Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#oras
Naalala mo ba? Panahong pinagmasdan kita Ika'y nailang at biglang natawa Sabay sabing, "May problema ba?" Naalala mo ba? Yung kwentuhang walang hanggan Tila hindi alintanang gabi na Masyadong maikli ang oras na nakalaan Naalala mo ba? Sinabi kong, "Walang maiinlove ha." Ngumiti ka at nangako Pero nagkamali pala ako Ako'y nahulog sa'yo Ngunit di mo sinalo Kasi hindi naman ako Ang taong gusto mo
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 9:31 PM UTC
Naalala mo ba?
Oras na nga ba? Para kalimutan na, Mga ala-ala Iniwan akong nag-iisa, Di na ba babalik pa?
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:04 AM UTC
?
sa garagal na takbo ng buhay, bakit nga ba kapag ikaw ang kasabay bumibilis ang lahat kahit hindi naman dapat?
0
Jun 15, 2020
Jun 15, 2020 at 12:36 AM UTC
hindi dapat
Mga kahapong Napabalikwas Mga bukas Na hindi na mangyayari Mga ngayo'y Di na mauulit Parang Mga nararamdaman mo'y Kahapon Mga tawanan nating Bukas Mga nangyayaring Parang ngayon Lahat sila Nabaliktwas Di na mangyayari At di na mauulit muli.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 6:14 PM UTC
Mga
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana Nalulunod sa mga baka sakali Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una At pangmatagalang pait at sakit sa huli Unang yakap at halik mula sa kabiyak Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak Handa akong masaktan at bitawan ka Mamahalin kita habang may oras pa
0
May 17, 2019
May 17, 2019 at 8:41 AM UTC
Habang may oras pa
kinalimutan mo na kaya ako? sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa? dahil ako, palagi. sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit sa pagkalimot ng isa paulit-ulit nagsisimula sa umpisa ani mo'y palabas sa sariling haraya iniipit ako ngayon ng tahimik ni walang imik sa pagitan nating dalawa napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag napapangiti na lang sa mga gunita dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli tulad ng paulit-ulit na pagtugtog ng musikang nagpapaalala sayo
0
Feb 3, 2019
Feb 3, 2019 at 2:24 PM UTC
palagi.
Mahal, nakalimutan na kita Hindi ko sinubukang kalimutan ka, Hindi ko sinasadya, maniwala ka Pumagitna lang naman ang oras at ang kalayaan sa ating dalawa
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 5:37 AM UTC
Untitled
Kay bilis din ng panahon aking kaibigan Tulad ng paglaho ng pangalan mo sa inbox ng cellphone na gamit ko Na dati ay napupuyat upang makatext lamang ang isang tulad mo Ngayon ay nagtatanong kung mayroon ka pa ba ng mga numero ko? Kay dali nga siguro lumipas ang oras Tulad ng chat box sa facebook na hindi na kita mahanap Na noon ay laging nasa unahan at puno ng tawanan ang nilalaman Ngayon ay tila nalulumbay at ayaw tumahan Salamat sa lahat ng mga alala na ito aking mahal Masaya akong ulit ulitin ito sa aking isipan Huwag ka mag alala dahil ako ay hindi nangangamba May langit pa naman, kung saan walang time limit ay makakapiling ka.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 12:04 AM UTC
Dali-dali
sa unang sulyap, nabago mo lahat sa unang isang oras, isang iglap ako ay iyong iyo na sa sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbubunyi ang mga matang naaakit sa mga sulyap nating nagsasalit di ko inasahang mananatili patawarin; di ko na mai-alis ang titig ko’y wari’y di mo na nais di na matiis ikaw sulyapan pa sana’y di na ito matapos pa ang sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbunyi ang mga matang naakit sa mga sulyap nating nagsalit di ko inasahang nanatili.
0
Feb 19, 2017
Feb 19, 2017 at 9:48 PM UTC
Orasa
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan Naitatala nito ang takdang oras. Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat Segundo, minuto at oras sa bawat araw na lumilipas. Ngayong araw na ito, tila sadyang nagmamadali ang yaring mga kamay na parang bang may hinahabol. Hindi naman sila mga paa Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay, nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito. Na kung sila’y magkakabuhay lamang Ay aking itatanong, “’Hindi pa ba kayo napapagod?” Akala ko ba’y Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan Ay ito’y patuloy na tatakbo? Tatakbo at tatakbo. Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito at hindi lalayo. Iikot ng iikot. Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil. Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil, kung sadyang naubusan ng batirya, kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya. Ngunit sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata, 'Di ko nabatid kung isang panaginip o isang realidad na nga ba ang aking narating. Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo ay bigla na lamang huminto. Ang pagkumpas ng oras ay nabigo. Ang panahon natin ay naglaho.
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 12:44 PM UTC
Sa ikalawa ng Disyembre