  patuloy na kaballot,
Sa mga gapos na hindi natin inakalang saklot,
Masaya na sa kaunting ginhawa’t aliw,
Habang unti-unting nahihila nang masamang na kawil.
Ngunit ang tunay na layang minimithi,
Ay ‘di puro aliw at ngiting kay dali.
Ito’y pakikibaka, sugat, at lumbay,
Ngunit sa dulo’y liwanag ang tunay.
Kaya munting ibon at tayong lahat,
Panahon nang imulat ang matang sa lahat.
Buksan ang mata sa ating lipunan
Ngunit ‘di kailan man mabibili ang tunay na kalayaan.

tao ng lipunan ang may kapangyarihan
bakit ang silbi nito ay na walan?

— The End —