Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
fe Dec 2019
Ako’y biktima ng tadhanang malupit,
Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit.
Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig
Parang gumuho itong aking daigdig.

Nang dumating ka at nakilala,
Sugat sa puso’y  unti-unting nawawala.
Ano nga bang mayroon ka
At puso ko’y napapatalon sa tuwa?

Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama
Puso ko’y nakadama ng kakaiba
Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka;
Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?
fe Dec 2019
(Ina)

Lumipas ang mga buwan, ika’y di na nagparamdam,
Pakiramdam ko’y lumalayo ka na ng tuluyan.
Saan ka ba patutungo at ako’y iyo ng iiwan,
Wala na bang halaga ang ating pinagsamahan?

‘Di na tayo tulad ng dati;
Unti-unti nang naglalaho mga ngiti sa labi
Sa isipa’y nagtatanong ano na ba ang nangyari?
Kailan kaya kita makakasamang muli?

Pag-ibig mo ba’y tuluyan ng naglaho?
Na binura ng kahapon at tayo’y pinaglayo.
Ako pa ba’y dapat umasa
Na ika’y muling babalik pa?

Hanggang kailan maghihilom ang sugatang puso,
Na dulot ng nagdaang kahapon.
Hanggang kailan maghihintay ang nangungulilang puso,
Mga pira-pirasong puso na umaasang muling mabubuo?

— The End —