"aakuin" poems
Gaano man kamahal ang suot **** bestida
Mahal, lalapag at lalapag pa rin 'yan sa sahig,
Bilang tanda ng pagpapaubaya sa hapag ng
Paglikha.
Aakuin mo ang lambong ng kahubaran, lilisaning
Tiyak ang kamusmusan. Lilimutin ang dasal ng
Mga ninuno, sasambahin ang buwan bilang lantay
Na liwanag ng buhay.
Ibibilang mo ang mga patak ng pawis sa kumpas
Ng paghinga, habang ang indayog ng papag
Ay paulit-ulit **** iaakma sa ritmo ng bisig,
Sa pintig ng Puso,
Sa init ng titig, kahulugan at pag-ibig.
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:19 AM UTC
060624
Hindi ako nangangambang
Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw
Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin
Ang aking pananaw.
Pagkat mananatili ang Langit
Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang.
At wala akong ibang nais na gawin
Kundi pagmasdan ito
At tingalain ang yaman nitong kagandahan.
Sa aking paggayak sa tabing dagat
Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon.
At ang tanong ko’y Kanyang aakuin.
“Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?”
Wari ko’y ilang dipa pa ba
Hanggang sa marating ko Siya.
Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin.
At ‘yan na marahil ang tugon Niya.
Sa aking pagsuyod
Maabot lamang ang Kalangitan,
At sa aking pagsisid
Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan —
Walang ibang kasagutan
Kundi ang natatangi **** Ngalan.
Jun 6, 2024
Jun 6, 2024 at 7:40 AM UTC
Sinakluban man ng langit at lupa
Tinapangan ko pa ring tumindig.
Aakuin ko ang aking ipinangakong
'Yaring buhay ko ay 'di pasusupil sa dilim
-RL
Apr 17, 2020
Apr 17, 2020 at 4:44 AM UTC