Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Rafael Magat May 2015
Sa aking paghimbing
ikaw ang nais na yakapin ng
mahigpit, magdikit ang ating mga pisngi
at ang iyong makisig na
dibdib ang nais gawing unan dahil dito ko
naramdaman ang
kasiguraduhan na kapag ako’y
balot sa iyong mga bisig
ako’y nasa isang ligtas
na lugar
Rafael Magat May 2015
hindi ko malaman
kung saan
papunta ang
pinili kong daan

hindi ko mawari
ang sidhi
at ang pag-iisip kong hati
bakit kailangang pumili?

saan?
tangan
ramdam,
saktan

sinubukang umikot
sa eskinitang baluktot
kailanma'y 'di ko malilimot
na doon ko nakita ang sagot
Rafael Magat May 2015
And now I am
back into pieces
that you used to gather when
you first saw me

And now I am
shattered,
small and has no worth
back to being wasted

and now I don’t know
who I really am
Rafael Magat May 2015
Ang paningin kong nanlalabo na,
nagdaan sa mahabang panahon
at nasaksihan ang iba’t-ibang pangyayari,
mahalaga man o hindi
ipinipikit ng kaunti itong mga mata
upang pilit tignan
ka.

Dahil isang bagay ang sigurado ako:
ikaw lang ang nais kong makita
ng malinaw
Rafael Magat May 2015
Ang kantang napakasaya
na kasabay ng iyong pagdating
ang pag-indayog ng aking katawan upang
masabayan ang ritmo
dala mo ang mahika
na aking kinamanghaan
ngunit ikaw din ang kantang
pinakamalungkot
noong ikaw ay lumisan
Rafael Magat May 2015
Hindi ko na kaya
ang nararamdaman
umaapaw, sobra na
sa pag-indak ay nais ilabas
ang pagkahumaling sa
katotohanan na hindi ko na masukat
kung gaano kalalim ako nahulog
*sa iyo
Rafael Magat May 2015
Pinipili ng mga mata ko
ang nais nitong makita
sapagkat tanda ko noon
lahat ay sadyang tinitignan
lahat ay gusto nitong masilayan at
maobserbahan ngunit ngayon
parang nais na lamang
pumikit at manirahan sa dilim

Pinipili ng mga mata ko*
ang nais nitong makita
at ikaw ang napili ng mga ito
kahit ang pakiramdam ay parang
nasa dilim ngunit maliwanag at kitang-kita
na iba ang dahilan
kung bakit ika’y masaya
at kapiling ang iba

— The End —