Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sona
Para sa mga taong puro reklamo Tinignan mo na ba ang sarili mo Sinubukan mo bang umpisahan ang pagbabago Oh puro si PNoy ang may kasalanan nito Yan ang hirap sayo Puro ka post sa facebook ng reklamo Nagpapanggap ka pang matalino Eh gusto mo lang cool ka sa paningin ng tao Bato bato sa langit Pag tinamaan ka alam kong masakit Pagmasdan mo ang lahat at wag kang pumikit Ako lang naman ay nagmamalasakit Hindi naman ako nagagalit Gusto ko lang malaman mo na ang bansa ay may sakit Dahil sa hilahan pababa lahat tayo ay naiipit Ang kaayusan kailan pa kaya makakamit?
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 12:06 PM UTC
Reklamo
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Sona-sonahan, madilim na naman. Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?" Pag si Juan ang nagsalita, Nag-aalitan ang madla. Pag tikom ang bibig, Siya'y bulag raw sa maralita. Pag nilatag ang naplantsa, Lalatiguhin ng administrasyon. Pag walang plataporma, Ihahagis sa bangin ng suhestisyon. Kalaban pala nati'y ang sariling atin, Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad Mapait ang kapayapaan, Dakila ma'y kanilang binabagsak din. Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista. Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan, Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay. Yuyuko na lang ang nasa langit Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak -- Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid, Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan. May iilang nagtatanong, May iilang walang pagtataka, Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong Kaya't iba na lang ang nakikinabang Puspos sa distansya Ng kamalian ng nakaraan. Hugas-kamay ang iilan, Simpleng hindi batian, Wika nga ba ng pagkakalimutan? Parang away-kalye, away-bata Aso't pusa, sa lipunang ang hepe'y sila-sila lang din. Batu-bato pik, naglalaro ang iilan Bukas tataya na naman sa lotto At pag natalo'y iiyak na lang, Bibigyan ng tsokolate, Pangako para sa matamis na pag-iibigan Ngunit balat lang pala, Mapagbalatkayong himagsikan Tapos, hahanap ng Darna Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:32 PM UTC
SONA-sonahan

Continue reading...
51
ख्लाब-ख्बिब मोदान फैयो नोँनि लिप्सटिकनि... मेव मेव मोनखांफैयो थेनथौलांब्लाबो आंहा बेसेदि बिरो बेरे सिखिरि नोँनि फारनै गुसुथिनि नोजोर...।
0
May 15, 2015
May 15, 2015 at 9:05 AM UTC
मिस सना आंनि