ang maging paraluman ng manunulat ay isang karangalan.
walang taong nais malimutan,
lahat gustong mag-iwan ng marka,
ng tandang minsa'y narito siya.
kaya nga hanggang sa puntod,
nag-iiwan tayo ng marka:
buong pangalan, araw ng kapanganakan, at araw ng pagkamatay.
ngunit hindi mapipigilan ang pagtubo ng mga damo sa paligid ng lapida.
lalo na ngayong may krisis ang bansa,
ganitong sinasabayan ng pagtaas ng gasolina ang pagtaas ng mga damo.
ganitong tila nabubuhay ang lahat para lang makaalpas sa tanikalang ipinamana ng mga nakaraang administrasyon.
di makalaunan, tayo'y magiging pataba sa lupa.
dahil ang katawan ay isa lamang behikulo,
isang bangkang minsang pumalaot.
kaya gano'n na lamang ang karangalan maging isang paraluman.
dahil ang maging isa,
ay ang pamumuhay habang buhay.
isang karangalan ang maging paraluman,
ngunit isang sumpa ang maging manunulat.
ang umalala. ang makaramdam. ang malimutan.
hindi natin maliligtas ang lahat sa tanikala,
ngunit ang manatiling isang paraluman ay isang pangako:
isang sumpang may pagmamahal na mapagpalaya.
hindi kailangan ng lapida sa iyong pagkawala.
mananatili sa akin ang iyong buong pangalan, araw ng kapanganakan, at araw ng iyong paglisan.
Mar 24
Mar 24, 2026 at 11:56 AM UTC
Isang gabi, ginising mo 'ko nang alas-nuwebe -
Ang sabi mo sa'kin:
"Gising na. Kain ka na. Mahuhuli ka na sa trabaho."
Ginising mo 'ko sa mahigpit **** yakap,
Sa labi **** dumadampi sa bawat parte ng aking mukha.
Lumabas tayo ng kwarto, tumuloy sa lamesa.
Nakahanda na ang pagkain, at bumalik ka sa pagbabasa.
Tinitigan kita -
Dahil alam kong pagod ka rin, sumusubok din katulad ko.
Kaya't nilapitan kita't niyakap, pinasalamatan:
"Thank you. Mahal kita."
At kung sa mga susunod na taon, ganito ang paggising ko:
mahigpit na yakap mula sayo; matatagal na halik; pag-aalaga at pag-intinding hindi kailangang hingin; at pagmamahal na sigurado.
Sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon, patuloy kitang ipagtitimpla ng kape,
Patuloy kitang ipagluluto ng kahit anong putaheng gusto mo;
Patuloy kitang sasamahan sa simbahan kada Linggo;
Patuloy kitang ipagdarasal;
Patuloy kitang susuportahan sa landas na gusto **** tahakin;
Patuloy kong mamahalin at kikilalanin lahat ng mahal mo; at
Patuloy kitang ipapakilala sa mundo.
At sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon -
Patuloy kitang pipiliin.
Patuloy kitang mamahalin.
Mar 17
Mar 17, 2026 at 2:22 AM UTC
kasalanan ang wakasan ang sariling buhay,
ngunit kasalanan din ang magsinungaling:
ang magpatuloy sa
mga oras na napupuno ng
alikabok ang kwarto;
sa bawat tanong kung bakit ka wala;
sa mga hakbang na nagsilbing pagpuslit;
sa mga oras na armas ang lahat ng
nakatutok sa akin,
naghihintay sa aking pagpitik;
at sa oras na mabigat na ang dibdib,
kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso,
pagdilim ng paligid,
at paglalim ng pagnanasang
mapuno ang pahinang ito
ng mga salitang magsisilbing diksyunaryo
sa aking pagkakamali.
Feb 22
Feb 22, 2026 at 12:58 PM UTC
i can survive everything, everything but the aftermath of love:
the grief, pain, and emptiness tend to swallow me whole.
but i won't stop this **** heart from loving wholeheartedly,
because that's how it should be.
because i deserve the same kind of love i give -
whole, intentional, and steadfast.
Nov 13, 2025
Nov 13, 2025 at 1:20 PM UTC
At isa ito sa mga bagay na kaya kong ipagmalaki -
hindi dahil sa mabubulaklak na salita,
o sa lalim ng atas ng bawat letrang binubuo.
