Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Oh Bantay ang paborito kong alaga sa'n ka nagpunta't di na kita nakita lambing mo sa aki'y nais kong madama paborito kong Bantay andyan ka pa ba? sinilip sulok ng kwarto at bodega sa ilalim ng papag hanggang kusina naglaho na si Bantay na parang bula alay ko sa'yo ay isang baldeng luha sa'king paghahanap nakita ko'y pusa masigla, malambing, at nakatutuwa batid kong silang dalawa'y magka iba subalit sila sa aki'y nagpasaya Kuting patawad kung di kita mapulot mawalan ng alaga ay anong lungkot di ko maatim na may batang lumuha sa dahilan na ika'y aking kinuha.
0
May 28, 2025
May 28, 2025 at 2:07 AM UTC
Ang Paborito Kong Alaga

Written by
May 28, 2025
May 28, 2025 at 2:07 AM UTC
Request permission to use this poem