Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa paglipas ng bagyo at pag-usbong ng araw. Muli tayong babalik sa simula Kung saan tayo’y dating tumubo. Ang binhi ng pag-ibig Nadurog man ngunit may pag-asang muling mabuhay Hindi nagmamadali, Sapagkat ang mga sanga’t dahon Ay di bastang yumayabong. Dadaan ang ulan, araw at panahon Na muling sa atin ay magpapalago Kung minsan nang natuyo at nasira Ang ating mga dahon at sanga, Ngunit naroroon pa rin ang puno. Ngayon, magkasama, dahan-dahan At maingat na sisimulang muli. Bunutin ang damo ng konsensya. Putulin ang sanga ng masamang nakaraan. Buhusan ng tiwala ang mga ugat. At pagyabungin sa lilim ng araw ang kapatawaran. Darating ang oras Na sa bawat pagsibol ng bulaklak Sa bawat paglago ng bagong sibol na damdamin. Ang pag-ibig na tila isang puno Kung aalagaan, kailanman. Hindi basta matitinag.
0
Aug 30, 2025
Aug 30, 2025 at 6:17 AM UTC
Puno ng Pag-asa

justin-rio
Written by
Aug 30, 2025
Aug 30, 2025 at 6:17 AM UTC
Request permission to use this poem