Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
‎Sa dilim ng gabi, ako’y nag-iisa, ‎Bawat sigaw, sa hangin lang nadadala, ‎Walang kamay na sa luha’y sumasalo, ‎Pag-ibig ko’y nauwi sa pagkalaho ‎ ‎Isinaboy ko, lahat ng kayamanan, ‎Ngunit sa’yo’y tila ako’y ‘sang dayuhan, ‎Damdami’t pusong  kong walang pag-iimbot, ‎Na kahit minsan, ‘di mo man lang sininop. ‎ ‎Lahat ng araw, inalay ko’t sinuko, ‎Ngunit kapalit katahimikang ginto. ‎Ako’y abo na tinangay ng unos mo, ‎Pagod na, sinta, sa laban **** mapanlo. ‎ ‎Ngayo’y puso ko’y bato na’t nanlalamig, ‎Pag-ibig ay libing sa hukay ng lamig. ‎Hindi na muling huhubog ng pag-ibig, ‎Sapagkat minsan, wasak na’y di masilip. ‎
0
Aug 10, 2025
Aug 10, 2025 at 1:06 PM UTC
Hukay ng Lamigwasak

Binuhos ko lahat—puso, oras, lahat-lahat—pero kapalit ko lang, katahimikan at paglayo. Hanggang sa napagod ako. Nanlamig, tumigas ang puso. At doon ko na-realize, may mga sugat pala na kahit anong gawin, hindi na talaga gagaling.
juupither
Written by
Aug 10, 2025
Aug 10, 2025 at 1:06 PM UTC
Request permission to use this poem