I dont wanna let go of this fragile string.
For it's the only tie to everything,
A thread of love that's flawed but true.
The only bridge between me and you.
Sep 10, 2025
Sep 10, 2025 at 5:27 AM UTC
Akala ko, okay na ako.
Akala ko, magaling na ang sugat
-na iniwan mo.
Akala ko nga kaya ko nang
ngumiti ng di ikaw ang dahilan.
Pero bakit sa tuwing-
bigla kang kakatok sa isip ko.
Parang may sariling paa ang puso,
tumatakbo papalapit.
Kahit sabihin sa sariling
"Tama na"
Bakit,
Parang sa isip lang kita kayang takbuhan.
Pero ang puso ko, lagi ka pading hinahabol.
Sep 10, 2025
Sep 10, 2025 at 5:25 AM UTC
Bitbit and bagahe ng lahat ng problema,
mga sugat na ako lamang ang nakakaunawa.
Dalangin na maibaba isa isa ang mga ito,
para muling maramdaman ang gaan ng sariling mundo.
Kaya't saka ko na hahawakan ang bagahe ng pagibig natin,
ang tanging kabanata na minsa'y bumuo sa-akin.
At kung sakaling pagbalik ko'y wala ka na,
nawa'y matutunan kong maging masaya,
kahit mag-isa.
Sep 10, 2025
Sep 10, 2025 at 5:23 AM UTC
Kung babalik ba tayo sa umpisa.
Kung saan masaya pa tayong dalawa.
Pero alam na natin ang kahinanatnan.
Pipiliin mo pa din bang sumugal?
Sep 3, 2025
Sep 3, 2025 at 4:19 AM UTC
Aabante ka ba, o aatras ako?
Nakatigil sa gitna, ako'y litong-lito
Ilalaban paba ang pusong ito,
O isusuko na lang pipiliin ang ako.
Sep 1, 2025
Sep 1, 2025 at 3:56 AM UTC
Ako'y estudyante ng pagibig,
Tila ba'y nag-aaral muli,
'Di pa bihasa, kaya madali-
pang magkamali.
Pagsubok ang **** sa bawat aralin,
Gabay ang hatid sa gitna ng dilim.
Sa bawat hakbang may aral na bitbitin.
Naturuan akong ika'y mahalin.
Sana magtagpo ang landas na naglaho,
upang muling buuin ang dating pangako.
Aug 31, 2025
Aug 31, 2025 at 4:40 AM UTC
Sa paglipas ng bagyo
at pag-usbong ng araw.
Muli tayong babalik sa simula
Kung saan tayo’y dating tumubo.
Ang binhi ng pag-ibig
Nadurog man ngunit may pag-asang muling mabuhay
Hindi nagmamadali,
Sapagkat ang mga sanga’t dahon
Ay di bastang yumayabong.
Dadaan ang ulan, araw at panahon
Na muling sa atin ay magpapalago
Kung minsan nang natuyo at nasira
Ang ating mga dahon at sanga,
Ngunit naroroon pa rin ang puno.
Ngayon, magkasama, dahan-dahan
At maingat na sisimulang muli.
Bunutin ang damo ng konsensya.
Putulin ang sanga ng masamang nakaraan.
Buhusan ng tiwala ang mga ugat.
At pagyabungin sa lilim ng araw ang kapatawaran.
Darating ang oras
Na sa bawat pagsibol ng bulaklak
Sa bawat paglago ng bagong sibol na damdamin.
Ang pag-ibig na tila isang puno
Kung aalagaan, kailanman.
Hindi basta matitinag.
Aug 30, 2025
Aug 30, 2025 at 6:17 AM UTC
Sa kumpol ng mga tao ika'y nasilayan
May saya sa mukha ang liwanag mo sa karamihan.
Nakita ang ngiti **** kay tamis,
Ngiti ng mga mata **** lubos kong na-miss.
Nang magtagpo ang ating mga mata,
Mundo'y huminto sa labis na tuwa,
Habang hakbang mo'y saakin ay papalapit,
tibok ng puso ko ay muling bumalik.
Tila isang batang sa presensya mo'y-
sabik na sabik.
Hawak-kamay tayo sa gitna ng tuwa,
Walang salita pero dama ko na,
Nang sandaling iyon ay walang iba..
Tanging ikaw at ako at ang pagibig
na tunay at buo pa.
Ngunit biglang nadama ang bigat
Ramdam ang lungkot ng mga mata'y dumilat
Di pala totoo ang lahat ng saya.
Dinalaw mo lang ako, kahit saglit lang sinta.
Ikaw na dati kong minahal
dinalaw lang ako ng dating ikaw,
nang dating tayo
sa panaginip..
Aug 27, 2025
Aug 27, 2025 at 11:09 PM UTC
Madali ba na limutin ang isang tao,
Ba't tila naging madali para sayo.
Na kalimutan ang tayo,
'Di bale't sige..
Madali palang limutin ang isang tao
Ngunit hindi ang pagibig na inialay
Hindi ang alaalang inukit ng panahon
Hindi ang nakasanayang mundo-
Na kasama ka
At higit na hindi ang mga pangarap na binuo,
Na ngayo'y tila ikaw na lamang ang nagpapatuloy.
Tinangay ka na ng alon ng pagibig
Habang naiiwan ako sa pampang
Pinagmamasdan ang agos ng iyong paglisan.
Aug 27, 2025
Aug 27, 2025 at 5:02 AM UTC
If the love I pour into you
Brings nothing but quiet aches,
Like I'm tethered to your heart
That only pull 'til something breaks.
Know that I mean no harm,
I'm only here, still holding on—
Not to wound, but to fight for us,
For all that we once were
And what's now gone.
Know that I never meant to cause you pain.
I'm just trying to save what's left in the rain.
But before I ever let you go,
I hope you remember what you used to know
Of the vows we made in joyous days,
When we believed in forever's ways.
Jul 24, 2025
Jul 24, 2025 at 6:03 AM UTC
