Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Patricia Balanga May 2017
Nagpalit ang mga numero sa aking relo
Bigla itong tumunog at nabahala ako
Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na
Oras na para humiling na ika'y muling makita

Lumipas na ang apat na buwan
Mula nung aking sinimulan
Pagtigil at pagpikit ng mga mata
Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga

Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit
Isang minuto akong nakatingala sa langit
Hiling na makasama ka kahit ilang sandali
Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi

Dumating ang panahong ikinalulungkot ko
Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo
Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling
Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling

Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo
Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo
Sana naman hindi maaaksaya
Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na

Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga
Ang tanging hinihiling na makasama
Muli akong pumikit at humiling
Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
Patricia Balanga Jan 2018
Kung alam mo lang
Na ikaw ang dahilan
Sa bawat ngiti
Kung alam mo lang
Ang tuwa at kulay na ibinibigay mo sa aking buhay
Kung alam mo lang
Kung gaano mo ako pinasaya
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka
Kung alam mo lang
Kung gaano ako kasaya
Kapag kausap at kasama ka

Kung alam mo lang
Na ikaw rin ang dahilan
Kung bakit may mga luhang dumaloy
Kung alam mo lang
Kung gaano rin kalungkot
ang makita kang malungkot
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong damayan
Sa bawat pagsubok na pinagdaanan mo
Kung alam mo lang
Kung gaano kita gustong puntahan
Nang sinabi **** malungkot ka

Kung alam mo lang
Ang bilang ng mga gabing sinakripisyo para makausap ka
Pero sasabihin ko sayo na hindi ko iyon pinagsisihan
Kung alam mo lang din
Kung gaano ako natataranta kapag nandiyan ka
Kung alam mo lang
Ang mga tanong na nais itanong sa’yo
“Naiisip mo ba ako?”
Kung alam mo lang
Kung gaano kakulang ang tulang ito
Para masabi sa iyo ang damdamin ko
Pero…
Gusto kong malaman mo
Kung ilang beses ka iniisip at naaalala: Palagi
Patricia Balanga Jun 2017
Tatlong salita. Labing dalawang letra
Pasensya ka na

Pasensiya ka na hindi ko masasabi
Sikretong iyong pinakamimithi
Marami akong tinatagong saloobin
‘Di tulad **** bukas na bukas sa akin

Ikaw na lang ang hindi nakakaalam
Ng sikretong kay tagal kong tinakpan
Masasabi ko pa ba sa’yo
Nang hindi nag-aalala sa reaksyon mo

Hindi sa hindi ko pagtitiwala sa ‘yo
Kung hindi dahil sa natatagong damdamin ko
Ito’y mananatiling nakakahon
Kaya sana maintindihan mo ang rason

Tatlong salita. Labing dalawang letra
Pasensya ka na
Kay tagal na panahon na
Simula nang mahalin kita

— The End —