Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#laban
Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian, Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan, At sa bawat minuto na nasa piling mo ako, Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto. Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko, Sandata ko’y hindi kumpleto, Hindi ka nga pala handa’t sigurado, Para ipaglaban yung nararamdaman mo. Heto ako paulit-ulit na naniniwala, Pilit pa rin na umaasa, Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na, Wala ng takot at pangangamba. Pero kahit ako lang ang lumalaban, Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan, Hindi man ako yung prinsesa na para sayo, Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.
0
Jun 9, 2023
Jun 9, 2023 at 10:15 AM UTC
Prinsepe
Ang sarap hindi na bumalik sa kung saan ka nanggaling. Ang lupang nagbigay sa akin ng kunting ligaya ngunit puno ng masasakit na alaala. Ilang luha ang nilabas nitong hapong mga mata? Ilang impit at sakit nitong pusong nagdurusa? Haggang kailan ako maggitiis? hanggang kailan ito matitikis? Mga tao sa paligid ay mapanuri, mapanghusga't mapanglait. Unti-unti kang sinasakal, bawat mali'y laging maturingan. Pangako ko sa Maykapal na gawa nila'y babaunin at pati buto ko sa libingan ay hindi sila malimutan. Itong kirot ewan ko hanggang kailan ito, gagawin ko na lang itong isang malaking hamon at inspirasyon. @Wizards_Pen
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 12:36 PM UTC
L A B A N
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay

Continue reading...
37
Puso koy huwag masyadong pahirapan Baka bukas ay hindi na ito makalaban. Kung nagkasala may ako nay patawarin, Mga alaala huwag sana tulayang limutin.
0
Jan 23, 2018
Jan 23, 2018 at 11:04 PM UTC
...
Kay liwanag na mga tala Sa gabing walang pag-asa Nakahundasay na mga latay Sa lupa ko'y inialay Dagundong ng mga bala Patalim na pang-harana Ang aming pamaskong handa Para sa bagong noché buena Alikabok na lumiliyab Mga puwing na sumisiklab Buhangin sa ilalim ng dagat Sa balat ko'y namulat Umagang kailan kaya mararanasan Kung may bukas pang masisilayan Ng aming pusong binubo At winasak ng luha ng dugo...
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 5:44 PM UTC
LUHA NG DUGO
Ang hirap pala ipakita sa mundong ito kung ano at sino ka. Ang hirap, kasi yung mga taong nakapaligid sa'yo akala nila perpekto ang tingin sa mga sarili nila. Ang hirap ipakita ang totoong ikaw kasi takot ka nang hilain ka pababa gamit ang kanilang makapangyarihang salita. Ang hirap ng ngumiti kung nakakapagod na. Pero sa ngayon, isantabi ko muna ang takot at mga kahinaan dahil alam ko kaya ko pang lumaban sa mapanghusgang mundo na ating ginagalawan.
0
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 10:25 AM UTC
MAHIRAP PERO LUMABAN
Galit na namuo sa bawat tao, Kakaiba kung dumayo, Hahamakin ang iyong pagkatao, Ikaw, kayo, tayong lahat magpakatotoo. Galit-----anong klase ka kung ika'y humagupit, Sa pusong sawi at naiipit, Wala kang itinitira sobra **** lupit. Ang pwersa mo'y mala-delubyo, Lakas mo'y katumbas ng bagyo, Hindi ka pumo preno, Tiyak ika'y may ikinukubling misteryo. Sinuman ang di mag-ingat ay matatangay sa dumadaragsang alon nito, Sapagkat ito'y may elemento, Ito'y hindi mo mababana-ag o mapagtatanto, Di mo mawari kung ano, Kaya't pigilan mo, Kung nararamdaman **** ito'y papalapit sa'yo. Labanan ang ....... Galit ng paulit-ulit, Minsan ito'y makulit, at nagpupumilit, Ngunit sa luhi kung ito'y mapagtagumpayan mo napakasulit, Bakit? Makakamit mo ang isang aral na maliit, Ngunit nagpapalaya sa damdamin na puno ng sakit, Na para bang ang kaluluwa mo'y nawalan ng hinanakit, at sa tuwina'y nakaka-akit, Mula sa isang taong nagkakamit, Mistulang bituin sa langit, Napaka-marikit! Nagniningning! mistulang sa tahanan nakasabit.
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 10:10 PM UTC
Labanan Ang Galit
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Sona-sonahan, madilim na naman. Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?" Pag si Juan ang nagsalita, Nag-aalitan ang madla. Pag tikom ang bibig, Siya'y bulag raw sa maralita. Pag nilatag ang naplantsa, Lalatiguhin ng administrasyon. Pag walang plataporma, Ihahagis sa bangin ng suhestisyon. Kalaban pala nati'y ang sariling atin, Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad Mapait ang kapayapaan, Dakila ma'y kanilang binabagsak din. Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista. Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan, Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay. Yuyuko na lang ang nasa langit Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak -- Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid, Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan. May iilang nagtatanong, May iilang walang pagtataka, Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong Kaya't iba na lang ang nakikinabang Puspos sa distansya Ng kamalian ng nakaraan. Hugas-kamay ang iilan, Simpleng hindi batian, Wika nga ba ng pagkakalimutan? Parang away-kalye, away-bata Aso't pusa, sa lipunang ang hepe'y sila-sila lang din. Batu-bato pik, naglalaro ang iilan Bukas tataya na naman sa lotto At pag natalo'y iiyak na lang, Bibigyan ng tsokolate, Pangako para sa matamis na pag-iibigan Ngunit balat lang pala, Mapagbalatkayong himagsikan Tapos, hahanap ng Darna Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:32 PM UTC
SONA-sonahan

51