Hindi ko siya hiniling
Swerte ko siya ay dumating
Tila tadhana'y sa akin siya'y ibinaling
Upang sa mga kama'y ko siya'y aking makapiling
Ako'y sadyang nagpapasalamat
Sa pagdating mo sa aking buhay
Gagawin lahat ng nararapat
Upang mga ngiti mo'y hindi mawalan ng kulay
Mga ngiting nagpapasaya sa akin
Tawa mo na nakakahumaling
Lahat ay aking gagawin
Manatili kalang dito sa aking piling
Hindi ka man gaano mabigyan ng lahat
Pero kita pa rin sa yong mga mata ang saya
Kaya ulit ako'y nagpapasalamat
Sa tadhana na sa akin ika'y ipinaubaya