Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2018 · 684
Lahat, Takas Reyalidad
Vincent Liberato Apr 2018
Hinahaplos ko ang mga hita mo
Ayaw kong matapos ang araw na 'to,
Sapagka't ang sarap ng ganito
Puno lang ng ligaya sa piling mo

Inaabot ko ang diwa mo
Inaabot mo rin ang diwa ko
Nararamdaman natin ang bawat isa
Sinusulit lang talaga ng may kusa

Isipan ay malabong mabalisa
Binubulong sa'yo ang mga salita
Mahal kita sa puso't gawa
Malayo lang, tila nakakaulila

Idilat mo ang mga tulikap mo
Ngiti ang sasalubong sa'yo
Yakap ang sasalubong sa'kin
Lahat sa'yo masarap lasapin
Mar 2018 · 414
Paalam
Vincent Liberato Mar 2018
Sumusulat s'ya sa akin ng liham,
Ngunit ayaw n'yang ipaalam
Tinatanong ko s'ya kung ano iyan
Ang sagot n'ya'y 'di n'ya alam

Sa katagalan gusto ko malaman
Binasa ko ito ng 'di n'ya alam
Nalungkot ako sa aking nabasa't nalaman,
Sapagka't ako'y kaniyang iiwan

Ngunit sa dulo'y ako'y naging luhaan,
Sapagka't may sakit s'ya at walang gamutan
Akala'y kami'y walang hangganan
Ang isa pala'y mamamatay at ako'y iiwan.
Mar 2018 · 1.2k
Buhay
Vincent Liberato Mar 2018
Buhay na lang ikaw sa mga salita,
Ngunit 'di na sa dating gawa
Alaala'y naglilipana katumbas ng bula,
Ngunit biglang nawawala

Sa itaas ka ng agos ng ilog
Sa ibaba ako ng agos ng ilog,
Ngunit ikaw ang busilak na iniirog
Nang tayo'y magkalayo, puso'y nadudurog

Bayaran 'man ng libong salapi
'Di na mabubuhay ang isang labi
Kasiyahan ay lubusang nagagapi
Sana maibalik ang dating luwalhati.
Mar 2018 · 2.3k
'Di pawawaldas!
Vincent Liberato Mar 2018
O ginintuang lupa!
'Di mawawaldas ang puri mo,
Sapagka't ang pag-ibig ay sa iyo
Mananatiling tapat sa puso ko

Ipaglalaban ang kasarinlan mo
Tapusin ang digmaan na ito,
Sapagka't walang dulot ito,
Kundi yaring kamatayan sa lupa mo

Huwag agawin ang kasarinlan sa mga kamay mo
Dapat lalo lamang pagtibayin ito
Supilin ang kahit sinong aagaw nito,
Sapagka't 'di ko ipawawaldas ang puri mo.
Mar 2018 · 1.7k
Tapos
Vincent Liberato Mar 2018
Idelohiya sa talunan
Digmaan ang labanan
Buhay ay kawalan
Mundo'y katapusan.
Mar 2018 · 4.0k
Naghihintay
Vincent Liberato Mar 2018
Ang mutya ng kaarawan
Sana'y muling masulyapan
Tinig mo'y may dalang katotohanan
Sana'y labis kong mapakinggan

Hiling na sana'y magkausapan
Ang araw na 'yun ay 'di makalimutan
Taimtim na umaasang magkakitaan,
Upang ika'y pasalamatan

Pagca't ako'y muling nabuhayan
Nagapi ang nanlulumong kamatayan
Sa loob ng masidhing kalooban
Ikaw ang nagdala ng matinding kagalakan

May isang sumpang wagas
Kahit na ang araw ay mag wakas
Sa puso ko'y ikaw ang binibigkas
Tuwing ako'y naghihintay sa labas.
Mar 2018 · 271
Rebulto
Vincent Liberato Mar 2018
Sabi'y h'wag sumamba sa mga rebulto,
Pagka’t kailanman ‘di 'to naging totoo
At usap-usapan lamang ang mga milagro
Sumamba pa rin sila sapagka’t napupuno nang grasya dito.
Mar 2018 · 248
Pula
Vincent Liberato Mar 2018
Dungaw sa pula
Isasalaysay ng mga tula
Nilapitan sa wala
Alaala'y nagiging bula
Kinabukasan sila'y tulala
Bakit ko ginawa 'yun bigla?
Naiisip mo ba?
Nakakalula... nakakalula,
Sapagka't walang kinabukasan ang isang pariwara.

— The End —