
Piyesta, maingay, masaya, maraming pagkain, at ang daming mga palarong pambata ang nasa kalsada. Pero may isang bagay ang kumuha sa aking atensyon.
Ang nagtuturumpukang mga sisiw na may kanya-kanyang nakakatuwang kulay. Ang ganda nilang tignan... Pero sa halip na matuwa ako, binalot lang ako ng pagkainis at kalungkutan.
Dahil alam nating lahat na ang mga abang sisiw na ito, hindi sila malaya, walang boses, walang kakayahan. Katulad ko, pinapakita mo sa ibang tao, na ikaw ang nagkulay sa buhay ko? Pero alam natin pareho, inalis mo ang kalayaan ko, wala akong karapatang magsalita at sabihin ang nararamdaman ko, ni kakayahan kong gawin ang ikauunlad ko ay mariin **** sinabing hindi ko kaya kung wala ka.
Ngayon, hindi ko alam kung paano ako lalaya, may pag-asa pa nga kaya?
Nagmamahal, ang inyong Inang bayan.
Oct 25, 2025
Oct 25, 2025 at 1:59 AM UTC
Totoo nga ang sinasabi nila.
Na kapag umiibig, ang mga mata ay hindi nakakakita.
Dahil puso, puso ang siyang nagmamagaling at namamahala.
Na kahit ilang beses ka na niyang pinaluha, ang huling mutawi pa rin ay ang patawarin siya.
Isip tuloy nagsisimula nang kumontra, "Hanggang kailan?" aniya.
Ngunit ang malambuting puso, ang oras at wakas ay wala sa bokabolaryo niya.
"Digmaang malamig" ni Yhin
1182024854am
Jan 17, 2024
Jan 17, 2024 at 11:46 PM UTC
“Sige may mumu dyan!”
Noong bata ako mandalas itong sabihin sa akin ni mama para iwasan ko ang mga delikadong lugar na magpapahamak sa akin.
At habang nagkakaedad ako
Napagtanto ko na may mas nakakatakot pa pala kaysa sa mga multo
Na mas dapat kong pagtuunan ng pansin.
Ito ang mga mapanghusgang lipunan
Mga mata nilang sumsukat sa iyong pagkatao
At mga opinyon nilang sisira sa iyong sariling kumpiyansa
Sa kabila nito, ipinagpapasalamat ko pa rin
Na sinunod ko noon si Mama
At isinapuso ang mga payo niya.
Dahil kahit napapalibutan pa ako ng mapanghusgang lipunan
Mga matang sumusukat sa aking kakayahan,
At mga salita nilang pilit sumisira sa kumpiyansa ko
Heto ako, nananatiling matatag
At ipinaglalaban ang prinsipiyong pinaniniwalaan ko.
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 8:03 PM UTC
Just like a street lamp
I can give you a light when the night has come
Nevertheless, I don’t know where to stand?
To be happy since you found your comfort place in my presence
Or will I get sad because you only appreciated me for your own convenience?
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 8:01 PM UTC
Why am I being forgetful?
Is it because of my age?
Maybe because of many things happening right now?
Or Is it possible I am just forcing myself
Not to remember my responsibilities, my hideous past,
And shameful mistakes?
What if I’m only trying to run
From the burden I’m carrying for their own sake?
How I wish I could be forgetful!
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 7:53 PM UTC
Such depressing night
Our Memories together.
Burning like a lamp
Nov 1, 2022
Nov 1, 2022 at 7:02 AM UTC
Just like commuters
flooded with fond memories
We're both stranded.
#haikuchallenge
Oct 29, 2022
Oct 29, 2022 at 7:25 PM UTC
Paano mo nga ba masasabing siya na nga?
May paghinto ba talaga ng oras?
May pagbagal sa mga kilos?
May paglabo sa inyong paligid?
Ngunit bakit sa akin baligtad?
Bumilis ang oras at ikaw ang nakita sa hinaharap,
Bawat kilos nagkaroon ng sigla, at
Naging malinaw ang lahat na balang araw, ikaw pala 'yong gusto kong makasama.
Salita | Yhin
Sep 3, 2022
Sep 3, 2022 at 4:34 AM UTC
Kung hindi mo naman pala balak mahalin siya?
Eh bakit ginulo mo pa buhay niya?
Mga tanong na hanggang ngayon tuloy pilit niyang hinahanapan ng sagot.
Mahirap pala talaga kung wala naman talagang pagkakakilanlan ang relasyon n'yong dalawa—nakakalungkot.
Kung saan siya lulugar hindi na rin niya alam.
Kung may karapatan ba siyang magselos at magdamdam
Kung kailangan pa ba niyang maghintay o sumuko na lang
O hingin ang oras mo, tanong niya'y siya ba'y may karapatan?
Kaya sana kung bubulabugin mo lang din naman ang kaniyang damdamin at wala kang balak na siya'y mahalin—
Pwede ba? Huwag na lang, huwag mo siyang ikulong sa isang sitwasyong kulang na lang siya ay mapraning.
Salita | Ate Yhin
08172022648am
Aug 16, 2022
Aug 16, 2022 at 8:22 PM UTC
Ah ngayon mas nauunawaan ko na kapag sinasabi nila na, "Sana umalis ka na lang ng dahan-dahan, hindi ang mabilis hindi rin iyong biglaan."
Dahan-dahan na para bang ipaparamdam mo muna sa kaniya na nanlalamig ka na.
Unti-unti na kulang na lang sabihin mo sa kaniya na wala ka ng gana.
Sa malumanay at hindi sa dahas **** papataying ang pag-ibig niya para sayo hanggang sa kaniyang mapagtanto, "Ayoko na, pagod na ako!"
Iyon na rin ang pagkakataon mo para lumayo at lumisan sa kaniyang kanlungan.
O 'di ba nagtagumpay ka sa pag-alis mo ng dahan-dahan.
Sa isip mo, hindi na siya gaano naman masasaktan.
Dahil unti-unti **** inubos ang pag-ibig niya na sa'yo'y inilaan.
Kaya naman sana mas maging masaya ka na
dahil ngayon pinalaya ka na niya ng tuluyan.
Salita | Ate Yhin
08162022924am
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 9:46 PM UTC