Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Isang gabi, ginising mo 'ko nang alas-nuwebe - Ang sabi mo sa'kin: "Gising na. Kain ka na. Mahuhuli ka na sa trabaho." Ginising mo 'ko sa mahigpit **** yakap, Sa labi **** dumadampi sa bawat parte ng aking mukha. Lumabas tayo ng kwarto, tumuloy sa lamesa. Nakahanda na ang pagkain, at bumalik ka sa pagbabasa. Tinitigan kita - Dahil alam kong pagod ka rin, sumusubok din katulad ko. Kaya't nilapitan kita't niyakap, pinasalamatan: "Thank you. Mahal kita." At kung sa mga susunod na taon, ganito ang paggising ko: mahigpit na yakap mula sayo; matatagal na halik; pag-aalaga at pag-intinding hindi kailangang hingin; at pagmamahal na sigurado. Sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon, patuloy kitang ipagtitimpla ng kape, Patuloy kitang ipagluluto ng kahit anong putaheng gusto mo; Patuloy kitang sasamahan sa simbahan kada Linggo; Patuloy kitang ipagdarasal; Patuloy kitang susuportahan sa landas na gusto **** tahakin; Patuloy kong mamahalin at kikilalanin lahat ng mahal mo; at Patuloy kitang ipapakilala sa mundo. At sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon - Patuloy kitang pipiliin. Patuloy kitang mamahalin.
0
Aug 30, 2024
Aug 30, 2024 at 3:36 PM UTC
untitled love - 01

love has always been my kryptonite. pls pray for me. thanks update: nvm. basta magmamahal pa rin ako. bahala kayong mga nananakit ang papangit nyo!!!!
Written by
Aug 30, 2024
Aug 30, 2024 at 3:36 PM UTC
Request permission to use this poem