Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Patawarin mo ako kung mas pinili kong mahalin ang sarili ko kaysa sa'yo. Patawad kung mas natakot akong lumaban dahil alam ko na rin naman kung ano ang ating patutunguhan. Patatawarin ko rin ang sarili ko dahil alam kong hindi rin naman ako naging kontento. Kaya patawarin mo rin ang sarili mo sa mga pangakong hindi mo na nagawang matupad. Hanggang ang pagpapatawad natin ay mauwi sa paghilom, at ang paghilom ay mauwi na rin sa wakas sa pag-usad at sa paglimot. -Ate Yhin , April 9, 2022
0
Jul 4, 2022
Jul 4, 2022 at 9:07 PM UTC
Patatawarin

yhin2x
Written by
Jul 4, 2022
Jul 4, 2022 at 9:07 PM UTC
Request permission to use this poem