kung ikaw ay nilalamig
huhubarin ko ang jacket ko para ibigay sayo
kahit na magyelo ako sa sulok
manginig at mamulupot
basta maramdaman mo ang init
ng lihim kong pagsinta sayo
kung ikaw ay nagugutom
bibilangin ko ang barya kong inipon sa pitaka ko
tatakbo at bibili ng paboritong pagkain mo
kahit maubos ang laman ng bulsa
umulit ang ipon sa simula
basta maipadala ng mga pagkain
ang paruparung nagaalburoto sa tiyan ko
kung nabibigatan ka sa dalahin mo
gamitin mo ang balikat, braso, at kamay ko
isama mo na ang likod na 'to
kayang kaya ko buhatin
basta mabawasan ang pagod sa mga mata mo
kung kailangan mo ng kasama
buburahin ko ang plano sa araw na to
papalitan ng pangalan mo
babyahe at sasabihin kay manong drayber
dalhin ako sayo
iaalay ko ang kabuoan ko
basta ako ang makatabi mo
kung mararamdaman mo
ikaw ay tangi at ako'y sayo
basta malaman ****
saiyong - iyo lang ako
Feb 11
Feb 11, 2026 at 6:41 AM UTC
kung ikaw ay nilalamig
huhubarin ko ang jacket ko para ibigay sayo
kahit na magyelo ako sa sulok
manginig at mamulupot
basta maramdaman mo ang init
ng lihim kong pagsinta sayo
kung ikaw ay nagugutom
bibilangin ko ang barya kong inipon sa pitaka ko
tatakbo at bibili ng paboritong pagkain mo
kahit maubos ang laman ng bulsa
umulit ang ipon sa simula
basta maipadala ng mga pagkain
ang paruparung nagaalburoto sa tiyan ko
kung nabibigatan ka sa dalahin mo
gamitin mo ang balikat, braso, at kamay ko
isama mo na ang likod na 'to
kayang kaya ko buhatin
basta mabawasan ang pagod sa mga mata mo
kung kailangan mo ng kasama
buburahin ko ang plano sa araw na to
papalitan ng pangalan mo
babyahe at sasabihin kay manong drayber
dalhin ako sayo
iaalay ko ang kabuoan ko
basta ako ang makatabi mo
kung mararamdaman mo
ikaw ay tangi at ako'y sayo
basta malaman ****
saiyong - iyo lang ako