Mahal ko ang pagsulat.
Dahil dito, may pag-intindi—
hindi mo kailangan pang dagdagan,
hindi mo kailangang itama,
dahil kapag tapos na, tapos na.
At kapag tapos na, sapat na.
Walang kuwit o gitling,
walang pagpapanggap; walang pag-aatubili
kamahal-mahal ba ang parte na ito na
nais kong bahagi sa mundo.
Kung sapat ba ang lalim, sapat ba ang bilang.
Mahal ko ang pagsulat.
Hindi ako pumapalaya sa pagbili ng mga notebook
na ninais kong punuin ng mga alaala at salita.
Pero sa loob ng pitong taon, nanatiliing blangko
ang mga papel na nakaimbak sa kwarto ko.
Sa mga gabi na katulad ngyon,
sinusubukan kong alalahanin,
kung paano minsan, sigurado ako—
may patutunguhan, alam kong saan pupunta;
sigurado kung saan hihinto at
kung kailan puputulin ang bawat litanya ng taludtod.
Mahal ko ang pagsulat, pero sa mga gabing katulad nito,
may kaakibat na alaala at sakit
ang bawat tungga ng Smirnoff.
Mahal ko ang pagsulat, pero sa mga gabing katulad nito, pinapaalala niya kung bakit
mas pinili kong makalimot.
Sep 12, 2025
Sep 12, 2025 at 2:25 PM UTC
cause i loved this place for so long, london.
am i sad because i've been listening to TTPD all week? or
i've been listening to TTPD all week because I am sad?
i don't know, man.
but what i do know is that nobody prepared me for 22.
nobody informed me that living on your terms can sometimes somewhat be lonely.
i love writing so much. but at this age,
i find myself lost for words most of the time,
as if they're there, but blurred, hidden, or far from my reach.
and so, rambling has been added to one of my skill sets.
there is something liberating and wretched at 22.
how we can understand now why adults act the way they do,
how there's so much to heal from and so much to discover -
a bittersweet year for the miscreant child.
i never believed in Christmas wishes as i know He listens everyday,
but I am gonna put this wish in writing:
may I once again find the right words and action to bring to life Your every desire. may I once again reach You. may I once again be worthy. may I once again be Love.
Nov 18, 2024
Nov 18, 2024 at 10:27 AM UTC
short-winded, foggy-brain girl in a green hoodie,
with visions far-flung from where she stands.
her hands tremble as she reaches for the microphone in front of a colossal audience.
she stands in silence - listening to their every whim - waiting for the right moment.
a great philosopher once said:
"a greater woman wouldn't beg.."
but she looked at the sky and said:
"whatever Your plan is, it shall be."
because there is no audience to perform for;
there's no ideal plan worth pursuing than His;.
because she knows,
as deep as the cuts and entrenched as the sins may be,
The Whole Universe conspires to make it all happen.
Oct 27, 2024
Oct 27, 2024 at 7:56 AM UTC
kaya mo bang lumangoy?
handa ka ba sa posibleng taas ng alon,
sa posibleng lalim na kailangang lusubin?
kaya mo bang mag-isa?
sa gitna ng malawak na asul na katubigan,
sa posibleng pag-iba ng simoy ng hangin -
kaya mo bang umunawa?
kaya mo bang sabayan ang alon?
kakayanin mo bang sumubok?
sa kalaliman ng tubig,
kapag naramdaman mo ang lamig,
sa iyong paningin,
mayroon bang pagsisisi?
Sep 2, 2024
Sep 2, 2024 at 12:11 PM UTC
Through the years, I have existed in silence -
I have existed in the silent corners of my room,
Waiting for something I am not quite certain of.
I have existed in unfamiliar rooms,
Living with people I am not quite acquainted with.
Through the years, I was silent -
Was it because of nature? or maybe, nurture?
Was I a silent kid or was I a kid who was silenced?
Through the years, there was nothing but thoughts and words,
they would overflow, overpower me.
In the corners of my room are crumbled papers;
In the unfamiliar rooms are shaky hands and heart palpitations.
For the years to come, we do the same, we wait -
but no, not in silence, not inside the familiarity of the corners of the room.
For the years to come: we speak, we shout.
For the years to come, we live.
Aug 30, 2024
Aug 30, 2024 at 11:55 AM UTC